Chapter 54: Meet His Ex!
Cleofe's POV
"Baby? Ang aga mo naman mag-yaya ng date. Di ka pa ba napagod nung Prom?" Tanong ko.
"Hindi dahil don. May gusto kasi akong ipakilala sayo."
"Nako! Sino naman? Ha?" Tanong ko dito.
"Galit ka naman ata e!" Sabi niya.
"Hindi ah! Excited na nga ako e!"
"Weh?"
"Oo nga. Sino ba kase yan?" Tanong ko.
"Her."
Ano daw? Her. Ibig sabihin babae?
"Sino ate mo?" Tanong ko.
"Hindi."
"Eh. Sino?" Tanong ko ulit.
"Basta sumama ka na lang." Sabi nya.
"Sige na nga. Umayos ka Cureil ha!"
"Oo naman." Sabi nito.
Binaba ko na nga ang telepono at nag-ayos na ng sarili. Sino kaya ipapakilala sakin nun? Nang makababa ako ay andon si Yaya sa baba nag-aayos ng almusal.
"Hi Ya!" Bati ko dito.
"Oh? Aalis ka?"
"Opo! May lakad po kame ni Jousha e."
"Ang aga naman mag-aya ng date nung hijo na yun." Sabi nito.
"Hahaha. Boy scout daw po sya e." Biro ko.
"Oh siya. Kumain ka na at marami pa akong gagawin."
"Sige po."
Hindi pa ako nag-sisimulang kumain pero si Jousha ay nandyan na. Boy scout nga ang loko!
"BABY!" Sigaw nito ng makapasok ng bahay.
"Walang doorbell? Bawal kumatok?" Bungad ko dito.
"Ay! Walang kiss!" Sabi nito.
"Che. Ikaw! Feel at home ka talaga e no?"
"Oo naman. Bahay ng asawa ko 'to e." Sabi nya at kinurot pa ako sa pisngi.
"Manahimik ka nga! Ang aga-aga mo naman mag-aya ng date!" Sabi ko.
"Di naman date pupuntahan natin e!" Sabi nya.
"Eh ano?" Tanong ko.
"Basta. Taraaaaa na!"
"Teka-"
Hindi na nga ako naka-angal dahil lumabas na kami agad ng bahay. Baliw talaga to! Bat ko ba mahal to? Sumakay na kami sa sasakyan at ito na nga busy sya sa pagmamaneho.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa nangyayari. Kung sino ba 'yung ipapakilala niya. Bakit parang importante at nag mamadali siya. Oh baka naman ang totoo ay excited siyang makita. I don't want to think about it. Kasi kung babae man niya iyon ay bakit ipapakilala pa ko.
Saka, knowing Jousha. Hindi siya ganon lalaki. Kung sa kanilang apat. Si Jousha ang matino pagdating sa relasyon. Sa ilang taon na napansin ko noon sa kaniya bago kami maging close ay madalas hindi siya kasama nila Jin at Justine sa pang bababae.
Madaming rumors na nagka-girlfriend siya. Nalaman ko 'yon. Kaya napansin ko na siguro nga kaya hindi na sumama kasi busy siya sa iba. Kaya kung ano man 'to. Alam kong hindi ko ipapahamak ni Jousha. I know Jousha. Mas matured siya sa pagdating sa relasyon dahil may experience na siya dito.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...