Chapter 58

19K 713 56
                                    

Chapter 58: The Pictures

Cassandra's POV

Ang daming nangyari nitong nakaraang linggo. Ewan ko ba! Naawa na lang ako sa kaibigan kong si Pauline.

"Maw?" Tumingin naman ako kay Alexander.

Nandito kami ngayon sa Mall, umabsent kaming dalawa para naman mag-palamig. Feeling ko kapag nasa school ako hindi ko kakayanin e. Pakiramdam ko na lang kukunin ako ni Lord ng maaga na sana wag naman.

"Maw. Kanina ka pa tulala." Sabi niya.

"S-sorry.." Sabi ko.

Simula nung nahimatay ako ayaw niya na ako iwan mag-isa. Paano na lang daw kapag wala siya? Sinong magbubuhat sa akin papuntang hospital? Dapat nga, ako lang ang aabsent e. Kaya lang, talagang mapilit si Alex. Nag-usap naman na kaming dalawa na wala na talaga silang ugnayan ni Dana. Sana nga! Kase naman si Justine. Halatang namiss si Eunice.

"Maw. Wag mo muna sila isipin." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Paanong di ko sila iisipin? Eh. Halos nasasaktan na talaga sila. Lalo naman si Pauline." Sabi ko sa kanya.

"Tss. Minsan talaga kase gago yang si Justine e. Ewan ko ba! Ba't mahal na mahal niya yang si Nice." Sabi ni Alex.

"Nako. Kung may lakas lang talaga akong sapakin yang si Justine. Nako! Ginawa ko na." Sabi ko sa kanya.

"Psh. Pero syempre! Hindi ko hahayaan na masaktan ka no! Ako na lang sasapak para sayo, kahit kaibigan ko pa siya." Sabi naman niya.

"Tss. Sabihan mo nga yang bestfriend mo." Sabi ko sa kanya.

"Maw. Wag na natin silang pakielamanan, kase naman Maw. Maaayos naman yan e." Sabi nito. Nag-iisip ba siya? Paano maaayos?

"Maw! Paano maaayos? Nasasaktan dito yung kaibigan ko. Di lang physical pati emotional." Sabi ko dito.

"Please Maw? Wag na makulit? Wag mo muna intindihin yan sa ngayon? Pwede?" Sabi nito na parang naiinis na sa inaasta ko. Psh! Mas nakakainis nga siya e!

"Maw naman.." Sabi nito at hinahabol ako sa pag-lalakad.

Nagulat na lang ako nung biglang hinatak ako ni Alex papunta sa Mcdo. Psh!

"Wag ka na magmuk-mok dyan Maw. Kumain na lang tayo tapos gala na lang tayo? Okay ba yun?" Sabi nito.

"Oo na. Ano pa magagawa ko?" Tanong ko.

"Cute! Wag ka na mag-pout. Kissan kita e! Ano? Gusto mo?" Sabi niya at ngumuso pa.

"Tse! Umorder ka na lang." Sabi ko sa kanya.

"Sure Maw"

Pumunta naman siya sa counter habang ako naman ay naghanap na ng mauupuan. Hindi ko talaga maiwasan mag-alala kay Pauline. Bakit ba naman kase ganon ang naging nangyare sa kanila? Pati tuloy ako, natatakot na.

"Huy! Maw. Okay ka lang?"

"H-huh?" Napatingin naman ako kay Alex habang nag-lalagay ng order sa table.

"Maw naman. Diba sabi ko sayo wag mo muna sila isipin?" Sabi nito at tumabi na sa akin.

"Oo na nga po." Sabi ko at inayos na ang pagkain namin.

Matapos namin kumain ay niyaya niya ako sa World of fun. Wala naman na akong angal, gusto ko din muna magsaya.

"Maw! Gusto ko non!" Sabi ko at tinuro pa Bear catcher si Minions.

"Maw! Hindi ko alam yan." Sabi nito.

"Dali na Maw. Pleaseeeee!" Pangungulit ko dito.

"Maw naman. Hindi ko talaga kaya yan. Promise." Sabi niya at nag-sign pa ng promise.

"Hmp."

"Wag ka na malungkot, doon na lang tayo." Sabi niya.

"Okay." Sagot ko naman at sumunod sa kanya.

Nandito naman kami sa Basketball ring kung saan puro lalaki at may ilan-ilan ang naglalaro. Tss! Ayaw ko nito.

"Maw. Halika!" Tawag niya.

"Ayoko." Sagot ko naman.

"Bakit naman?" Tanong nito.

"Dito na lang po ako." Sabi ko naman.

"Talaga bang gusto mo yun ah?" Sabi nito.

"Okay nga lang diba?" Sabi ko at hinalukipkip yung braso ko.

"Bahala ka nga. Ayaw ko talagang makipag-away." Sabi nito at iniwan ako sa bench.

Wala naman akong nagawa kundi hayaan na lang din siya. Wala e! Hays. Habang inaantay ko siyang mag-palamig ay nangalikot muna ako ng Cellphone ko.

**Bzzzt Bzzzzt**

From: +639************

|Kawawa ka naman, hindi ka nya kuhanan ng Minions sa Catcher. So sad! Sinabi ko naman sayo, akin sya|

- End -

Bigla na lang napahigpit ang hawak ko sa phone ko. Hindi dahil sa text kundi dahil sa picture na na nakita ko. Si Dana at Alex habang nasa bear cather. Kitang-kita ko dito na pilit na kinukuha niya si Dana ng bear. Gaguhan?

"C-Cass?" Napatingin naman ako kay Alex.

"Alam ko na." Sabi ko.

"H-huh?" Tanong nito.

"Kaya, ayaw mo ko kuhanan nun." Sabi ko.

"Di kita magets!" Sabi nito.

"Di mo magets? Oh!" Sabi ko at binigay sa kanya ang cellphone ko at umalis sa harap niya.

"Teka nga." Sabi niya at hinatak ako sa braso.

"Wag dito Alex, please!" Sabi ko at pinipigilan ko ang sarili kong saktan siya.

"I will explain." Sagot nito.

"Save your explanation." Sabi ko at itinulak siya.

"Ano ba!" Sigaw niya.

Hindi ko na nga napagilan ang sarili ko. Humarap ako sa kanya at sinampal siya. Gosh! Hindi ko alam na kaya kong gawin sa kanya yun.

"Sabihin mo kung gaguhan na 'to! Kasi ako na mismo nagsasabi sayo. Wag mo akong idamay dyan sa love story niyo." Sabi ko at aalis na sana ng makita ko si Jet.

"Cass?" Hindi ko alam pero hinatak ko sya at umalis doon.

"Iyak." Sabi nito.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi masamang ilabas yan, sige ka." Sabi nito.

"Ang sakit." Sabi ko at niyakap siya.

"Sige lang."

"Jet, ang sakit-sakit. Simple lang naman hinihiling ko e. Yun lang! Bakit? Inaalala niya ba yun?"

"Sa tingin mo?"

"Nasasaktan ako!" Sabi ko.

"Hindi naman masama ang masaktan, ang masama. Matapos mong masaktan, gagawin mo pa din yung nakakasakit sayo." Sabi nito.

"H-huh?" Tanong ko.

"Ikaw? Choice mo yan e! Babalik ka sa kanya pero masasaktan ka? O magpapahinga ka muna." Sabi nito.

Ano nga ba? Iiwan ko nga ba siya? Itutuloy ko tong katangahan na to!

"Pero sa pagmamahal kase, hindi mo masasabing mahal mo yung tao hangga't hindi ka nasasaktan." Sabi niya at niyakap ako.

Ano ba talaga? Alex. Mahal mo ba siya? Gagawin mo din ba yung ginagawa ni Justine?

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon