Chapter 51.1: Birthday Of Maknae!
Pauline's POV
Birthday ngayon ni Cassandra. Matapos ang Christmas ay nag New year na pero di kami magkakasama. Malungkot pero sabi nga nila araw naman ng pamilya namin. Hindi kami sabay ni Justine mag new year. Kasi sabi niya pupunta silang States! Kami naman ay pumuntang Korea nandoon kasi ang Tita ko. Ngayon inaayos nanamin ang Birthday ni Cassandra.
"Alam ba ni Cass na birthday niya?" Tanong ni Cleofe.
"Malamang birthday niya e." Sabi ko.
"Isip tayo bagong acting." Sabi ni Abby.
"Yan nanaman sa Acting na yan! Haha. Naaalala ko tuloy yung birthday ko." Sabi ko.
"Ang adik mo nga nun e." Sabi ni Cleofe.
"Pasalamat ka di ka matiis ni Yamo mo." Sabi ni Abby. Memories.
"Ano bang magandang biro?" Tanong ni Abby.
"Pakidnap natin." Sabi ni Cleofe.
"Nagawa niyo na sakin yun e. Alam niya na yun." Sabi ko.
"Hirap naman mag-isip! Lahat ata sayo namin nagawa e." Sabi ni Cleofe.
"I have a better idea." Sabi ko. Hoho! Light Bulb.
"CASSY! Happy birthday!" Bati ni Cleofe.
Cassandra's POV
"WAAAH! Salamat!" Sabi ko at niyakap siya.
"Wala akong gift Cass! Haha. Joke lang." Sabi naman ni Pauline.
"Nakakainis nga e. Lunes na lunes yung birthday ko" Sabi ko.
"Hihi. Ayaw mo nun? May pasok." Sabi ni Abby.
"Gusto ko pa naman gawin yung ginawa natin nung birthday din ni Pau." Sabi ko.
"Oy! Di ka na bata ateng! Mas matanda ka pa sa akin noh? Pero ikaw pa din Maknae namin." Sabi ni Pau. Mas matanda lang naman ako ng buwan kesa sa kanya. Pero isip bata e! Ako pa din Bunso. Matured ako sa ibang bagay pero may isip batang side lang talaga.
"Tara na nga! Libre niyo ko."Sabi ko
"Sus! Ikaw may birthday e. Dapat sagot mo." Sabi ni Cleofe.
"Wala nga akong handa e." Sabi ko.
"Wala daw handa. Sus." Sabi Pau.
"Hahaha. Oo nga! Binati lang ako nang parents ko then boom!" Sabi ko.
"Nye? Ganern lang yun?" Sabi ni Abby.
"Oo! Haha. Okay na yun! Di naman nila kinalimutan birthday ko kaka-trabaho nila e." Sabi ko.
"Tara! Libre ko na lang kayo." Sabi ko pa. Halata sa akin na Malungkot paano ba naman. Di man lang ako makapagdebut! Hays. Same talaga kami ni Pau!
"Cass. Mamaya aalis kami ah?" Paalam ni Abby. Oh? Ba't nagpapaalam sila sa akin? Hindi ba nila ako isasama?
"Di niyo ko isasama?" Sabi ko.
"Dyan lang naman kila Abby e. May kukunin lang." Sabi ni Cleofe.
"Ba't nagpapaalam pa kayo?" Tanong ko.
"Ah-eh. May meeting kasi kayo sa Club niyo nila Alex." Sabi ni Pau. Meeting? Wala naman nababangit si Ma'am ah!
"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko. Ba't di na lang sa akin sinabi?
"Ah-Sinabi ni Elaiza sa akin kanina. Nakita ko siya e." Sabi ni Pau.
"Ganon ba?" Sabi ko. Bakit ganito? Parang ordinaryong araw lang?
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...