Chapter 6

74.2K 1.6K 160
                                    

Chapter 6: Campus loveteam

Pauline's POV

Lunes nanaman! May pasok nanaman, matapos 'yung Acquaintance party text text lang kami nila Abby, hindi kase kami pwede magkita dahil kasama daw nila family nila. Nga pala. About sa family ko lagi na silang nag cocomunicate sa akin, medyo okay na ako sa ganun at nalaman ko din na uuwi na sila dito kapag natapos na nila 'yung trabaho nila. Kinukulit rin ako ni Lola about dun sa Lalaking naghatid sa akin dito sa bahay nung Acquaintance party. Grabe lang!

Todo isip rin ako about dun. Sino kaya ang naghatid sa akin dito? Imposible naman na si Justine eh ang laki ng galit nun sa akin. Tinanong ko naman sila Abby kung sino kaya lang hindi pa nagrereply. Grabe sino kaya yun?

"Apo! Nandiyan na sila Cleofe!" Sigaw ni Lola. Ay hindi pa pala ako nagbibihis. Nagsuot na lang ako ng pantalon at blouse. Pagtapos kong magbihis bumaba na ako nakita ko naman sila Abby at Lola na tawa ng tawa. Anyare?

"Oh apo! Nandyan ka na pala kanina ka pa nila inaantay." Sabi ni Lola.

"Ay! Okay lang po, sanay na kami." Huh? Sanay na? Paano?

"Tara na baka malate na tayo." Aya ko sa kanila mamaya ko na lang sila tatanungin kung bakit sila tumatawa. I'm sure may sinabi si Lola dun. Pagdating namin sa school lahat sila sari-sariling bulungan, ano nanaman kaya? Nakakainis! Lagi na lang ganito.

"Bakit ba sila ganyan?" Tanong ko. Grrr! Nakakainis.

"Syempre mga insecure." Sabi ni Cassandra. Napatingin naman ako dun kay Zab at Rhea na para pang kinikilig.

"Anyare sa inyo." Tanong ni Abby sa kanila.

"Ah! wala-wala. Pagod lang siguro." Sabi ni Zab. Tsk! Liar. Halata naman eh. Naglakad na lang kami papuntang classroom kaya naman nadaanan namin yung bulletin board at ang daming estudyanteng nagkalat. Wow. Anong nangyari dito? May special announcement kaya?

"Ano kaya meron dun?" Napatingin naman kaming apat dun sa nagsalita. Tss! Nandito na pala sila Justine.

"Nga eh." Sabi ni Alex.

"Wow! Kagulat ha? Hindi na 'oo nga' nga eh na hahahaha!" Pang-aasar ni Jousha. Tsk!

"Hehe. Para bago naman kasawa ang 'oo nga' eh." Sabi naman ni Alex, sinabayan pa talaga ng trip. Nga pala okay na ang face ni Alex. Back to normal na ulit. Haha!

"Tara lapit tayo." Sabi ni Abby. Wow! Iba ata ang atmosphere dito. Parang may closeness. Hahaha! Lumapit naman kami sa bulletin board pinadaan naman kami syempre nandyan sila Justine eh, pero kung wala sila. Naku! I'm sure nakikipagaway pa kami ngayun sa mga estudyante dito. Pagtingin namin sa bulletin board.

"Fuck." Sabi namin ni Abby. Si Cassandra nga-nga, si Cleofe lumaki ang mata at ang mga Campus Prince naman ay kumikinang ang mukha. Bakit ganyan reaksyon namin? Ganito lang naman ang nakalagay sa BULLETIN BOARD.

- Campus LOVETEAM

Kashock ba? Pero hindi lang yan. May mga picture pa! Lupet no? Yung picture nila Cleofe talaga ang nakakaintriga. Bakit? Kasi HHWW lang naman. Hahaha! Meron namang picture ni Jin at Abby nung sinusubuan ni Jin si Abby tapos si Abby naman kinakain yung sinusubo ni Jin. Gets niyo? In short sinusubuan ni Jin si Abby. Gets na? Meron rin naman na ginagamot ni Cassandra si Alex sa clinic tapos malapit ang mga mukha at eto ang malupet! Ako? May picture naman na yung ulo ko nakasandal sa balikat ni Justine at meron rin na buhat-buhat nya ako. Now I know kung sino ang naghatid sa akin sa bahay nung Acquaintances party. Pero gusto 'kong malaman kung sino ang gumawa ng mga pictures na to?

"Si-sino gumawa niyan?" Tanong ni Cleofe. Kami naman nakatingin pa rin sa mga pictures. Sila Justine ganun din.

"Hindi ko alam." Sabi ni Jin. Tsk! Baka naman kayo ang gumawa nyan. Pero kasama namin sila nung Acquaintance party, pwede naman na may inutusan diba? diba? Haha! Sinisi. Pero sinong hudas ang gumawa nito? Kung sino talaga yan. Jusko po! Mapapatay ko yan. Joke lang baka mamaya ipahanap ako ni Detective Han no! Makamissing you.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon