Chapter 34: Lumalove life.
Justine's POV
Nagising ako sa hindi ako familiar na lugar. Ang sakit pa ng ulo ko. Ano bang nangyare?
Napatingin naman ako sa side ko. Nakita ko si Pauline na natutulog. Puta! Nasabi ko ba talaga sa kanya yun? Hindi nga? Umamin na nga ba ako? Tangina. Bat hindi ko alam yun.
"Gising ka na pala." Napalingon naman ako sa kanya. Medyo husky pa ang boses niya.
"ah-ah-ah." Sabi ko. Nak ng! Para kang tanga Justine.
"Ah! Nilagnat ka kasi. Ang taas pa kaya dinala kita dito.." Sabi niya at tumayo.
Nakatungo kasi siya sa gilid ng kama at natutulog. Kahit kelan talaga hindi ka gentleman Justine.
"ah.. Nagugutom ka na ba?" Tanong nya.
"ah-uh! Me-dyo.. Pero Paul-ine?"
"A-ano yun?"
"Yung tungkol sa sinabi ko kagabi?"
"Ah. Biro lang yun diba?" Sabi niya at natawa pa.
"Paano kung totoo?" Tanong ko.
Nakita ko naman s'yang nagulat. Pauline naman. Why do you make the things complicated? Minsan lang ako hindi maging torpe. Lubusin muna!
"Hindi ka talaga nagbibiro? Promise?"
"Hindi."
"Eh. Hi-hindi nga? Gusto mo din ako?"
"Huh? Din?"
Anong ibig sabihin ng din? Hindi kaya pati siya?
"Ag-uh! Kalimutan mo na 'yon." Sabi niya at sabay bawi ng tingin.
Hinatak ko naman yung braso niya..
"Mahal kita."
Isang minuto hindi pa din siya kumikibo. Hays! Saan ko ba nakuha yung lakas na loob na 'to? Natatakot ako baka mamaya ireject niya ako.
"Just..Tine?" Tawag niya sa akin.
"A-ako ba Pauline? H-hindi mo g-gusto?"
Tangna. Nabasa lang ako ng ulan nakakaya ko na sabihin itong mga 'to?
"G-gusto." Sabi niya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko! Parang hinahabol ng isang katerbang kabayo (OA)
Pauline's POV
Hindi ko alam pero ang sabi ko kay Justine. Gusto ko siya! Nagulat na lang ako ng yun ay lumabas sa bibig ko. Bwisit naman 'tong bibig na ito.
"J-justine.."
Halos papalapit ng papalapit yung mukha ni Justine hanggang isang inch nalang ang pagitan. Bigla na lang akong napapikit at walang kibo.
"Oh! Gising na pala kayo."
Napadilat naman ako at napa-ayos ng pwesto ng marinig ko ang boses ni Mommy kasama si Lola na nakangiti.
"Ah-uh! G-good morning p-po?" Bati ni Justine.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mommy sa kanya.
"Uh- opo! Salamat nga po pala." Sabi ni Justine.
"Dont thank me hijo! Kay Pau ka mag thank you, siya kaya nag-alaga sayo mag gabi." Sabi ni Mommy.
"Ah! Salamat na din po." Sabi niya.
"Mag-ayos ka na nga pala Pau at tayo ay uuwi na.. Ikaw naman Justine ay ganon din." Sabi ni Lola.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...