Chapter 8

44.4K 1.2K 35
                                    

Chapter 8: Jet Salvador

Cassandra's POV

Lunes nanaman, usually s'yempre may pasok nanaman. Hays. Makikita ko nanaman ang mukang palaka na si Alexander. Pagdating ko sa school nagkita-kita kami nila Cleofe, Abby at Pauline. Pagpasok namin ng room as usual ito nanaman si Jin yabang. Hmp! Si Alexander palaka! Grrrr. Lunes na lunes badtrip!

"Hoy pikoning Cassandra! Musta weekend mo?" Tanong ni Alex palaka.

"Okay lang sana eh, kung hindi ko lang nakita 'yang mukha mo ngayong lunes." Sagot ko naman.

"Hindi ka ba nagwagwapuhan sa akin ha? Lahat ng babae gusto tong face ko, bakit ikaw hindi?" Tanong niya. Ang hangin!

"Lamig! Whooo!" Sigaw ni Pauline. Haha!

"Yakap want mo? Huh? Babe ko?" Tanong ni Justine. Babe ko?

"Babe mo? Tungaw hindi ako baboy, anong Babe? Yuck!" Sigaw ni Pauline sabay batok kay Justine. Haha! Kita mo loko! Buti nga. Bleh!

"Hoy pikoning Cassandra? Hindi ka ba napopogian sa akin ha?" Tanong ulit nitong si Alex mukhang palaka.

"Hindi no! Never akong mapopogian sa mukha mong palaka!" Sabi ko sa kanya.

"Palaka? Sino kaya mukang palaka sa atin pikoning Cassandra?" Aba! Upakan ko kaya 'to? Want nyo? Nang magkaroon ng mukang palaka.

"Grrrrr!" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga Cassandra." Sabi niya sabay tawa ng malakas.

"Hindi ako ako clown para pagtawanan ng isang palakang tulad mo!" Sabi ko sa kanya.

"Hehehe!" Tawa na lang niya.

May narinig naman kaming kumatok. Nang magbukas ito ay iniluwa ang isang lalaki, hindi ko mamukhaan eh' pero parang familiar siya eh.

"Uhm. Can I excuse to Ms. Cassandra Kang?" Tanong niya.

Huh? Ako? Bakit ako? Napatingin naman sa akin sila Abby at sila Alex sa akin. Teka! Sino ba 'to? Ha? Anong kailangan niya sa akin? Tumayo na lang ako at pumunta sa pinto.

Alexander's POV

Takte! Anong gagawin nya kay Cassandra? Grrrr! Nakaka-badmood  naman 'to oh! Kanina ang saya ko kay Cassandra ngayon naman. Tss! Nakakabadtrip 'tong pinsan 'kong si Jet, matapos ng Acquaintance party lalapit pa siya diyan sa ungas na yan?

"Oh, what a face?" Tanong ni Jin.

"Ay nako! Nakita ko lang si Jet. Sarap sapakin eh."

"Tsk, tsk. Selos 'yan." Sabi ni Pauline.

"Selos? Mamatay na!" Sagot ko naman. Ako nagseselos? Hindi ah!

"Mamatay ka?" Tanong ni Abby. Lahat nga naman ng babae. Issue!

"Oo, mamatay man ako." Sigaw ko. Bwisit bad mood.

Cassandra's POV

Pagdating ko sa pintuan.

"Uhm. I want to say sorry about nung sa Acquaintance party." Sabi niya. Acquaintance?

"Ah. So ikaw 'yong nakasapakan ni Alex?" Tanong ko sa kanya.

"Oo ako nga, sorry ha?" Sabi niya ulet.

"Ah, okay lang." Sagot ko naman.

"Oo, mamatay man ako." Sigaw ni Alex kaya naman napatingin ako at anong awra ang meron kay Alex? Ang itim ha? Black aura.

"Doon na lang tayo magusap sa cafeteria pwede?" Aya niya.

"Paalam lang ako sa mga friends ko ha?" Sabi ko naman.

"Oh sige!"

"Uhm. Guys cafeteria tayo? Sama kayo?" Sigaw ko.

"Oh sige ba. May new friends ka ata e. Pakilala mo naman!" Sigaw ni Pauline.

"Babe sama!" Sigaw nila Jin at Justine. Mga trip nga naman.

"Hindi kami Baboy!" Sigaw naman nila Pau at Abby. Buti na lang wala si Sr. kung nandyan siguro ay nako. Guidance na siguro pupuntahan nila ngayon.

Pagdating namin sa cafeteria. Nag-kwentuhan na lang kami. Kilala na rin siya nila Abby. Ang mga boys naman nasa kabilang table. Nalaman din namin na pinsan pala siya ni Alex. Lokong Alex talaga 'yon sinuntok ang pinsan niya?

"Uhm, guys cr lang ako ha?" Sabi ni Pau.

"Sama na ko." Sabi naman ni Cleofe.

"Ako din!" Sabi ni Abby. Hmp! Iwan daw ako?

"Uhm. Sorry talaga ha?" Panimula niya.

"Okay nga lang, ilang sorry na ba yan?"

"Hahaha, pasensya."

Alexander's POV

Paalis na sana kami nila Jin ng makita ko na sila Cassandra at Jet na lang ang naiwan sa table nila. Grrrrr! Bakit ba parang wala ako ngayon sa mood? Anong nangyayare sa akin?

"Hahaha, pasensya." Tawa ni Jet.

Grr! Ang saya nila ha?

Umalis na lang ako nang tuluyan at sumunod kila Justine. Kakabad-mood silang dalawa!

Pagdating ng uwian. Dumiretso ako sa covered court para magbasketball, ganito kasi ako kapag wala sa mood, imbis na uminom magbasketball na lang diba? Pagdating ko sa court walang tao, peaceful.

"Oh Alexander my couz!" Napatingin ako sa dumating. Tss si Jet!

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Si Cassandra kailangan ko." Sabi nya. Huh? Si Cassandra?

"Si Cassy?" Tanong ko.

"Oo, alam mo ang saya niya kasama?" Sabi nito.

"Alam ko kasi nakakasama ko rin siya."

"Ah ganun?"

"Pero alam mo? Magdasal ka para kay Cassy baka kase kung anong meron mangyare sa kanya eh."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, naguguluhan na ako sa kanya eh.

"Magsimba ka, ayon lang." Sabi niya 'tsaka tuluyan umalis ng court. Bwisit! Kapag may nangyare masama kay Cassandra. Papatayin kita Jet.

Lumabas naman na rin ako ng court at nasa lubong ko sila Jet kasama sila Cassandra. Grrrr!

"Pre, tara na." Aya sa akin ni Justine.

"Sabay na tayo kila Babe" Sabi ni Jin.

"Babe ka nanaman? Sisipain na kita loko ka!" Sabi ni Abby. Hays!

Napatingin naman ako kay Jet na naka ngisi, anong balak nitong lokong 'to? Shit Cassandra!

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon