Chapter 13

46.2K 1.1K 41
                                    

Chapter 13: Bar & Ice Cream Parlor.

Cassandra's POV

How many days or should I say weeks that I'm so stress. Why? Because Abby and Jin. So irritated. Teka! Bakit ba at napapa english ako ngayon? Ayun na nga. Stress ang mga dakilang prinsesa. Sabi nga namin. Pumapanget na nga ata kami. Kailangan nanamin ng make over.

"Cass. Tuloy ba tayo kay Jet?" Tanong ni Pau. Oo nga pala lalabas kami nila Jet mamaya.

"Uhm. Kayo ba?" Tanong ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa garden as usual nagmumuni muni.

"Nakakahiya naman. Naka Oo na tayo eh." Sabi ni Cleofe.

Habang nagmumuni muni kaming apat na prinsesa. Nakita ko si Alex hingal na hingal.

"Cass, Pinapatawag lahat ng members ng dancetroupe." Habol hininga niyang sabi.

"Susunod na lang ako." Sabi ko.

"Now na." Sabi niya. Napatingin naman ako kila Abby at nagnod naman sila. Tumayo na ako at sumama kay Alex. Pagdating namin sa danceroom. Nandon 'yong nagtuturo sa amin at yung iba pa naming kasama sa club.

"Guys. May biglaang practice tayo ngayon. Dahil ang sabi sa akin ng principal magkakaroon daw ng contest between East Ville and our school at ang contest ay dance." Sabi nang nagtuturo sa amin. Hays! Practice nanaman.

"Anong theme Ma'am?" Tanong ni Kyla. Ka-member ko.

"About love." Napalaki 'yong mata ko. Love?

"At ang gagawin natin ay by partners at ang partners bukas niyo na lang malalaman." Sabi ni Ma'am. No freaking way. Kailangan hindi ko makapartner si Alex.

"You may leave now." Sabi ni Ma'am. Lumabas na nga ako sa Danceroom at nagpunta sa garden. Nakita ko naman may nagtext sa akin.

From: Pauline Brix <3

Dito na kami sa cafeteria.

---End--

Pumunta na nga ako sa cafeteria. Pagdating ko agad 'kong sinabi sa kanila 'yong sa partner echos.

"Kung kayo man ni Alex ang magkapartner just do your job. Sabi nga diba. Papansin lang sila kapag may kinakailangan." Sabi ni Cleofe.

"She's right Cass. Gawin mo lang 'yung dapat na gawin." Sabi ni Pau.

"Ikaw Abby?" Tanong ko. Napapansin ko hindi umiimik 'tong babaeng 'to?

Tapos may naririnig pa kaming binubulong n'yang "Naninikip dibdib ko hindi ako makahinga" Ganyan.

Sabi nga namin pumunta na kami ng ospital sabi naman niya. Okay lang siya. Mukha naman siyang play diba? Bumubulong mag isa. Kaloka 'tong si Abby.

"Hoy!" Tawag sa kanya ni Pau.

"Oh?" Tanong niya.

"Nasiraan ka na ba ng bait?" Tanong ni Pau. umiling naman siya. Naku! Naiistress na talaga ako. I swear!

"Hindi ah. Ang sama niyo naman" Sabi nya. Ay naku Abigail Ruth.

"Sana nga. Kanina kapa kase bulong ng bulong dyan 'e" Sabi ni Cleofe.

Pumunta na kami sa classroom dahil magsisimula na ulit ang klase namin. Pagpasok namin sa classroom papalabas naman ang mga prinsipe.

"Sorry." Sabi ni Pauline. Nabunggo niya kase si Justine.

"Tss." Sabi ni Justine sa kanya.

"Uhm. Cassandra pinapasabi nga pala pumunta na daw tayo sa danceroom ngayon. Magsisimula na daw kase 'yung practice." Sabi ni Alex. Nagpaalam naman na ako kila Abby dahil nga may practice kami. Pagdating namin sa danceroom nagsimula naman na kaming makinig sa mga lesson and rules.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon