Chapter 26

32.7K 1.1K 26
                                    

Chapter 26: A chance.

Abigail's POV

Nandito ako ngayon sa Beach. Nagyayaya kasi sila Pauline na mag swimming eh.

"Papalit lang ako." Sabi ni Pauline at pumasok sa rest house nila.

"Sunod lang ako ah?" Sabi ni Cassandra.

"Sige." Sabi ko.

Pumunta naman ako sa Pavillion. Nandon naman sila Justine at Jousha.

"Oh. Hindi pa kayo mag swimming?" Tanong ko.

"Hintayin pa namin sila Pauline." Sabi ni Justine.

"Ah. Doon lang ako." Paalam ko.

"Bhie!" Sigaw ni Jin.

"Oh?" Tanong ko.

"Hmp! Tara na. Ligo na tayo." Sabi niya.

"Sabay na tayo sa kanila." Sabi ko.

"Mauna na tayo. Please Bhie." Sabi nya.

"Mamaya. Hintayin lang natin sila konti." Sabi ko.

"Hmp." Ngumuso naman siya.

"H'wag ka nga mag-pout. Hindi bagay sayo."

"Maligo na kasi tayo." Sabi nya.

"Mamaya. Tawagin ko lang si Pauline." Tatawagin ko na sana si Pauline pero hinatak ako ni Jin.

"Waah! Tumigil ka Jin.. Waah!" Sigaw ko habang iniwaasan siya.

Psh! Isip bata ba ito? Tss. Mag tampisaw daw ba kami dito. Ayan basa na tuloy ako.

"Hmp! Humanda ka sa akin!" Sigaw ko din at binasa siya ng tubig.

"Waah! Ang daya mo Abby eh. Nang hahatak ka na eh." Sabi nya.

"Bakit mo kasi ako binasa?"

"Mababasa ka din naman eh."

"Kahit na. Muntik na tuloy mabasa 'yong cellphone ko sa bulsa. Buti na lang at tinangal ko agad." Sabi ko.

Umahon naman na kami ni Jin. Dumating naman sila Pauline at yung iba pa.

"Anong nangyare sa inyo?" Tanong ni Pauline.

"Naglaro. Hahaha!" Sagot ni Jin.

"Hahaha! Tara na swimming na tayo basa naman na kayo eh." Sabi ni Cassandra.

Hindi kami naka two piece or ano. Simpleng t-shirt lang. Baka kasi mangitim kami eh.

Bumalik naman kami ni Jin sa dagat. Hoho ~

"Bhiie. Mamaya mag yacht tayo." Sabi ni Jin.

"Sige ba. Haha!" Sabi ko.

"Yacht daw tayo!" Sigaw ko.

"Haha! Kayo na lang!" Sabi nila. Ano ba naman 'yon? Ang KJ.

"KJ niyo talaga." Sabi ko. Hindi man lang nila ako pinansin! Hmp.

"Tara na nga lang Jin." Sabi ko at umahon.

"Pakasaya kayo!" Sigaw nila.

"Hmp!" Sabi ko.

"Haha! Good luck!" Sabi nila.

Naglakad naman na ako. Nilingon ko naman si Jin.

"Ganyan ka na ba ngayon? Matagal maglakad?" Sabi ko.

"Eh baka kasi ayaw mo nanaman ako kasabay." Sabi nya. Tss! Drama talaga ni Jin Hirushi.

"Halika na nga dito. Drama mo kahit kelan noh? 'Tsaka mag-isip ka nga kung ayaw kitang kasabay maglakad bakit pa ako sumama?"

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon