Chapter 35: Love is in the Air.
Pauline's POV
"Omo! Sila Justine.."
Nagbukas naman yung pintuan ng rooftop. Lumuwa naman doon sila Justine! Sino pa ba?
"H-hi?" Sabi ni Alex.
"Kyah! Bhieeeee!" Sigaw ni Jin at niyakap si Abby.
"Aray naman! Umayos ka nga." Sabi ni Abby kay Jin.
Tss! The childish playboy. Playboy nga isip bata naman. Pero kay Abby lang! Haha.
"Oh? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Cassandra.
"Masama na bang umakyat dito?" Sabi ni Alex.
"Ayan nanaman sila oh! Sus. Magtatalo nanaman yan."
"Hahaha! Hindi diba Malds ting?" Sabi ni Alex at sabay yakap kay Cassandra.
"Hoy! Chansing yan!" Sigaw ni Cass. Sus! Kunwari pa yung gaga.
"Oy! Babae. Arte mo naman. Buti nga niyayakap pa kita eh." Sabi ni Alex.
"Di kana nasanay dyan kay Cass." Singit ni Jin.
"Manahimik ka nga playboy." Sabi ni Cassandra.
"Oy! Dati lang yon no! Grabe ka naman. Bhieee! Oh inaaway ako." Pag susumbong ni Jin at ngumuso pa na parang bata.
"Para ka talagang bata Jin. Yuck." Sabi ni Cass.
"Hahaha! Tama na nga yan. Nagkakapikonan na eh, baka saan pa mapadpad." Sabi ni Abby.
"Ano? Saan tayo?" Tanong ni Justine.
"Nasa rooftop. Tanga lang Justine?" Sabi ni Abigail.
"Hahaha! Barado ka dun Pre." Sabi ni Jousha.
"Ay nako! Ang ibig kong sabihin saan tayo pupunta?" Paglilinaw ni Justine.
"Awtsu! Yan. Linawin mo kase." Sabi ni Cleofe.
"Oo na oo na. Tss!" Sabi ni Justine.
"Napipikon na yung gago oh!" Sabi ni Alex.
"Hala siya? Haha! Hindi mabiro 'to." Sabi ko.
"Tss!"
"Ano saan tayo? Nagagalit na yung boss!" Sabi ni Cass
"Pasok na nga lang tayo, baka mamaya nag-aattendance na si Sr. Caga doon." Sabi ni Jousha.
Tumayo na nga kami sa inuupuan namin at lumabas na ng rooftop. Si Jin naman ay inakbayan si Abby. Habang sila Cleofe at Jousha naman ay magkatabi maglakad. Si Cass at Alex naman ay hindi magkatabi. Tss! Silang dalawa lang hindi sweet. Kung itatanong niyo kami ni Justine ayun magkatabi. Ako pa ba?
Nang makapunta kami sa floor ng room namin. Marami nanaman ang nagkalat na chismosa.
"Sila naba?"
"Aba. Halata naman."
"Sus!" Sabi nung mga babae. Bitter!
Pagpasok namin ng room..
"KYAAAAAAAAAAAAHHH!"
"ANG SWEET!"
Ilan lang yan sa maririnig mo. Pumunta naman kami sa kanya-kanyang upuan at aba! Kanya-kanyang effort. May nakita naman akong bulaklak sa armdesk ko. Okay! Sweet na kung sweet. Kyah! Malandi.
Tinignan ko naman yung nakalagay sa card ng bulaklak.
"Good morning Aw."
Nagtaka naman ako. Ba't Aw?
Pumasok naman na yung teacher namin. Mamaya ko na nga lang tatanungin.
"Good morning class!"
"Good morning Sr." Bati din namin.
"Take your sit."
Naupo naman kami.
"Ang ganda naman ng bulaklak mo Ms. Smith." Napatingin naman mga chismosa kong kaklase.
"AYYIIIIEEEEEE!"
Namula naman ako dun. Eh sa lumalandi eh. Haha! Joke.
"At sinong swerteng lalaki nag-bigay n'yan?"
"Ako po!" Taas kamay na sabi ni Justine.
"Ayiieee. Proud to be!" Sigawan naman nila.
Ako na itong kinikilig! Hahaha. Sorry!
Nandito kami sa cafeteria. Aba! Mga prinsipe namin oh! Effort masyado. Haha! Okay ako na inlove! Inaamin ko na ah!
"Pau?" Tawag sa akin ni Justine.
"Aba! Nag-iimprove yung tupe oh!" Asar nila kay Justine.
"Psh. Manahimik na nga lang kayo." Sabi ni Justine sa kanila. Pero pinag-tawanan lang siya nito.
"Wag mo na nga lang pansinin yan." Sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Chansing ka lang pala eh. Anong nakain mo?" Tanong ni Jin.
"Manahimik ka nga!" Sabi ni Justine.
"Hahaha! Wag muna kasi pansinin Jin. Nang chachansing e." Sabi ni Jousha.
"Kung kami nga hindi pinapansin si Pauline eh. Kasi alam namin kinikilig yan. Diba? Yie." Sabi ni Cassandra.
"Hindi ka ba kinikikig sa akin ha?" Tanong ni Alex.
"Hindi!" Sabi ni Cass. Pero sa loob oo. Naku! Cassandra.
Pagkadismiss! Nagsiuwian na kami inalok pa nga ako ni Justine ng ride pero tinanggihan ko. May kotse ako eh. Sa susunod na lang! Haha. Si Jin at Abby naman may pupuntahan pa ata. Malay! Haha. Mag dadate ata.
"Ingat sa pag mamaneho."Sabi ni Justine.
"Oo."
"Sige na! Ingat ha? Baka mawala sa akin yung puso ko." Sabi nya.
"Sus. Banat mo bulok." Sabi ko. Pero kilig!
"Bulok?"
"Hahaha! Bawe ka nalang." Sabi ko. Sinara na nga niya yung pinto ng kotse ko.
Haha! Ang saya nitong araw na ito. Love is in the air ♥
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...