Chapter 31

26.2K 989 42
                                    

Chapter 31: Chances for us.

Abigail's POV

Nandito ako ngayon sa Bahay. Tch! Bagot nga eh.. Si Ate kasi umalis. Jusko! Mabuti na din yun kesa nandito 'yon sa bahay.

*Bzzzt Bzzzzt*

|Open|

From: Jin..

Saan ka? Kita tayo.

|End|

Yup. Simula nung nagka-ayos kaming lahat. Nagkaroon na din ako ng number nila Jin.

To: Jin..

Sa house lang.

|Sent|

Habang inaantay ko yung reply ni Jin pumunta muna ako sa kusina para kumain ng breakfast.

*Bzzzt Bzzzt*

|Open|

From: Jin..

Sunduin na lang kita dyan. Labas tayo ;)

|End|

Tch! Kahit kelan talaga 'tong si Jin. Sabi ng isip ko habang umiiling pa! Nababaliw na tuloy ako

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto para maligo, ayoko naman humarap kay Jin na may magulong buhok at may laway pa diba?

After 1 hour and 30 minutes ..

Grabeng ligo 'yan 'e.

Natapos naman na ako maligo at nagsuot lang ng skinny jeans at loose t-shirt. Ganyan ang pambahay ko. Hahaha.

Nandyan na ata si Jin. Dali-dali naman akong bumaba para buksan ng pinto si Jin.

Pagkababa ko binuksan ko naman yung main door namin at bumungad si ate?

Tch! Akala ko pa naman si Jin na. Ay charot!

"May inaasahan ka ata? Si Jin?" Sabi nito.

"Hmp! Ewan ko sayo." Sabi ko

"Pikon ka talaga sis.. Oh, akyat na ako antayin muna si Jin. Haha. Pakasaya kana Abby parating na sila mama." Sabi ni Ate. Inirapan ko naman siya.

"Saglit!" Sigaw ko at binuksan yung pinto.

"Oh? Bat ganyan itsura mo?" Sabi ni Jin.

"Nakakainis si Ate eh." Sabi ko.

"Hays! Hayaan mo 'yon. Tara labas tayo." Sabi nya at hinatak ako.

"Teka! Mag bibihis lang ako." Sabi ko.

Tumingi naman siya sa akin at umiling..

"Hays. Okay na yan. Hindi mo na kelangan magbihis ng maganda dahil para sa akin ano mang suotin mo maganda kana." Sabi nya.

Napangiti naman ako. Mga banat ng loko oh!

"Sus." Sabi ko.

"Hahaha! Mas maganda kapag wala kang suot." Sabi nya. Batukan ko nga! Maganda na eh, nang manyak pa.

"Joke lang naman bhie." Sabi nya.

"Tara na nga." Sabi ko at sumakay na sa kotse nya.

Pinagbuksan naman nya ako ng pinto.

"Salamat." Sabi ko.

Sumakay naman na siya, ako naman ay sinuot na ang seatbelt.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa park. Gusto mo ba dun?" Tanong nya.

Park? Hmmm! Mukang masaya.

"Okay lang." Sabi ko.

Pinaandar naman nya yung kotse nya at nagpunta sa park.

Nang makarating kami sa park pinarada nya yung sasakyan. Halos nakakatuwa pala talaga dito, ang daming batang naglalaro, mga mag shotang nag dadate, pamilyang nag pipicnic.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Jin.

"Oo naman.." Sabi ko.

"Tara. Upo tayo dun." Sabi nya at pumunta kaming bench at umupo.

"Abby/Jin"

"Ah.. Sige, ikaw muna." Sabi nya.

"Ah-uh.. Mukang importante sasabihin mo eh." Sabi ko.

"Ah--Uh.. Hahaha! Sasabihin ko lang na bili tayo fishball." Sabi nya.

Natawa naman ako. Sus! Yun lang naman pala. Tumayo naman ako sa bench.

"Halika. Kain tayo fishball." Sabi ko.

Naglakad naman kami papunta sa nagtitinda ng fishball.

"Manong ₱20.00 nga po ng fishball." Sabi ni Jin.

"Mauubos mo ba yun? 20?" Sabi ko.

"Hahaha. S'yempre hati tayo no." Sabi nya.

Matapos naman lutuin ni Manong yung fishball ay kumuha naman ako ng stick. Mukha namang malinis dahil kung si Manong nga, pormang-porma eh. Gwapings! Nakashade pa yan.

"Salamat po." Sabi ko.

Kinain ko naman na yung fishball ko, yummmy.

"Ito po bayad oh. Tsaka po dalawang gulaman." Sabi ni Jin.

Bumalik naman na kami sa inupuan namin kanina.

"Thank you nga pala dito." Sabi ko.

"Walang anuman 'yon." Sabi nya.

Nginitian ko naman siya. Eh sa wala naman akong masabi eh.

"Ah-- Abby?" Sabi nya.

"Oh?" Tanong ko.

"G-gusto ko lang sabihin na.."

"Ano?" Tanong ko.

Bigla naman akong kinabahan. Ano naman kaya sasabihin ni Jin sa akin.

"Can we give another chance ourselves? A-abby kasi ma-mahal kita eh." Sabi nya.

Bwisit! Anong sasabihin ko? Bat di makapagsalita dila ko?

"J-jin.."

"O-ok lang.. Ano ba—" Hindi ko siya pinatapos at nagsalita na din.

"Pumapayag na ako Jin. Bigyan natin ng pagkakataon ang isa't-isa." Sabi ko.

"B-basta Abby.. Pinapangako ko, magbabago na ako." Sabi nya.

"Wa'g mo lang basta sabihin Jin, gawin mo din." Sabi ko.

"T-teka.. J-jin! Umaambon." Sabi ko at tumayo sa bench.

"Halika na nga." Sabi nya at tumakbo.

Pero bago pa kami makasakay sa kotse nabasa na kami ng malakas na ulan. Humarap naman sya sa akin at hinawakan yung kamay ko.

"Mahal kita Abby.. Mahal kita." Sabi nito at nilapit yung mukha sa akin.

Wala naman ako nasabi pero pinikit ko na lang yung mga mata ko hanggang naramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa labi ko..

Ang sarap lang sa pakiramdam, na yung taong mahal mo ay mahal ka din. I will give Jin a chance to prove that he will change. Hindi lang dahil gusto ko sya pero dahil gusto ko din makatulong na mabago ang sarili nya.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon