Chapter 43

30.1K 858 29
                                    

Chapter 43: His sister.

Cleofe's POV

"Jhess. Gising! Andyan si Jousha!"

Hm. Ang sarap pa ng tulog ko e.

"5 Minutes Yaya. Please.."

"Jhess naman. Hirap mo naman gisingin! Andyan nga boyfriend mo."

Si Yaya ang kulit. Hays! Ang aga naman kasing pumunta ni Jousha e. Ano bang meron?

"Babain mo na yun. Pag hahandaan ko lang." Sabi niya.

Nakarinig naman ako ng sara ng pinto. Saka ako bumangon!

Naglakad na nga ako papuntang banyo. Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako simpleng suot lang ayos na. Nakita ko naman si Jousha na kumakain sa Sala.

"Ang aga mo ata." Sabi ko.

"Tss. Kanina pa nga ako dito e. Papasama sana ako."

"Huh? Saan naman?" Sabi ko at tumabi na sa Sofa.

"Sa airport. Nagpapasundo kasi yung ate ko e." Sabi niya.

Ow! Darating na pala yung ate niya.

"Ganon ba? Anong oras ba?" Sabi ko.

"Ngayong 7:30 ng umaga." Sabi niya at sinubo pa ang pancake.

"Kain ka muna. Saka tayo alis." Sabi niya. Kaya kumain muna ako.

Matapos namin kumain ay nagpunta na kami sa airport. Traffic pa.

"Dapat di mo na lang ako pinakain e." Sabi ko.

"Bakit naman? Ayoko naman magutom ka noh."

"Yan tuloy. Traffic. Baka magalit pa yung ate mo."

"Alam niya na yun. Sa tuwing susunduin naman siya alam niyang late na."

"Magugustuhan ba ako ng Ate mo?" Bigla kong tanong. Curious lang

"Anong klaseng tanong yan? Haha. Oo naman." Sabi niya at tumingin pa sa akin at binalik ulit ang tingin sa daan.

"Kasi diba. Yung iba. Kinikilatis talaga yung mga gf ng kapatid nila. Lalo na kung babae." Sabi ko.

"Oo. Pero hindi ka naman kakainin non." Sabi niya at umusad na nga ang traffic.

Sana. Feeling ko kasi iba e!

Airport

Attention passengers on Singapore Airways flight 2352 to Pulau Ujong, Singapore. The departure gate has been changed. The flight will now be leaving from Gate 26.

Nandito na kami ni Jousha sa Airport. Sa terminal 3 ng Naia. Yung ibang terminal kasi hindi nag papasok e. Hanggang labas lang.

"Ah. Jousha! Cr lang ako." Paalam ko sa kanya.

"Samahan na po kita?"

"Ah. Wag na. Baka dumating na yung Ate mo oh." Sabi ko. Nag-nod naman siya. Sht! Ihing-ihi na ako kaya naman tumakbo na ako papuntang restroom.

"Aw. Sorry Miss." Pasensya ko sa nabunggo ko.

"Ano ba? You're not using your eyes. Just donate them with others. Useless!" Sigaw niya.

Isa siyang babaeng matangkad, chinita, maputi. Tss! Pangit ugali, eskandalosa!

"Tss. I said sorry right? Yeah. I know that's my fault. Hindi ako tumitingin sa daan. Kaya nga sabi mo diba? Idonate ko yung mata ko sa iba! Tss. Bakit yang bunganga mo hindi mo ibenta? Tutal bagay yan sa mga palengkera." Sabi ko at nilagpasan siya.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon