Chapter 29

29.2K 1K 18
                                    

Chapter 29: How did they know?

Justine's POV

Halos hindi ko makalimutan yung narinig ko kahapon kay Pauline. Posible kayang may gusto din sya sa akin? Geez! Bakit ba kasi ang torpe ko? Bat hindi ko magawang umamin? Yun na eh. May gusto na din. Psh!

"Bro! Tulala ka nanaman?" Sabi ni Jin na kakarating lang sa Classroom. Wala pa kasing masyadong estudyante. Mga tatlo palang kami.

"Psh! I-iniisip ko pa din kasi eh." Sabi ko.

"Pfft! Hahaha. Umamin ka na lang." Sabi ni Jin at umupo na sa upuan nya.

"Psh! Porket ba maayos na lovelife mo. Ganyan ka na?" Sabi ko.

"Anong maayos? Gara mo. Justine ah." Sabi niya.

"Gara daw." Sabi ko.

Ilang minuto lang din ay dumating na din si Pauline pero wala pa sila Abby at Cleofe. Si Cassandra at Pauline pa lang ang dumarating.

"Anong pinaguusapan nyo dyan ah?" Tanong ni Pauline.

"Wala naman." Sabi ni Jin. Ngumiti naman si Pauline.

Shit! Gusto ko na nga ba si Pauline? Na kahit sa simpleng ngiti nya napapatibok nya ng mabilis yung puso ko?

"O-okay ka lang?" Tanong niya.

"Hoy! Okay ka lang daw? Day dreaming." Sabi ni Jin. Epal talaga itong lalaking 'to kahit kelan. Psh!

"Ah-uh.."

"Psh! Bayan Tupe!" Sigaw ni Alex na kakarating lang. Psh! Letse talaga 'tong mga 'to. Aish!

"Tupe?" Tanong ni Pauline.

"Oo. Tor—" Bago pa makasagot si Jin ay tinakpan ko na yung bunganga nya. Ingay naman!

"Tch. Tupe talaga." Sabi ni Alex habang umiiling pa. Tch! Sipain ko ito eh.

Mga ilang minuto lang din ay dumating na yung iba at nagsimula na yung klase. Habang naglelecture yung teacher namin, di ko alam pero hindi ako mapakali.

"Ayos ka lang ba Justine?" Tanong ni Pauline. Nagnod naman ako!

"Parang kang kiti-kiti." Sabi niya. Napalingon naman ako sa sinabi nya.

"H-huh?" Sabi ko.

"Hahaha! Wala." Sabi nito at tumahimik na.

Bakit ganon? Kahit tapos na s'yang tumawa. Parang nananatiling nasa tenga ko at umeecho..

Malakas na ba talaga tama ko kay Pauline? Bwiset naman kasi! Bakit di ko magawang umamin man lang?

Pauline's POV

- Break Time -

Matapos ang klase namin. It's break time! Nakakapagod din palang umupo no? Kaya siguro di mapakali si Justine.

"May problema ba Pau-pau?" Tanong ni Abby. Tch! Pau-pau na talaga tawag nila.

"Wala naman. May iniisip lang." Sabi ko.

Nandito na kasi kami sa loob ng bandroom. Ayaw daw nila ngayon sa Cafeteria. Tch!

"Ano naman iniisip mo?" Tanong ni Alex.

"Baka naman sino ang iniisip mo?" Sabi ni Cassandra at pinagdiinan pa ang salitang sino. Psh! Tuktukan ko ito eh.

"Baka naman si Justine." Sabi ni Jin. Napatingin naman ako sa kanya. Huh?

"Si Justine nga ba? Pau-pau?" Tanong ni Cleofe. Pero pang-asar.

"H-huh?" Sabi ko.

Para naman silang tanga na nag ngingitian. Nababaliw na ba itong mga ito?

"Pauline!" Sigaw ni Jousha. Si Justine naman nananatiling tahimik.

"Nararamdaman mo ba kay Justine ang butterflies on stomach?" Sabi ni Jin.

Lumaki naman mata namin nila Abby. Paano niya nalaman yun?

"H-huh?" Tanong ko.

"Mabilis ba tibok ng puso mo?" Tanong ni Alex. Teka! Paano nila nalaman?

"May gusto ka ba kay Justine?" Tanong ni Jousha. Si Justine naman ay halatang pulang-pula na.

"Guys! Pinagtutulungan nyo si Pau-pau. Ba't napunta dyan ang usapan?" Sabi ni Abby.

"Psh! Ikaw Abby? Diba mahal mo na ako?" Sabi ni Jin. Nagulat naman si Abby sa sinabi ni Jin sakanya. Shit! How did they know?

"P-pinagsasabi nyo?" Tanong ni Abby. Pero halata dito na sya ay kinakabahan.

"Ayaw nyo pang umamin. Diba ikaw maldita ting may gusto sa akin?" Sabi ni Alex kay Cassandra. Halos maibuga naman ni Cassandra ang iniinom n'yang juice.

"Ehem!.. A-ang kapal ah?" Sabi ni Cass.

"Sus! Kunwari pa!" Sabi ni Alex.

"Asa ka. Alex tambo." Sabi ni Cassandra at inirapan si Alex. Napatawa na lang si Alex sa asal ni Cassandra.

"Ikaw naman Cleofe. Ayaw din umamin! Bat ganyan kayong mga babae? Manhid." Sabi ni Jin.

"Manhid?" Tanong ko.

"Opo! Tch. Gusto laging sinasabi. Minsan nga makiramdam din kayo. Hindi lahat ng oras kelangan sabihin, pakiramdaman nyo din." Sabi ni Jin.

"Matured natin ah!" Asar ni Abby.

"Ngayon na nga lang eh. Hayaan mo na." Sabi ni Jin.

"Pero hindi din naman kelangan sa lahat ng oras laging pakiramdaman. Malay ba natin may nahuhulog na pala." Sabi ni Cleofe.

"Bahala nga kayo. Basta ako.. Hmm.." Sabi ni Justine at nag-zip ng mouth.

"Tch. Laging hmmm! Kaya tignan mo. Tupe." Sabi ni Alex.

"Kayo nga mga babae kayo. Magsi-amin na. May gusto kayo sa amin no?" Sabi ni Jin.

"Bat hindi nyo masagot? Oo no?" Sabi ni Jousha.

"Hahaha! Nahiya pa. Narinig namin kayo no!" Sabi ni Alex.

"H-huh? How did you know?" Tanong ni Cleofe.

"Psh! Nag-uusap kayo dito kahapon diba? Narinig namin. Psh. Kayo ah? Matagal na pala kaming pinag nanasaan." Sabi ni Alex.

"Kapal mo naman! Hindi ko nga matanggap eh." Sabi ni Cassandra.

"Tumigil kayong dalawa!" Sigaw ni Abby.

"Porket nalaman n'yong may gusto kami sa inyo. Kayo agad Jousha and Cleofe ah?" Sabi ni Abby.

"Psh. Baka nga kayo pa mauna eh. Abby and Jin." Sabi ni Cleofe.

"Psh. Uso pa sa akin manligaw." Sabi ni Jousha.

"Tama! Ligawan mo muna. Aish! Cleofe. Wag mo munang sagutin. Hayaan mo sya mag-antay." Sabi ni Abby.

"Eh kayo Abby and Jin?" Tanong ko.

"Kami? Hahaha. Ligawan din syempre." Sabi ni Jin at inakbayan pa si Abby. Si Abby naman kunwari pa. Gusto naman!

"Eh ikaw Pau-pau?" Tanong ni Cleofe.

"Anong ako?" Tanong ko.

"Kay Justine." Sabi ni Abby.

"Naku. Wala kang aasahan dyan kay tupe." Sabi ni Jousha. Binato naman ng unan ni Justine si Jousha.

"Manahimik ka." Sabi ni Justine.

"Ito tanungin natin.. Cassandra at Alex kayo? Anong plano niyo bukod sa mag bangayan?" Sabi ni Jin.

"Wala!" Sabay nilang sagot. Tch! Mga choosy.

"Sus! Kunwari pa. May gusto din naman sa isa't-isa." Sabi ni Justine. Kumibo din sa wakas.

"Siya lang 'yon. Di ako." Sabi ni Alex.

"Kakainin mo din yan!" Sabay-sabay naming sabi kay Alex. Arte pa ng lolo niyo.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon