Chapter 21.2: Pauline's debut. (Part II)
Pauline's POV
"J-justine?" Sabi ko. Pwede magmura? Isang malutong lang ng fuck shit! Ang lapit ng mukha niya sa akin. What should I do?
What should I do? Omo!
"P-pauline, ayos ka lang ba?" Nagulat naman ako nung nagsalita si Justine.
"Ah, eh. Oo naman." Sabi ko.
"Ah, Pau..." Hindi ko na sya pinatapos at tumayo na agad Ang awkward kaya.
"Bigat mo pala." Sabi nya. Samaan ko nga ng tingin.
"Haha! Joke lang ito naman hindi mabiro. Pero oo nga ang bigat mo." Sabi niya. Hindi ba siya titigil?
"Tumigil ka nga." Sabi ko.
"Haha. Biro lang ulit." Sabi niya. Ano bang nakain nitong gago?
"Cutting ka ah!" Sabi niya at umupo sa sahig.
"H-huh? Eh..." Hindi niya ako pinatapos magsalita.
"Upo ka nga dito sa tabi ko." Sabi nya. Umupo naman ako.
"Siguro dahil hindi ka nila pinapansin noh?" Sabi niya. Nag nod naman ako.
"Wa'g kang mag-alala Pau. Magiging okay din sila. Hindi lang siguro ikaw naintindihan." Sabi ni Justine. Napahikbi naman ako. Saan nila ako hindi maintindihan?
"A-ano ba gina--" Hindi nanaman niya ako pinatapos. Lagi akong binibitin nito.
"Shh! Wa'g ka nga umiyak! 18 ka na eh." Sabi nya at hinatak ako payakap sa kanya.
Ito nanaman 'yong pakiramdam ko nung una ko s'yang nakita. Ang bilis nanamang tibok ng puso ko. Tsaka parang may paru-paro ang tyan ko. Hindi naman ako kumakain ng paru-paro.
"O-okay ka lang ba Pauline?" Tanong nya habang yakap pa din ako. Hindi ko nga alam kung yayakap din ba ako o hindi.
Itsura namin ngayon ay siya nakayakap sa akin at ako naman nakasandal sa dibdib nya. Ang tigas nga e. Siya na macho!
"Ah, eh." Hindi ko alam sasabihin ko parang nawalan ako ng laway. Ano bang nangyayari sa akin? Ganito ba talaga pag nagdadalaga? Nag-iiba ka.
Third Person's POV
Habang nagkakaroon ng 'Sweet Momments' ang TinLine. Ang ibang barkada naman ay nasa labas ng rooftop.
"Omigosh! I think I'm gonna die." Maarteng sabi ni Cassandra habang nakasilip sa pintuan ng rooftop.
"Ang haba ng hair." Sabi ni Cleofe.
"Haha! Ikaw na Pauline." Sabi ni Abigail.
"Hoy! Kayong babae kayo. Bigla na lang kayong... Hmm---" Bigla kasing dumating si Alex at tinakpan naman ni Cassandra ang bibig ni Alex.
"Wa'g ka nga maingay! Kapag tayo nahuli. Tsk!" Sabi ni Cassandra.
"Ano ba kasing ginagawa niyo dyan?" Tanong ni Alex. Pagkatanggal ni Cassandra ng kamay nito sa bibig.
"Nanunuod kami ng love scene."Sagot ni Cassandra.
"Tsk! Halika taping tayo ng atin." Sabi ni Alex at hinatak si Cassandra.
Binato naman ni Cassandra si Alexander ng sapatos.
"Aray! Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ni Alex habang nakahawak sa ulo nito.
"Mag-taping ka mag-isa mo!" Sabi ni Cassandra.
"Kayong dalawa! Ang ingay niyo!" Sabi ni Abby sa kanila.
"Ito kasi." Angal ni Cass.
"Ano nanaman?" Sabi ni Alex.
"Anong----" Sigaw ni Jin sa kanila.
"Shh! Ingay!" Sabi ng tatlong babae.
"Huwag kang maingay tol." Sabi ni Alex.
"Bakit?" Tanong ni Jin.
Ngumuso naman si Alex sa loob ng rooftop.
"Aba! Si loverboy." Sabi ni Jin..
Hindi nila masyado naririnig ang pinaguusapan nila Pauline at Justine dahil medyo malayo ang pintuan sa kinaroroonan nung dalawa.
"Umiimprove si Justine the lover boy." Sabi ni Alex.
"Haha! Hayaan na. Siya na ang unang gumawa ng first move. Tsk!" Sabi ni Jin.
Naglakad naman si Jousha palapit sa kanila..
"Mga cutting kayo! Anong---"
"Wa'g ka nga maingay!" Sabi nilang lahat maliban lang kay Jousha.
Nagtaka naman si Jousha. "Bakit naman?" Tanong nito.
Nakita naman ni Jousha kung anong tinitignan nung lima.
"Sus! Inggit naman kayo. Tara na at cutting kayo. Hayaan niyo na dyan si Lover boy at si Pauline. Sinisira niyo moment e." Sabi ni Jousha.
"Sows! Hindi talaga matiis ni lover boy si Pauline" Sabi ni Jin.
"Ganon talaga!" Sabi ni Alex.
Justine's POV
Yakap ko si Pauline. Ewan ko kung bakit ko nagawa iyon. Hindi ko alam sa sarili ko. Bakit ganon nararamdaman ko? Hindi ko din sya matiis.
"J-justine.." Sabi ni Pauline. Napalingon naman ako sa kanya.
"Hmm?" Sabi ko na lang.
"A-ah. Nangangawit na ako. Hehe. Magkaka-siff neck na ata ako." Sabi nya. Tinanggal ko naman pagkakayakap sa kanya.
"Haha! S-sorry." Sabi ko.
"Haha. O-kay lang" Sabi nya.
Napahikab naman siya. Haha! Ang Cute..
"Inaantok ka?" Tanong ko. Nagnod naman sya.
"Halika! Higa ka dito sa lap ko. Babantayan kita." Sabi ko.
Napatitig naman siya sa akin.
Loading...
Loading...
Loading...
87%...
89%....
96%....
98%....
99%....
Completed..
Ngayon lang nag-sink in yung sinabi ko. Ano bang nangyayari sayo Justine? Mukha kang loko-loko!
"A-ah..." Magsasalita pa sana ako kaya lang hindi nya ako pinatapos at nilagay ang pointing finger sa labi ko.
"Shh! Inaantok ako." Sabi nya at humiga sa lap ko at pumikit.
Fuck shit! I hate this damn feeling!
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...