Chapter 21.3

38.5K 1.1K 58
                                    

Chapter 21.3: Pauline's debut. (Part III)

Pauline's POV

- Dismissal -

Nang mag dismiss ay nagpaalam na ako kay Justine. Halos siya lang nga ang pumapansin sa akin. Buong klase hindi ako pinapansin nila Abby. Hinayaan ko na lang. Sana maging maayos din kaming lahat.

"Ingat ka, Pauline." Sabi ni Justine. Nagnod naman ako sa kanya.

Pumunta naman ako sa parking lot pero wala pa dun ang sundo ko. Kaya nag-antay muna ako.

*Bzzzt Bzzzt*

| Open |

From: Lola ganda..

Apo! Wala ngayon si Mang Ronald. Kaya magcommute ka na lang.

- END -

Napabuntong hininga ako sa nabasa. Mapapacommute pa ng wala sa oras. Naglakad na nga ako palabas ng gate.

Papara na sana ako ng taxi kaya lang may nagtakip ng bibig ko.

Hmm! Tulong! Hindi ako makahinga!

Hindi ko namamalayan na napapikit na lang ako dahil sa pampatulog na dala ng panyo.

Before my eyes went black. I saw Justine carrying me and put me inside the van.

Abigail's POV

Nandito kami ngayon sa venue. Kung saan gaganapin ni Pauline ang kanya debut. Ang hindi pagpansin sa kanya, it's only a part of plan. Ngayon ay inaantay namin si Pauline.

Dumating na din si Justine. Inutusan kasi ni ng Mommy ni Pauline na kunwari kikidnapin si Pauline pero dadalin lang ito sa venue. Nung una ayaw pa ni Justine pero wala syang magawa. Haha!

"Justine Iho! Pakidala na lang sa kwarto si Pau-pau." Sabi ng Mommy ni Pau.

Totally! Nagulat ako nung umuwi na yung Mommy ni Pauline. I'm sure magiging masaya si Pauline kapag nalaman na umuwi na ang parents nya.

"Sayang naman at wala ang Mommy mo dito Abby. Siya pa naman sana mag-aayos kay Pauline." Sabi ng Mommy ni Pauline.

"Sayang nga po." Sabi ko.

Pagtapos kasi nung Acquaintance party ay bumalik na sa ibang bansa ang Mommy ko. Dun naman talaga siya. Nag bakasyon lang si Mommy nung araw na 'yon kaya siya ang nagmake-up sa amin nung Acquaintance.

"Oh siya, asikasuhin ko muna si Pauline ha?"

"Sige po." Sabi ko. Pinuntahan ko naman si Justine.

"Oh. Anong nangyari?" Tanong ko.

"Wala. Tss! Hirap nyang kidnapin. Ang kulit." Sabi ni Justine.

"Haha! Nakita ka ba?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero feeling ko oo." Sabi niya. Tss! Hindi nag-iingat.

"Oh! Bahala ka na dyan." Sabi ko at iniwan na sya.

Ilang oras na lang at magsisimula na ang party..

Pauline's POV

Nagising ako nang may parang hindi ako komportable sa suot ko. Ano bang nangyari? Oo nga pala nakidnap ako. Asan kaya ako ngayon?

Minulat ko na ang mata ko at laking gulat ko ng makita ang sarili ko.

Bakit nakasuot ako ng napaka-gandang gown Diba nakidnap ako? Ano 'to? Costumes? Tsaka bakit may make-up pa ako? Mag-rorole play ba kami ng mga kidnappers?

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon