Chapter 47

29.8K 785 17
                                    

Chapter 47: Celebration.

Pauline's POV

"Yamo? Nabalitaan mo na sila Jin at Abigail na yung mag-fiance?"

"Opo. Bago ata matulog si Abigail nung nakaraan tumawag muna sa amin nila Cassandra para lang ibalita yun." Sabi ko.

Siguro lang, ang saya nung dalawang yun? Kasi naman diba? Yung problema nilang dalawa naayos pa. Sana ganyan din kami ni Justine, na kapag may dumating na big and worst problem makakaya namin tapusin ng magkasama.

"Tulala ka dyan Yamo?" Tanong niya.

"Ah-wala?" Sabi ko at tinuloy ko na ang pag lilinis ng Classroom.

Ilang oras lang din ay dumating na yung iba kong kaklase. Nauna kasi kami ni Justine sa classroom!

"Pau-pau? Matanong lang anong nakain mo?" Tanong ni Cassandra.

"Haha. Yung mga kiss ko." Sabi ni Justine. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin.

"Joke lang po. Hindi pa nga nag brebreakfast yan Cass e." Sabi ni Justine. Siya na ngayon si Pauline Brix ngayon e.

"Ah. Kaya! Sa susunod kakain ka ah? Hindi bagay sayong may hawak ng walis e." Sabi ni Cassandra. Baliw talaga ever.

"Haha. Tara nga Yamo? Kain ka na lang." Sabi niya at hinatak ako sa Cafeteria.

Pagdating namin doon ay sarado pa ito. Tss! "Tara Yamo? Sa Starbucks na lang." Sabi niya. Naglakad naman kami papuntang Starbucks. Meron kasi ito sa loob ng school. Kaya dito nalang kayo mag-aral. Haha!

Nang makapasok kami ng Starbucks pina-upo na lang niya ako at siya na daw ang bahalang umorder. Nang makabalik ito sakin dala-dala na niya yung order namin. Isang chocolate frappe at isang strawberry alley chips.

"Kumain ka na Yamo ko? Iba kasi ginagawa mo pag-gutom ka e." Sabi niya. Hinampas ko naman sa kanya yung tissue.

"Yamo? Ano kaya kung mag-celebration tayo mamaya?" Sabi niya. Napatingin na lang ako.

"Ikaw po ang bahala, tutal ikaw naman manlilibre e." Sabi ko.

"As always, mga kuripot ata kayo."

"Ikaw yun. Hahaha! Kaya nga sayo kami nagpapalibre e." Sabi ko.

"Madadaya kayo." Sabi niya.

Kinurot naman niya ako sa pisngi. "Nasobrahan ata sa sugar yang kape frappe niyo." Biglang singit ni Jin.

"Ow! Tol. Congrats." Bati ni Justine at nagman to man hug sila.

"Nakita mo ba si Abigail?" Tanong ko kay Jin.

"Andun nag-cr lang. Patable ah?" Sabi niya.

Ilang minuto din ay dumating na si Abigail.

"Congrats nga pala Justine. Kayo nanalo sa battle of the bands." Sabi ni Abigail at tumabi sa akin.

"Double celebration nga naman oh!" Sabi ni Justine at uminom sa frappe niya.

"MADADAYA!" Napatingin naman kami sa pintuan ng starbucks. Andun sila Cassandra at Cleofe kasama sila Jousha at Alex.

"Ganyanan tayo guys?" Sabi ni Cleofe at tumabi sa amin.

"Mga walang pasabi tong mga ito oh." Sabi ni Jousha.

"Haha. Sorry guys! Kami naman talaga nauna ni Yamo dito e." Sabi ko.

"Paano ba naman. Nag wawalis ka! Duh. Sinisinat ka ata e." Sabi ni Cass.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon