Chapter 11

39.6K 1.1K 26
                                    

Chapter 11: Abby & Jin.

Abby's POV

Wala na ako sa clinic. Nandito na ako sa bahay. Aish! Hindi pa nga magaling 'yong paa ko, sabi nang doktor medyo napalakas daw ang pakakatapilok ko kaya medyo namamaga.

Sila Cleofe naman dumadalaw dito minsan pagtapos ng klase. Si Cleofe na nga 'yong gumgawa ng mga assignment ko eh. S'yempre 'yong dalawa (Cassandra & Pauline) Pinag shoshopping nila ako. Hahaha. Pera pa nga nila 'yong ginagamit nila eh. Swerte ko diba?

"Okay ka na girl?" Tanong ni Cassandra.

"Oo. Gusto ko na nga pumasok sa school eh. Boring dito sa bahay. " Sabi ko.

"Anyare ba kase sayo?" Sabi ni Pau.

"Ewan! Basta ang tanga ko." Sabi ko naman.

"Aw, tapos 'yong Jin Hirushi na 'yun magaalok ng tulong tapos gagawin pang biro." Sabi ni Cleofe habang ginagawa ang mga assignment ko.

"Au naku! Huwag niyo ngang banggitin 'yong Jin na yun. Tss!" Sabi ko.

"Naku te! Kung ako sayo pag galing ko. Gaganti ako sa Jin na 'yan. Buong akala ko pa naman nagbago na." Sabi ni Cleofe.

"Naku! Talagang gaganti ako. Humanda siya no! Kala niya ganun pa rin tayo? Tss, Gago siya hindi na no, ibang Abigail Ruth na ang kaharap nya. Bwiset siya." Sabi ko.

"Naku! Bakit kaya niya ginawa 'yun?" Tanong ni Pauline.

"Ewan ko dun. Imposibleng trip niya. Eh diba halos baliw na baliw si Jin kay Abby." Sabi ni Cassandra

"Naku! Ako nababaliw sa kanya eh. Paano ko ba 'yan malalayuan?" Sabi ko.

"Lumipat kaya tayo ng school." Sabi ni Cleofe.

"Ay Cleofe! Alam mo ng bawal nga ako, dahil dito na talaga ako nakatira at bawal ng lumipat ng school. Kung pwede lang edi sana matagal na akong lumipat." Sabi ni Pauline.

"Oo. Tss! Si Ate kase ang nasusunod." Sabi ko.

"Oo nga pala! Asan Ate mo Abby? Diba sunday ngayon wala s'yang pasok?" Sabi ni Cass.

"Oo nga nasan? Gusto 'kong makita siya." Sabi ni Pauline.

"Lagi namang busy 'yun eh." Sagot ko.

Sila naman ay nagtanguan.

"Ay! Walang magawa." Sabi ni Pau.

May kumatok naman. Binuksan naman ni Cass 'yung pinto ng kwarto ko. Si Ate pala.

"Hi Ate Ariane." Bati nila Cleofe at Cassandra.

"Hi po." Bati naman ni Pauline.

"Hello! Ay Abby may naghahanap sayo dyan sa baba. " Sabi ni Ate. Huh? Sino naman kaya yun?

"Sino daw Ate?" Tanong ko.

"Jin Hirushi daw." Sabi ni Ate. Bigla nanaman ako nakaramdamn ng pang gigil. Grrrr. Hanggang dito ba naman sa bahay ko?

"Paalisin mo na siya Ate." Sabi ko.

"Huh? Eh kakapasok lang eh." Sabi nya.

"Wala kang alam Ate." sabi ko. Tahimik lang sila Cleofe sa sulok.

"Bakit ganyan ka Abby? Ikaw na nga 'yung dinadalaw ng tao eh." Sabi niya. Nakakainis naman. Wala nga s'yang alam sa nangyari eh.

"Pwes! Hindi ko kailangan ng pagdalaw niya." Sigaw ko.

"Paalisin mo na siya." Sabi ko pa. Bwisit!

Umalis naman si Ate. Sila Cleofe naman kinuha ako ng tubig.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon