Chapter 52.4

21.8K 797 31
                                    

Chapter 52.4: Valentines Day!
[TinLine's Moments]

Pauline's POV

"Lalalalalalala~" Sabi ko habang bumaba ng hagdan. Amoy valentines. Naks! Tag-landi nanaman kami nito.

"Mukhang ang saya mo ngayon Pau-pau ah?" Sabi ni Lola habang inaayos yung hapag-kainan.

"Di naman La!" Sabi ko at umupo na.

"Sus! Sabihin mo mag-dadate lang kayo ni Justine. Naku!" Sabi niya at nginitian pa ako ng nakakaloko. Lola ko talaga!

"Nga pala! Ang sabi ng Mommy mo sa akin baka next month pa sila maka-uwi. You know." Sabi ni Lola. Nag-nod na lang ako! Naiintindihan ko naman sila Mom at Dad e.

"Oh! Kumain ka na at baka mamaya dumating na yang boyfriend mo. Di ka pa naliligo." Sabi ni Lola.

"Si Lola talaga." Sabi ko.

Nagsimula na nga akong kumain. Nang matapos ako kumain ay umakyat na nga sa itaas para maka-ligo.

"Ang apo ko talaga! Nagmamadali." Sigaw ni Lola. Napailing na lang ako!

Inihanda ko naman na muna lahat nang susuotin ko. Ugh! Wala akong masuot.

**Bzzzt Bzzzt**

Calling: Yamo ko

Laaaaaaaaaa! Ba't naman kaya tumatawag itong Monster na 'to?

"H-hello?"

["Oh? Bakit ganyan boses ng Yamo ko?"]

"H-huh? Haha. W-wala." Sabi ko at naupo sa kama.

["Sus! Miss mo ako e."]

"Kapal naman ni Yamo. Haha!"

["Ganon?"]

"Joke lang po Yamo ko. Saan ba tayo mamaya?"

["Sa resthouse namin doon sa Antipolo."]

"What time?"

["Bakit? Papaganda ka pa?"]

"Ang adik mo talaga."

["Joke lang. Sige na po! Mamaya na."]

"Sige po. Aayos pa ako e."

["Sus. Papaganda ka lang e."]

"Ewan ko sayo"

["Sige na. Babye na!"]

"Babush!" Sabi ko.

Nang mag-end na ang call ay nagsimula na akong maligo at mag-ayos. Tinulungan din naman ako ni Lola sa pag-aayos sa sarili ko. Nag-suot na lang ako nang blue na shorts at puting blouse.

"Yan na Apo." Sabi ni Lola.

Mga hapon ay dumating na nga si Justine dito sa bahay. Nag-paalam na nga ako kay Lola at sinabing kapag hinanap ako ni Mommy ay sabihin na lang na lumabas ako kasama si Justine.

"Ganda ah?" Sabi niya nang makalabas kami ng gate ng bahay.

"Tss! Bolero." Sabi ko.

Binuksan naman niya ang Shot Gun seat at pinasakay ako. Naks! Gentleman!

"Sus. Ba't ako walang compliment? Di ba ako pogi ngayon?" Tanong niya nang maka-upo siya sa Driver seat. Tinignan ko naman ang itsura niya.

Naka-black na t-shirt lang siya at meron siyang blazer habang nakapantalon din na itim. Bakit ganon? Kahit anong ipasuot mo sa kanya ang gwapo niya?

"Tss. Oo na! Ikaw na gwapo." Sabi ko sa kanya at ikinabit ko naman ang seatbelt kaya lang di ko makabit. Ay! Nangangain ata ng tanga 'to.

"Matagal na akong gwapo Yamo. Tss! Ikakabit lang e." Sabi niya nang mapansin ako na di ko iyon makabit.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon