Chapter 62: Realization.
Pauline's POV
Wala na, tapos na, tapos na tapos na. Ilang araw rin di ako lumalabas ng bahay, kahit pumunta sila Abby dito. Hindi ko kinakausap. Stress na stress ako! Hindi ko alam kung anong nangyayarei sa akin. First break up! Ganito pala feeling nun. Yung tipong nalaman mo yung crush mo may girlfriend pala. Pero mas malala pala kapag nag karoon kayo ng relasyon. Dahil kung yung crush ay hanggang tingin lang, yung relasyon may memories. Damn heart breaks!
"Pauline, apo? Kakain na. Hindi ka nanaman ba kakain?" Tanong ni Lola.
"Susunod na lang ho ako." Sabi ko dito at tinakpan ang ulo ko ng unan.
"Apo. Oo alam ko mahirap para sayo. Syempre, unang lalaking minahal mo, pero huwag mo naman hayaan pati ikaw maapektuhan." Sabi nito at umupo sa gilid ng kama ko.
"Lola! Pwede po ba? Iwan niyo muna ako." Sabi ko dito.
"Naiintindihan ko apo, pero ito lang mapapayo ko. Wag kang papadala sa emosyon mo." Sabi nito at umalis na.
Siguro ito na yung huli Pauline. Tama na talaga! Di ka ba napapagod umiyak gabi-gabi? Diba naintindihan mo na nung birthday niya. Hindi ka nya mahal, gusto ka lang niya. Magkaiba ang mahal sa gusto. Sana naman Pauline maintindihan mo yun. Sana naman pumasok sa kokote mo yun. Hays.
*Bzzzt Bzzzt*
Calling: Cassandra...
Hays. Bat nanaman kaya?
"Hello?"
["Hello? Pauline. Di ka nanaman ba papasok?"]
"Hindi ko alam." Matabang sagot ko.
["Ano ka ba may exam tayo."] - Cleofe.
"Ganon ba? Okay lang." Sagot ko.
["Tss. Pauline! Di pa ba tapos yan? Hindi lang ikaw naapektuhan dito. Pati yang grades mo!"] Sigaw ni Abby.
Hindi niyo kasi ako maintindihan. Yan ang gusto kong isigaw sa kanila. Ba't nakaranas na ba sila ng ganito? Siguro si Abby. Pero iba 'to e. Di ka lang niya basta ginawang Rebound. Niloko ka pa niya. Sinong babae ang mag paparty dahil ginawa sa kanya ito ng lalaking mahal niya.
["Uy. Pauline! Andyan ka pa?"]
"Uh? O-oo. Papasok na."
["Salamat naman."]
"Sige."
Tumayo na nga ako sa kama at pumasok sa banyo. Hindi ko na kilala yung kaharap ko. Hindi na ito si Pauline, ibang tao na to. Ganito ba talaga ang break up? Nakakaloka.
"Oh? Papasok ka na?" Tanong ni Lola.
"Ayaw mo ata Lola, okay lang! Babalik na ko sa kwarto." Sabi ko at akma nang babalik sa kwarto.
"Ito naman Apo ko, niloloko ka lang 'e. Jusko! Salamat sa dyos at lumabas ka na sa lungga mo." Sabi ni Lola.
"Hahaha. Joke lang po Lola." Nginitian ko siya.
"Ganyan ka dapat apo. Wag mong hayaang nakakulong ka lang dyan sa kwarto mo. Happiness is the best revenge apo. Ipakita mong kaya mong sumaya kahit wala siya." Sabi nito at hinawakan ako sa kamay.
"Salamat Lola ah? Kahit wala sila Mommy dito. Di mo ko iniiwan." Sabi ko.
"Oo naman. Oh siya! Maghanda ka na sa pagpasok."
Saint Harvest Academy.
"Waaah! Pauline nandito ka na!" Napayakap naman si Cassandra sa akin.
"Grabe. Ilang buwan ba kong wala ha?" Tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)
Teen FictionAn unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are part of the campus royalties The goal of the school is to have a memorable year for all the senior students before they graduate. Is the go...