Chapter 3

81.9K 2.3K 91
                                    

Chapter 3: Boys plan, Justine, girl!

Justine's POV

"Anong plano mo Dre?" Tanong ni Alexander habang nakapatong ang paa niya sa lamesa.

Nandito kase kami ngayon sa band room. May banda kase kami s'yempre kami ang representative ng school. Sikat rin 'yung banda namin sa mga clubs or bars.

"Wala pa akong plano sa babaeng 'yun." Sagot ko naman sabay kuha ng magazines.

"Ganito na lang hilahin mo siya tapos ipagsigawan mo na girlfriend mo siya, tingnan lang natin kung makikisakay 'yon." Suggest naman ni Jousha.

Hmm. Pwede rin pero paano kapag ipinahiya ako 'nong babaeng 'yun?

"Tama! Hahaha! Dadami rumors niya diba?" Pagsang-ayon naman ni Jin.

"Sige! Kakausapin ko rin 'yung Principal na Campus Prince and Princess na lang ang magorganize para sa Acquaintance Party." Sabi ko naman.

"Ikaw?" Tanong naman ni Jin kay alex.

"Anong ako? Plano ko kay Cassandra?" Sabi ni Alex habang tinuturo pa ang sarili nya.

"Oo, ano plano mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Asarin lang nang asarin para laging pikon, hahaha!" Sabi niya 'tsaka umupo ng maayos.

"Adik ka talaga. Ako? Aawayin ko lang si Cleofe, ang saya eh" Sabi naman ni Jousha at ngumiti pa.

"Ikaw Jin?" Tanong ko naman kay Jin.

Mukhang magiging masaya ang 4th year ko ha! Hindi na ako mabobored araw-araw 'tsaka baka lagi na akong pumasok ng school. Nangiti naman ako sa naisip.

"Ako? Ito mangchiks tapos pagtripan si Abby." Sabi naman ni Jin atsaka tumawa.

Tsk! If I know type mo lang si Abigail.

Tumunog ang school bell hudyat na pasukan na. Umalis na kami sa band room at pumunta na ng room, pagdating namin syempre tilian to the max nanaman. Mga gwapo eh, mahangin ba? Hindi naman totoo lang talaga. Umupo na ako sa upuan ko. Tiningnan ko ang bakanteng upuan. Late ang katabi ko.

"LATE NA BA AKO?" Sigaw ni Pauline sa pintuan habang hingal na hingal.

And speaking of..

Gulat ang reaksyon ng mga kaklase namin, Paano ba namang hindi? Ang lakas ng sigaw niya. Interesting talaga 'tong babaeng 'to.

"Sorry." Sabi nya sabay peace sign 'tsaka umupo sa tabi ko, inurong naman niya konti 'yung upuan nya palayo sa upuan ko. Tsk! Parang may germs naman ako.

Nagsimula naman na ang klase na ginagawa na nila Jin 'yung plano nila. Sinisimulan na rin nilang kulitin 'yung mga Campus Princess. Ako? Ito nakatungo nag-iisip kung paano gagawin ang akin. Masiyadong maangas 'tong babaeng 'to eh. Takot ko na lang na masira ang image ko sa campus at sa labas.

"Hoy! Nakikinig ka ba?"Sabi ni Jin.

Tsk! Hindi ko nga alam kung paano sirain image nitong babaeng to eh 'tsska simula palang interesado na ako dito.

"Bakit ba?" Tanong ko naman sa kaniya at saka inangat ang ulo ko.

"Anong sagot sa number 2?" Tsk! Yun lang pala. Bakit kaya naging isang campus prince to? Wala ring palang utak. Paano laging laman puro babae.

"Hindi naman ako gumagawa." Sabi ko. Tiningnan ko naman 'yung katabi ko na busy sa pagsusulat ng sagot. Makopyahan nga.

"Hoy! Makakopya ka ha?" Sigaw niya, kaya naman lahat napatingin sa amin.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon