Chapter 42: Pride and Jealousy.
Cassandra's POV
Nakakainis! Alam niyo kung bakit? Paano ba naman hindi ako tinatawagan nung kumag simula nung nagkita kami ni Jet. Argh!
"Ikaw naman kasi e." Sabi ni Pauline. Nandito kami sa Jollibee kaming girls lang.
"Ano nanaman ba yun?" Tanong ko.
"Ikaw may kasalanan tapos ikaw pa mapride." Sabi ni Cleofe.
Well, kung ako hindi niya kinokontak hindi ko din siya kinokontak. Pride ko nga.
"Mas pinili mo na nga si Jet kesa sa Boyfriend mo. Alam mo naman si Jet mapang-asar din yun tulad ng pinsan niya. Di mo man lang pinagexplain." Sabi ni Abby.
"Sus! Nalaman mo lang na Fiance ni Jin si Mae e." Sabi ko.
"Duh! Wag mo ngang idamay yung amin ni Jin."
Tss. Komplikado ng life nila. Si Jin fiance si Mae. Tapos siya Gf ni Jin! Aba! Jin hirushi ikaw na. Hays! Bakit ko ba pinapakielaman yan?
"Ako na lang kasi sinisisi niyo." Sabi ko.
"Eh. Ikaw naman kasi may mali!" Sigaw nilang tatlo. Ako na!
"Wala kang mapapala dyan sa pride mo."
"At bakit?" Tanong ko.
"Duh! Nag mamahalan kayo hindi naglalaba. Gaga to!" Sabi ni Pauline.
"Ako na nagsasabi sayo. Cassandra Brei.." Sabi ni Cleofe.
Hays!
"So. Anong gagawin ko?"
"Makipag-ayos ka. Alam mo! Sakit kayo sa ulo! Ikaw naman kase e."
"Edi fine!" Sabi ko at nagwalk-out.
Nakakainis. Ako na lang lagi nasisisi. Ano bang mali sa ginawa ko? Hindi pinakinggan explanation niya? Tss.
"Cass!" Sigaw ni Cleofe pero hindi ko 'to pinansin.
Pauline's POV
"Hayaan niyo siya. Bata pa e." Sabi ko.
"Nakakainis. Siya na nga sinasabihan ng advice ayaw pa makinig."
"Hayaan mo na be. Bata yan e." Sagot ko.
Ganyan lang siguro yun. Bata sila at hindi pa masyado nag mamalfunction sa utak niya ang salitang maturity.
"Hay nako! Kayo nga kumausap dyan kay Cass. Sakit sa bangs! Madami na akong iniisip. Dadagdagan ko pa!" Sigaw ni Abby.
Bakit kasi ang komplikado ng life? Si Jin na Fiance si Mae. All of this! Bakit si Mae pa? Kung hindi ba pinacancel ng Mommy ni Abby ang arranged marriage niya. Si Jin pa din ba? Hays! Too much complicated.
"Girls. Sundan ko lang si Cassandra ah." Paalam ni Cleofe. Nag-nod na lang kami ni Abby.
Cleofe's POV
Hinanap ko naman si Cassandra kung saan. I know Cass. Mataas talaga pride niya. Kahit dati pa lang e. Hindi pa namin kilala si Pauline. Kapag mag-aaway sila ni Abby. Ako lagi sinasabihan niya kung bakit ganito o ganyan.
"Zab! Nakita mo ba si Cassandra?" Tanong ko kay Zab. Naalala niyo pa siya? Kaklase namin siya.
"Ah? Alam ko kasama niya si Elaiza."
"Andun sa Garden. Nag-uusap ata." Singit ni Kevin.
"Ah. Sige. Thanks."
Pumunta na nga ako sa Garden. Pagdating ko doon nakita ko nga silang dalawa ni Elaiza. I saw Cassandra crying. I dont know. Ang alam ko nakayakap siya kay Elaiza. Mukhang hindi niya ako kailangan dito. Mukhang may kaibigan na siyang kaya siyang samahan.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...