Chapter 23: Butterflies
Pauline's POV
Nagising ako na parang may nakayakap sa akin. Kyah! Bakit katabi ko na si Justine? Napatingin naman ako kila Abby, mga tulog pa sila. Dahan-dahan ko naman inalis yung yakap ni Justine. Inferness ang sarap! Este ang sikip. Nung tatanggalin ko na bigla naman itong humigpit.
Gising na ata itong loko na ito!
"H-huy! Tatayo na ako." Sabi ko habang ginigising sya.
"Hmm.." Tss! Nagtutulug-tulugan lang ata ito 'e.
"Huy! Justine." Sabi ko.
Tatayo na sana ako pero nagulat ako nung hinatak nya ako pahiga sa kanya. Ayan tuloy! Nakadagan ako sa kanya tapos siya naman nakayakap sa akin. Ano nanaman eksena nito?
"Huy! Baka magising sila Abby." Bulong ko.
"Justine naman! Tatayo na ako." Sabi ko.
Tumingin naman ako kila Abby. Baka kasi mamaya gising na 'yan 'e. Tapos maabutan pang ganito kaming dalawa baka ano pa isipin.
"Justine please naman. Ang aga-aga mo mang-trip." Sabi ko.
Dumilat naman siya. Salamat naman.
"Tsk!" Sabi niya at tinangal na pagkakayakap sa akin.
Tumayo naman na ako at naglakad na papuntang banyo. Pinagtritripan nanaman ako nung mokong 'e. Aga-aga!
Pagtapos kong maghilamos ay lumabas na ako. Pero hindi pa din gising sila Abby at Cassandra. Lalo naman yung iba. Gabi na kasi kami nagsitulog kagabi.
Nagpunta naman ako sa kusina.
"Ay! kalabaw!" Sigaw ko. Halos mamatay ako sa gulat! Nakakagulat naman kasi itong si Justine.
"Nakakagulat ka naman!" Sabi ko sa kanya. Pero hindi man lang ako pinansin.
"Nice talking ka ngayon," Sabi ko.
"Hoy! Bakit ka ba ganyan?" Tanong ko habang sinusundan sya.
"Hoy!" Sabi ko.
"Bahala ka nga." Aalis na sana ako kaya lang bigla nya akong hinatak.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang hinahabol! Parang nagkakaroon ng butterfly yung tyan ko.
"Ah-uh.. Jus—"
"Hoy kayong dalawa ang aga nyong maglambingan. Daig nyo pa magshota." Sabi ni Cassandra. Gising na pala ito.
"Pauline! Samahan mo ko mamimili tayo." Sabi ni Cassandra.
"Kami na lang ni Pau." Sabi ni Justine.
"Sus! Bahala kayo." Sabi ni Cassandra at iniwan kami.
"Tara na.." Sabi ni Justine at ngumiti sa akin.
Waaah! Bakit parang may naglalaro sa tyan ko? Bakit may paro-paro?
Ang gwapo ni Justine kapag nakangiti. Shocks!
Shut up Pau! Aga-aga ang landi.
Pumunta naman ako sa kwarto para magbihis. Pagtapos kong magbihis ay nagpaalam na kami kay Cassandra.
"Cassy! Alis na kami ah? Ingat ka dito." Sabi ko.
"Oo naman no. Patayin ko pa sila 'e." Sabi nya. Kahit kelan talaga!
"Hoy! Justine. Mag-ingat kayo." Sabi ni Cass.
Nag-nod naman si Justine. Kahit kelan masungit. Sila ata ni Zake ang magpinsan e.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...