Chapter 53

23.8K 809 45
                                    

Chapter 53: Prom Night

Cleofe's POV

"Abby? Anong bagay sa akin?" Tanong ni Cassandra kay Abby habang hawak ang puting dress na medyo baloon.

"Cassy? Hindi kasal ang pupuntahan mo. Ba't ka naka-puti?" Sabi ko.

"Eto. Ayos ba?" Sabay kuha ni Pau ng isang Dress na fitted at kulay Red.

"Daring Pau." Sabi ni Abby.

"Grabe naman 'to" Sabi ni Pau at na-upo muna sa Couch sa loob ng Boutique nila Abby.

"Anong oras ba yung Prom? Tss. Tanghali na di pa rin tayo nakakakuha ng damit?" Sabi ni Cassy.

"Wala na bang ibang laman 'tong boutique niyo Abigail?" Tanong ni Pauline.

"Kung magpatahi na lang tayo?" Tanong ko.

"Cleofe! Out of time na." Sabi ni Abigail.

"Sa forever 21 kaya? O kaya sa iba?" Sabi naman ni Cassy.

"Kabisado ko na yung forever 21 e. Dito na lang." Sabi ni Abigail.

"Sige na nga." Sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo sa couch.

Sana naman meron maganda dito? Bakit kasi wala pang deliver ngayon sa shop nila Abigail e. Tapos mamaya na yung Prom! Geez. Out of time talaga!

Third Person's  POV

Habang sila Abigail ay busy sa pagpili ng damit nila para sa Prom. Sila Jin at ang iba naman busy din sa pagbili ng kanilang suit pero sa ibang shop ito.

"Girl!" Tawag ni Pauline kila Cleofe at sa kasama.

"Bakit?" Tanong ni Abby.

"Sabi ni Justine. After daw natin bumili punta daw tayong Chevy burger." Sabi ni Pauline sa mga kasama.

"Sabay na mag-lunch?" Tanong ni Cleo.

"Yup." Sabi ni Pau habang tumatango pa.

"Later na nga lang 'to. Gutom na ako." Sabi ni Cassandra.

"Tara." Aya ni Abby.

Lumabas na sila sa shop ni Abby at naglakad na papuntang Chevy burger. Dahil walking distance lang naman 'to. Habang sila Justine naman  inaantay na sila Abby sa loob ng Chevy Burger.

Nang makapasok sila sa loob ay agad naman nilang nakita sila Justine sa tabi ng counter. Kaya naman agad silang na-upo.

"Anong order mo Yamo?" Tanong ni Justine kay Pauline nang makatabi ito sa upuan.

"Hm. Gusto ko po ng spaghetti Yamo." Sabi ni Pauline.

"Libre mo ba 'tol?" Tanong ni Alex.

"Grabe ah! Ako nanaman?" Tanong ni Justine.

"KKB na lang."  Sabi ni Cassy.

"Tss. Bahala kayo! Basta ako libre ko si Yamo. Mga kuripot 'tong mga boyfriend niyo." Sabi ni Justine.

"Lol! Nag-iipon ako sa future namin ni Cassy." Sabi ni Alex.

"Naks! Future daw oh." Sabi ko.

"Baliw! Aga-aga pa e. Saka bata pa tayo 'noh." Sabi naman ni Cassy. Pero namumula na!

"Sige na nga. Libre na namin kayong mga Babae. Kaya ayaw ko ng Gf e." Sabi ni Jousha. Binatukan naman 'to ni Cleofe.

"So? Ganon? Break na tayo?" Sabi ni Cleo.

"Ito naman! Joke lang e! Mayaman ako kaya okay lang." Sabi ni Jousha.

Nang matapos sila mag-away kung sino magbabayad ay nag KKB silang mga Lalaki. Habang ang mga babae naman ay tawa lang ng tawa! Habang sila ay kumakain ay nagkukulitan din sila. Kahit daw kasi ang mga boys ay wala pa daw susuotin na suit dahil iteterno daw nila sa mga Dress ng mga Babae.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon