Chapter 60: She's my Past and you're my Present
Cassandra's POV
["Maw. Magkita naman na tayo oh! Namimiss na kaya kita"]
"Tinatamad nga ako, di mo ba naiintindihan yun?"
["Ok! Ganyan ka naman e. Pagdating sa akin tinatamad ka! Pero sa iba. Sige! G n G"]
"Kung mag-tatalo lang tayo, wag na muna tayong mag-usap."
["Sabe mo e."]
"Grabe yung ginawa mo kay Alex! Ginagawa mo siyang tanga be." Napatingin naman ako kay Pauline.
"Bakit? Si Justine ba di ka ginagawang tanga?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo? Love is stupid. You cannot define love if you didn't feel being stupid." Sabi nito.
"Alam ko. Kaya nga parehas kami ngayon nag-mumukhang tanga diba?" Sabi ko sa kanya.
"Oo. Pero Cassy! Ikaw yung binibigyan ng atensyon nung tao, hindi si Dana. Kaya pwede ba? Wag ng pabebe?" Sabi nito.
"Hindi ako nagpapabebe, okay?"
"Eh? Ano? Umaarte? Alam mo buti ka pa nga may binibigay na atensyon sayo yung tao? Ako? Wala nga ni-isa diba?"
Bakit ba kasi ganon yung tao? Hays. Isa lang masasabi ko. Ang complicated ng Love!
"Alam mo? Mabuti pa nga kayo nag-uusap e. Eh? Ako? Inindyan pa!" Sabi nito.
"Umasa ka kasi." Sabi ko sa kanya.
"Hindi masamang umasa lalo na kapag mahal mo okay?" Sabi nito.
"Nako! Bahala ka nga! Magpakatanga ka!" Sabi ko sa kanya at iniwan siya sa loob ng kwarto nito.
"OY! GRABE KA NAMAN! SA TINGIN MO BA UULIT PAKO? DI NA NO!" Sigaw nito.
"Buti naman alam mo, jusko! Ayaw ko sa lahat yung ginagawa na ngang tanga, masaya pa!" Sabi ko sa kanya.
"Minsan kasi, kung saan ka pa mukhang tanga doon ka pa masaya." Sabi nito.
"Bahala ka dyan! Bibili pa ako ng project sa Physics." Sabi ko sa kanya.
"Sipag naman pala! Sige. Gora!"
Umalis na nga ako sa bahay nila Pauline. Hays! Ano ba yan? Loner ko naman. Ayoko naman guluhin sila Abby at Jin. Buti pa sila may forever! Bat ako wala?
Calling: Cleofe....
"Yep?"
["Where ka?"]
"Pupunta kahit saan, bakit?"
["Dinner tayo later?"]
"Huh? Ano bang meron?"
["Laaaaa! Kailangan may dahilan?"]
"Hindi naman. Himala kasi."
["Hahahaha! Bahala ka dyan. Ako na nga manlilibre e. Para naman easy lang yang utak mo!"]
"Hahaha. Oo na sige na! Yung project natin sa Physics jusko! Gawin niyo na!"
["Hahahaha. Oo na! Byeee. Text kita later ha?"]
"Sige, sige."
Pagdating ko sa mall, agad naman akong pumasok sa National bookstore. Hays! Totally, wala naman talaga akong balak gumawa ng hayop na project na yan lalo na sa physics. Sadyang! Gusto ko lang maoccupied yung utak ko.
Hindi ko alam kung ba't ako ganon kay Alex? Am I being hard na ba? Kailangan ko na bang easyhan? Ba't ba nga ako nagpapabebe?
"Miss?" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...