Chapter 19

39.8K 1K 14
                                    

Chapter 19: East Ville Vs. Saint Harvest

The Dance Competition Day.

July 25 ****

Pauline's POV

Dance Competition na mamaya. Whoo! Kinakabahan ako para kila Cassandra at Alex. Magaling din kasi yung mga taga East Ville.

"Apo. Gising ka na ba?" Tanong ni Lola. Nasa bahay pa kasi ako, maaga pa naman eh.

"Opo la."

"Ah sige. Sumunod ka na lang sa baba hane?" Sabi ni Lola.

Nag ayos naman na ako ng sarili tutal tapos na akong maligo. Pagkababa ko makita ko si Lola nasa dining area na namin.

"Apo dalawang araw na lang 18 ka na." Sabi ni Lola. Oo nga no? Dalawang araw na lang birthday ko na. Hays. Hanggang ngayon wala pa din akong balak.

"Ano bang plano mo?" Tanong ni Lola. Wala pa nga eh. Pero sabi nila Dad baka sa villa na lang namin.

"Wala pa po eh." Sabi ko.

"Uuwi ba mommy mo?" Tanong ni Lola. Sabi naman ni Mommy diba? Uuwi sila.

"Oo daw po." Sagot ko naman.

"Mabuti naman. Tagal mo silang hindi nakasama eh." Sabi ni Lola.

Tumango na lang ako. After namin kumain. Nagpaalam na ako kay lola.

Pagdating ko sa school ang daming tao. Yung iba kasing taga East Ville andito na. Paano ba naman excited makita sila Justine. Tss!

"Hi, Pauline. Nandito ka na." Sabi ni Abigail.

"Ay wala ako dito Abby eh. Picture ko lang 'to." Sabi ko naman.

"Pilosopo." Sabi ni Abby.

Pumasok naman ako ng room at nandon na si Justine. Himala nga hindi tulog eh.

"Wow ha. Himala hindi ka tulog." Sabi ko sa kanya.

"Ganon talaga." Sabi nya.

"Bati bati na kayo?" Tanong ni Hannah.

"Hindi ba halata?" Sabi ni Cassandra.

"Hehehe."

"Guys! Sino mga taga broadcasting club dito?" Sigaw ni Justine.

"Bakit mo natanong?" Sabi ni Jousha.

"Ako po?" Sabi nong kaklase namin. Uhm. Jennica ata ang name nya.

"Paki broadcast na wala ng clash." Sabi ni Justine. Napatingin naman yung mga kaklase namin sa kanya.

"Eh!" Sigaw nila.

"Yie. Bati bati na!" Sigaw nila Elaiza. Kahit kailan talaga.

"Punta tayong rooftop." Sabi ni Justine.

"Anong gagawin natin dun?" Sabi ni Jin.

"Wala. Tambayan natin 'yun. Ayaw nyo 'tsaka yung bandroom sa atin din 'yon." Sabi nya. May nalalaman na s'yang tambayan ngayon ah.

"Sige, sige. Maganda yan. Dun na lang din tayo sabay-sabay maglulunch or whatever." Sabi ni Cassandra.

Sumang-ayon naman kaming lahat, pagdating namin sa rooftop. Wow lang! Napakaganda ng mga bulaklak sa railings, ang colorful.

"Ang ganda naman dito." Sabi ni Cass.

"Ganda ba? Kasing ganda mo ba?" Sabi ni Alex.

Namula naman si Cass. Hindi sa pikon kundi sa kilig. Awtsu! Kilig much ang bakla.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon