Chapter 20: The music video.
Pauline's POV
[ Papasok ka ba? Sorry talaga ha? ]
"Ano ka ba? Ayos lang. Sipon lang naman 'to." Sabi ko. Kausap ko si Abby ngayon. Nag sosorry kasi nga hindi daw nila ako naihatid.
[ Sigurado ka ba? ]
"Oo naman.." Sabi ko.
[ Mag pahinga ka na lang kami na bahala magsabi kay Sr ]
"Papa---.."
Ganda. Binabaan ako..
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Parang pakiramdam ko mahuhulog ako. Nahihilo ako. Pero kailangan 'kong pumasok. Ngayon kami gagawa ng music video.
Natapos naman akong maligo. Buti na lang at medyo umayos na ang pakiramdam ko. Siguro dahil na din nahismasmasan na ako sa tubig. Pagkababa ko nakita ko si Lola..
"Oh. Bakit ganyan itsura mo? Maayos na ba pakiramdam mo?" Sabi ni Lola. Nagnod naman ako bilang sagot.
"Kumain ka na.. Papasok ka pa?" Tanong ni Lola.
"Opo La." Sabi ko. Nakakainis naman itong ubo na ito.
"Tignan mo inuubo ka tapos papasok ka. Sigurado ka bang ayos ka lang?" Sabi ni Lola.
"Opo.."
"Hays. Ganyan talaga ang mag bibirth day. Bukas na ang debut mo. Makakauwi kaya ang Mommy mo. Nagusap na ba kayo?" Tanong ni Lola.
"Hindi pa po. Mukha pong busy sila ngayon kasi nga daw uuwi sila. Umaasa ako Lola Bukas na birthday ko hindi ko alam kung makakauwi pa sila." Sabi ko. Nakaramdam naman ako ng lungkot.
"Hayaan mo Apo.. Pag nakausap ko sabihin 'kong umuwi sila kahit humabol man lang bago matapos ang kaarawan mo.." Sabi ni Lola. Gumaan naman ang loob ko.
Pagkatapos 'kong kumain. Nagpaalam na ako kay Lola. Hinatid naman na ako ni Mang Ronald.
Pagdating ko sa school. May usapan nanaman.
"Nakarating ka ba kahapon? Wala na daw clash ha?" Chismosa #1
"Oo. Hindi yun joke." Chismosa #2
Hinayaan ko na lang sila at pumunta na ng building. Pagdating ko nandon na si Ma'am. Hays! Parang ang aga naman nya.
Hindi natapos yung pagkatok ko nung biglang bumukas yung pintoat lumuwa ang teacher namin. Huhuhuhu.
"Ow! Ms. Smith why are you late?" Tanong nya sa akin.
"So--sorry Ma'am.. Masama po kasi pakiramdam ko.." Paliwanag ko naman.
"Ah. Ganun ba? Ms. Smith.. Pwede ka na pumasok sa loob. Hintayin nyo ako. Babalik ako may urgent lang.." Sabi ni Ma'am. Whooo! Buti na lang.
Pagpasok ko sa classroom. Lahat sila nasa akin ang atensyon. Nakatingin lang at tahimik. Anong problema nitong mga kaklase ko. Napatingin naman ako kila Abby.
"Babae! Bakit ka pa pumasok? Akala ko ba may sakit ka!" Sigaw ni Abby at lumapit sa akin.
"O-oo nga. Pe-pero ubo at sipon lang 'yon. Wala naman akong lagnat eh." Sabi ko.
"Ikaw talaga." Sabi nya at sinamahan ako papunta sa upuan ko. Nagingay naman na ulit yung mga kaklase ko.
"Kumusta na pakiramdam mo? Balita ko may sakit ka ha.." Sabi ni Justine.
"Ayos lang ako." Nabahing naman ako. Omg! Nakakahiya!
"Haha. Ang cute mo." Sabi nya sabay pinch sa ilong ko. Namumula ata ako guys. Haha!
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...