Chapter 49: Field trip.
Pauline's POV
Nandito na kami ngayon sa bus. Katabi ko naman si Justine. Umaasa ako na sana totoo yung sinasabi ni Justine na hindi nga ako pang rebound niya basta kay Eunice. Sana hindi magtagpo muli ang landas nila.
"Yamo? Gusto mo?" Tanong niya at inangat pa ang hawak niyang Pritos ring.
"Aga-aga, chichirya yang kinakain mo. Nag-almusal ka ba?" Tanong ko sa kanya at inagaw ang Pritos ring na hawak.
"Yieeeeee! Sweet na ulit sila." Pang-aasar ni Cassandra na kakaakyat lang nang bus.
"Mga baliw! Tawag niyo sa inyo? Holding hands oh?" Sabi ko. Binitawan na lang nila ang kamay nila.
"Che!" Sabi niya at umupo na sa likod namin.
"Mamaya mo na 'to kainin ah? May stop over naman tayo sa Mcdo e. Doon ka nalang mag-almusal." Sabi ko sa kanya tapos siya naman nag-pout lang. Juice colored!
"Inis naman Yamo e."
"Ano ka ba! Iniisip ko lang naman yang kalusugan mo." Sabi ko sa kanya at tumingin sa bintana. Ako kasi yung nasa side nang bintana e. Ayoko sa may aisle nahihilo ako!
"Oo na po." Sabi niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Don't doubt my love for you. Mahal kita Pau! Mahal na mahal"
Yan mga salitang yan ang hinahawakan ko ngayon. Wag ko siyang pagdudahan sa pagmamahal niya. Hinihiling ko nga, sana kung itinakda na mag-kruss ulit ang landas nila sana wag na lang. Sana hindi na lang mangyari.
"Tahimik ka Yamo?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya.
"Wala po." Sagot ko naman.
"Sure? Wala? Baka naman mamaya magalit ka nanaman sa akin." Sabi niya. Napangiti naman ako sa kanya.
"Nakaka-trauma kaya ikaw kapag tahimik, kung ano-ano iniisip mo." Sabi niya. Binatukan ko naman siya.
"Trauma talaga? Exagerated masyado ah!" Sabi ko.
"Hahaha. Di naman! I love you." Sabi niya. Okay? I'm blushing.
"Ang sweet!" Pang-aasar nila Jin at Abby na nasa kabilang gilid na upuan.
"Sus. Paano yang boyfriend mo hindi cheezy." Pang-aasar ni Justine kay Yamo.
"Atleast di tupe." Sabat naman ni Alex.
"Aba't pinagtutulungan niyo ba ako?" Tanong niya.
"Hahaha. Kawawang Justine." Sabi ni Jousha.
Pinagtutulungan nga nila si Justine. Kawawa naman Yamo ko. Kami namang mga babae tawa lang nang tawa. Hahaha! Di ko pa ba nasasabi? Na ang isang 'to kapag inaasar napipikon din? Haha. Nananahimik na lang siyang naka-upo sa tabi ko habang yung iba naman tawa ng tawa.
"Sorry na Justine. Hindi na! Promise." Sabi ni Abigail.
"Hahaha. Eto naman pikon masyado! Bagay pala kayo ni Pikon e." Sabi ni Alex.
"Pinamimigay mo ba ako?" Tanong ni Cass.
"Hindi naman. Pinag bebenta lang! Wahahahaha." Sabi ni Alex at tumawa. Sinamaan naman siya nang tingin ni Cass.
Nang mga past 6 o'clock naman na ay umalis na ang bus namin papuntang tagaytay. Yippiiii! Malayong-layo ang biyahe namin nito.
"Yamo? Gusto mo matulog?" Tanong niya. Mukhang di na siya pikon at naiinis ngayon.
"Ayoko po." Sabi ko.
"Tulog na." Sabi niya.
"Aish!" Sabi niya. Mukhang nainis naman. Mood swings!
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...