Chapter 9: Friends?
Cassandra's POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kwentuhan lang kasama si Jet. Ang mga boys napapansin namin na parang umiiwas lalo naman si Alex? Bakit naman kaya? Hays! Wag na natin s'yang pagusapan at least nga hindi na ko ginugulo 'non eh.
"Jet may tanong ako?" Sabi ni Abby. Ano naman kaya 'yon?
"May Gusto ka ba....." Hindi natuloy 'yong sasabihin ni Abby nang may biglang sumigaw.
"Aaaaah! Ang mga prince." Sigaw ng isang babae. Jusko! Wag ka sanang mapaos ate.
"Ano 'yong tanong mo Gail?" Tanong ni Jet. Gail ang tawag niya kay Abby. Ang arte kase eh.
"Wala, ang bingi mo." Sabi ni Abby, pero ano naman kaya ang tanong niya? Kung wala lang sanang sumigaw edi narinig namin.
"Eh! May sumigaw eh, kung wala edi sana narinig ko diba?" Sabi ni Jet. Tama nga naman.
"Pero Abby ano nga 'yong tanong mo.?" Tanong ni Pau. Oo nga ano nga ba 'yong tanong nitong bruhang ito?
"Wala nga, kalimutan niyo na." Sabi naman niya. Hmp! Ang daya.
"Hi babe!" Bati ni Justine at Jin kay Pau at Abby. Ano bang trip nitong dalawa at Babe ang tawag kay Pau at Abby?
"Hindi nga kami baboy! Ang kulit mo/niyo rin no?" Sigaw nila Pau at Abby. Haha!
"Ayie!" Mga hiyaw ng mga estudyante sa loob ng cafeteria.
"Anong hinihiyaw-hiyaw niyo dyan?" Tanong ni Pauline. Nagsi-iling lang naman 'yong mga estudyante.
"Oh Alex? Iba ata ihip ng hangin ngayon at hindi mo inaasar si Cassandra." Sabi ni Abby. Hays!
"Nakakasawa kasi siya." Sabi ni Alex. Huh? Ako nakakasawa?
"Wow. Alexander kelan ka nagsawa sa babae?" Sabi ni Jet.
"Ngayon lang." Sabi niya at umalis na. Huh? Ano bang problema 'non?
Alexander's POV
"Ngayon lang." Sabi ko at umalis na. Sumunod naman sila Justine at sila Jousha. Totally naiinis lang ako kay Cassandra. Kahit na hindi ko alam ang dahilan.
"Ano bang problema mo Pre?" Tanong ni Jousha.
"Hindi ko rin alam eh, pero kase napaka sama ng loob ko dyan sa Pinsan 'kong yan." Sabi ko.
Oo iba talaga pakiramdam ko dyan sa Jet na 'yan hindi ko alam kung bakit basta feeling ko may mangyayari kay Cass.
"Parang sa tuwing nakikita mo 'yang Pinsan mong 'yan gustong mong patayin lalo naman kapag magkasama sila ni Cass." Sabi ni Justine.
"Kung alam niyo lang Pre kung ano nangyari nung pumunta ako sa covered court." Sabi ko.
"Oh! Anong nangyare?" Tanong ni Jin.
"Pinagsabihan akong mag simba." Sabi ko. Sila naman nagsitawa. Putek! Tama bang pagtawanan ako?
"Hahahaha! Pre baka nararamdaman na n'yang makasalanan ka kaya ka pinagsisimba." Sabi ni Jin. Kutusan ko 'tong chickboy na to eh!
"Oo nga naman Pre, minsan sama mo kami ha?" Ginatungan pa ni Jousha. Pag-untugin ko 'tong dalawa eh.
"Haha! Libre mo din kami minsan." Pahabol pa ni Justine. Nako! Pagbalik namin sa classroom nandon na sila Cassandra at kasama pa ang Mokong.
"Uhm. Mag-kaibigan na tayo ha? Wala ng bawian?" Sabi ni Jet. Wtf? Mag-kaibigan?
"Oo sige, sige hehe." Sabi ni Cassandra at ang loka ay pumayag pa. Kilala na ba niya 'yan ng lubusan at nakikipagkaibigan na siya?
"Kunin ko..." Hindi natapos 'yong sasabihin ni Jet ng magbell.
"Ah. Sige. Una na muna ako ha?" Sabi ni Jet at sabay tumingin sa akin. "Mamaya ulet!" Pahabol niya pa. Tss! Sisiguraduhin 'kong walang mamaya.
"Uhm' Okay!" Sabi ni Cassandra.
"Ayie!" Hiyaw nila Pau at Abby. Tss! Hindi bagay.
Justine's POV
May napapansin ba kayo? Haha! Siguro meron no? 'Yong pagtawag namin ng 'babe' kila Pau, actually trip lang namin 'yon haha tutal may loveteam na kaming dalawa ni Pau. Mas mapapadali 'yung plano kong gawin s'yang girlfriend. Malapit ko ng magawa 'yong planong yun. Evil laugh.
Third Person's POV
Dismissal na! Habang hindi pa lumalabas sila Cassandra si Jet naman nasa park ng school may kausap sa phone.
"Hello Eunice! Kamusta?" Panimula ni Jet sa kausap. "Ay nako! Kelan ka ba babalik dito? Ah! Ganun ba? Si Justine ok lang naman! Yeah. babalikan nya? Sige balitaan na lang kita about sa Justine mo pero umuwi ka na dito ha? Bye!" Sabay baba niya ng phone.
"Jet!" Sigaw ng isang babae.
"Oh! Mae!" Sabi ni Jet sabay lapit kay Mae.
"Nahahalata ko parang napapalapit ka dun sa Cassandra ah?" Sabi ni mae.
"Ah! Ayon ba? Wala 'yun." Sabi ni Jet.
"Si Abby ang galawin mo Jet, para mapasakin si Jin. Nga pala nakausap mo na ba si Eunice?" Sabi ni Mae.
"Oo. Matatagalan daw siya bago makauwi dito sa pilipinas."
"Ay ganun ba? Sige una na ako." Paalam ni Mae.
Si Jet naman umalis na din sa park at pumunta na kay Cassandra.
"Oh Jet! Late ka ata." Bungad ni Abby kay Jet.
"Late na kase magpauwi 'yong teacher namin." Paliwanag ni Jet.
"Ay ganon?" Sabi ni Abby.
"Punta muna tayong ng ice cream pot." Aya ni Pau.
"Sige ba!"
"Hep! Cleofe diba tuturuan mo pa ako?" Sabi ni Jousha.
"Ay sorry guys! May tuturuan pa nga pala akong baby kung paano magclose-open." Pang aasar ni Cleofe.
"Haha! Close open." Sabi ni Pau.
"At ikaw naman Pauline hinahanap ka na ng Lola mo." Sabi ni Justine.
"At paano mo naman nasabi?" Sabi ni Pauline.
"Nagtext." Sabi ni Justine. Tinignan naman ni Pau yung cellphone niya at nagtext nga 'yong Lola niya na umuwi ng maaga dahil may kukunin daw silang padala.
"Sorry may kukunin akong padala ngayon." Sabi ni Pau.
Well, Galing chamba ni Justine doon.
Alexander's POV
HAHAHA! Isa-isa na silang busy ngayon, si Pauline may kukuning padala, si Cleofe tuturuan si Jousha.
"Abby date naman tayo oh!" Sabi ni Jin.
"Date ka diyan. Sapak?" Sabi ni Abby. Hays! Kahit kelan, itong si Abby talaga ang mahirap kontrolin.
"Joke lang 'to naman. Yung Ate mo kase walang kasama ngayon. Diba?" Sabi ni Jin. Ay nako! Ang galing talaga ni Jin the chick boy magsinungaling.
"Ay oo nga pala. Salamat at pinaalala mo ha? May kwenta ka rin pala." Sabi ni Abby.
"At ikaw naman Cassandra?" Sabi ko. "Ano? Wala akong lakad ngayon so kaming dalawa nalang ang pupunta sa Ice Cream Pot diba?" Sabi ni Cassandra. Akala mo lang 'yon Cassandra.
"May practice kaya ang dancetroupe ngayon." Parinig ko, siya naman halatang nagulat.
"Oo nga pala, ay Jet sorry ha? Hindi kami makakasama."
"Ay sayang naman, ganun ba?" Sabi ng pinsan ko. Buti nga sayo!
"Tara na." Aya ni Justine. Nagsitanguan naman kami at naglakad. Ang galing ko talaga!
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...