Chapter 33.1: Anonymous number. (part I)
Pauline's POV
**BZZZT BZZZT**
|Open|
From: +639************
Haii Pauline.. (;
|END|
Luh! Sino nanaman kaya ito? Lagi nalang ako kinukulit ng mga anonymous number.
To: +639*************
Sino to?
|END|
Habang inaantay ko yung reply. Bumaba muna ako sa sala namin.. Saturday kasi ngayon. Eh yung tatlo? May sari-sariling lakad, eh ako naman wala. Nga-nga lang!
**BZZZT BZZZT**
From: +639******
Secret. Hulaan mo na lang!
|END|
Yung totoo? Ang lakas ng trip ng tao ngayon no? Tinatanong ng maayos sabay sagot sayo "Secret"
To: +639***********
Pasensya! Kung sino ka man po, hindi ako manghuhula.
|END|
Nakita ko naman si Lola at Mommy na pababa ng hagdan.
"Saan lakad nyo?" Tanong ko.
"Dyan lang Pau-pau. Gusto mo bang sumama?" Tanong ni Mommy.
"Ah... Hindi na po siguro." Sabi ko.
"Bakit naman?" Tanong ni Lola.
"Hmm... Wala lang po, parang nakakatamad eh." Sabi ko.
Halos kanina mabored ako, ngayon tinatamad. Gulo self.
"Chucy ka pa nak. Sumama kana. Dali hintayin ka namin." Sabi ni Mommy at patulak akong tinulak sa hagdan.
Kahit kelan talaga itong nanay ko oh! Tsk.
Justine's POV
"Hoy! Panget.. Sabi ng iyong Papa na mag-ayos ka daw." Sabi ni Yunna.
"At para saan?" Tanong ko. Nadito kasi ako sa bahay at wala sa condo. Tsk! Ayoko talaga dito.
"Sus! Busying busy sa katext . Tch! Di naman makascore. Hahaha! Torpe talaga." Sabi nya.
Binato ko naman sya ng unan. Tss! Nakuha pang mang-asar.
"Aray ko naman.. Ikaw ha?" Sabi nya.
"Ano? Umalis ka nga dito!" Sigaw ko sa kanya.
"Gusto mo ba maka score? Haha!" Sabi niya. Sinamaan ko naman ng tingin.
"Kunwari pa. Pumunta ka nalang dito." Sabi ni Yunna at inabot ang isang invitation.
"Para saan 'to?" Tanong ko.
"Puntahan mo malay mo makita mo hinahanap mo." Kumindat pa nga siya. Tss. Nasiraan na talaga ng bait 'yon.
*Bzzzt Bzzzt*
From: Daddy ko..
Son! Did you receive the invitation? You need to come there.. I hope puntahan mo yun :)
|End|
Tss. Kahit kelan talaga yung tatay ko. Tsk! May smiling face pa.. Ang baduy ah!
"Oh, anong sabi?" Tanong ni Yunna.
"Wala ka ng pakielam dun. Alis!" Sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin at umalis na sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung pupunta ako, Tss! Wala din naman akong magawa. No choice! Tss. Makapunta na lang sa letcheng nilalaman ng invitation na 'to.
Pauline's POV
Mga past 3 o'clock na kami nakapunta sa pupuntahan namin. Tss! Daming kaek-ekan ng mag-ina sa akin eh. Pinasalon pa ako at pinagmake-up. Malay ko bang party pala ang pupuntahan. Buti nalang di ako nabored. Katext ko kasi si Anonymous number. Pero maloko lang. Duh! Di ko nga sya kilala pero sya kilala ako. Famous!
*Bzzt Bzzt*
From: Anonymous number
Pauline.. Paano kung malaman mong may gusto ako sayo? Magagalit kaba?
|END|
Kita niyo? Lakas ng trip nya diba? Hindi ko naman siya kilala. Maloko talaga!
To: Anonymous number
Luh! Hindi nga kita kilala eh.. Sino ka ba ha?
|SENT|
"Oh nak. Kanina ka pa pindot ng pindot dyan sa cellphone mo. Sino ba katext mo? Boyfriend mo?" Tanong ni Mommy. Luh! Lakas din ng trip ng Nanay ko eh noh? Crush nga wala, boyfriend pa kaya. Matinde!
"Luh! Mommy naman, ni isang crush nga wala, ayon pa kaya." Sabi ko.
"Okay lang naman sa akin anak eh, basta sabihin mo lang sakin." Sabi ni Mommy at nginitian pa ako.
"Pakilala mo. Pero mas boto talaga ako kay Justine apo, gwapong bata." Sabi ni Lola.
Ito talagang si Lola mukhang Justine. Malabo. Pero hindi malabong humanga ako sa kanya. Habang nasa byahe wala akong ginawa kundi magtext kay Anonymous. Di naman siya boring katext eh, pero ayaw nya padin akong tigilan sa panloloko. Tss.
From: Anonymous number
Di po ako nag jojoke. Totoo po! Mahal po kita.. Pauline Brix Smith.
|END|
Pucha! Ano 'tong nararamdaman ko? Di ko naman siya kilala. Bakit ang bilis ng puso ko? Sino ba kasi nasa likod nitong Anonymous Number na 'to? Sino ba kasi siya? O baka naman stalker ko 'to? Hindi eh! Iba yung nararamdaman ko.. Iba talaga parang kay JUS---??
Isang MALAKING H-I-N-D-I
IMPOSIBLE!
"Oh nak. Okay ka lang?" Tanong ni Mommy.
"Ah-Opo?" Sabi ko at nag-nod pa.
"Sure ka apo?" Tanong ni Lola, ngumiti naman ako sa kanya.
"Opo.."
Nang makarating kami sa isang hotel ay bumaba na kami ng kotse at naglakad papasok ng hotel, nang nakaakyat na ako sa hagdan ay bigla akong napatid dahil hindi ko nakita yung isang palapag ng hagdan. Buti na lang may humawak sa braso ko.
"Ah. Thank you.." Sabi ko sa humawak sa akin at tinignan kung sino ito..
Bat ganito nararamdaman ko sa kanya? Sobra naba akong may gusto sa kanya? Shock! Ang landi ko na.
"Ju-justine?." Sabi ko. Nginitian naman nya ako! Putek. Ang gwapo.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...