Chapter 24

33.2K 1K 44
                                    

Chapter 24: Heart beats fast

Cleofe's POV

Nandito ako ngayon sa garden ng rest house nila Pauline. Napaka peaceful. Ang ganda ng mga bulaklak.

"Oh, Cj anong ginagawa mo dito?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Tama nga ako si Jousha! Siya lang naman ang tawag sa akin ay Cj.

"Wala. Pahangin. Ikaw? Napadpad ka dito?" Tanong ko.

"Ako? Ah, wala lang. P-pahangin din." Sabi nya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko 'tsaka ko siya hinawakan sa noo. Namumula kasi.

Hala? Bakit ganon? Ang bilis ng tibok ng puso ko? Ang alam ko once na mabilis ang tibok nito ay meron kang heart function o kaya kumplikasyon sa puso.

"O-oo naman." Sabi nya.

"A-ah.."

"Ikaw? A-ayos ka lang? Parang bigla kang natahimik." Sabi nya.

"Huh? Oo naman."

"Alam mo ba? Hindi ko inaasahan na magkakaayos tayo." Sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya.

"B-bakit naman?" Tanong ko.

Bakit ba ako nauutal? Pati ata dila ko may kumplikasyon na.

"K-kasi diba.. Mayayabang kami." Sabi nya.

"Buti inamin mo."

"Ito naman. Pero Cj.. May hindi ako inaasahan." Sabi nya.

"Ano naman?" Tanong ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Ngayon ko lang nakita si Jousha na napaka seryoso.

"Yun ang magkagusto sayo." ~ Jousha.

"Yun ang magkagusto sayo"

"Yun ang magkagusto sayo"

"Yun ang magkagusto sayo"

"Yun ang magkagusto sayo"

"Yun ang magkagusto sayo"

"Yun ang magkagusto sayo"

"Yun ang magkagusto sayo"

"Yun ang magkagusto sayo"

Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang sirang plaka na pa na paulit-ulit yung narinig ko.. Yun ang magkagusto sayo? Tama ba narinig ko?

"H-huh?" Tanong ko.

"Naalala ko pa. Nung acquaintance party. Nakikipag kaibigan ako. Lalo na yung nagkahawak tayo ng kamay." Sabi nya.

Napatingin naman ako sa mata nya. Nakatingin lang ito sa akin.

Ito nanaman ang puso ko. Walang tigil sa pagtibok ng mabilis!

"J-Jc.." Tawag ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Cj. Hindi naman kita pinipilit kung hindi mo ko gusto. Siguro ngayon.. C-crush kita." Sabi nya at namula pa.

Ibig sabihin tama nga ang narinig ko. C-crush ako ni Jousha? Pero paano nangyari yun?

"P-paano?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Long story." Sabi nya.

"Una na ako ah! Oh, gatas inumin mo. Good morning." Sabi nya at iniwan na ako kasama yung gatas.

Napatingin naman ako sa gatas.. May sulat pa ito..

Cj!

Drink this milk. Okay?

Goodmorning :)

Tch! May nalalaman pang gento. Pero napangiti ako ah.

Kinuha ko naman yung sulat at tinago ko sa bulsa ko. Ininom ko yung gatas..

Hays! Jousha.. You're making me crazy!

Jousha's POV

Hindi ko inakala na masasabi ko kay Cleofe agad 'yon! Sh** lang. Nakakainis na bunganga 'tong meron ako. Pero kahit na nasabi ko ng wala sa oras. Parang nakahinga ako ng maluwag.

"Dito na kami!" Sigaw ni Pauline.

Pumasok naman sila Pau at Justine. Isa pa 'tong gunggong na ito. Naunahan ko pa!

"Saan kayo galing?" Tanong ni Abby.

"Namalengke nga." Sabi ni Pauline.

"Wow! Ice cream!" ~ Cassandra.

"Jousha! Si Cleofe?" Tanong ni Abby.

"Nasa garden." Sagot ko.

Nilapitan naman ako ni Jin at inakbayan at bumulong..

"Congrats! Graduate kana sa torpe university." Bulong nya.

Napatingin naman ako sa kanya. Yung tingin na Narinig-mo-look?. Bigla naman syang nag-nod at tinuro din si Alex. Napatingin naman ako kay Alex.

Nag-nod din ito at ngumiti ng nakakaloko.

"Yun ang magkagusto sayo." Pang-aasar ni Jin. Pero bulong pa din..

"Tumahimik ka nga." Bulong ko tapos sinipa sya sa pwet.

"Aray!" Sabi nya at hinawakan ang pwet nya. Nakukuha mo loko!

Lumapit naman siya kay Abby na kasama ni Cleofe. Napatingin naman ako kay Cleofe.

Cleofe!

Cleofe's POV

Tinawag ako ni Abby. Nandyan na daw si Pauline.

Nang makapasok kami sa loob. Nakita ko si Jousha at nakatingin sa akin.

Buong araw ata ganito na nararamdaman ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Bumuntong hininga ako nang malalim sa naiisip. Nararamdaman ko nanaman ang nararamdaman ko noon. Pero hindi katulad at kagrabe ng sa ngayon.

"Cleofe! Tara samahan mo ako." Sabi ni Pauline.

"S-saan?" Tanong ko.

"Sa kusina. Halika."

Pumunta nga kami ng kusina. Pagdating namin dun. Nakita ko si Jousha umiinom ng tubig.

"Tulungan mo ko." Sabi ni Pauline.

"Ng?" Tanong ko. Pasimple naman akong tumingin kay Jousha. Pero nagulat ako nung nakatingin ito sa akin.

"Luto ng almusal." Sabi nya.

"Jousha. Tawagin mo nga si Cassandra at Alex! Nang may magawa din sila sa buhay." Sabi ni Pauline.

Umalis naman si Jousha pero bago ito umalis. Ngumiti muna ito!

My heart beats is so fast!

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon