Chapter 51.2

24.9K 783 54
                                    

Chapter 51.2: Birthday of Maknae.

Cassandra's POV

Pagpasok ko nang Gym. Halos isang patak nang luha ang umagos sa Mata ko. Napatingin naman ako sa side andun ko nakita sila Pau na kasama sila Cleo at Abby. Nakita ko din na nakaupo si Justine sa isang stool kasama naman sila Jousha at Jin. Tumingin naman ako sa isang side, nakita ko naman doon ang Mommy at Daddy ko. Wow! It's perfect party for me. Hindi dahil sa maganda itong hinanda nila dahil binigyan nila ito ng effort. Nagpaka-pagod at nagbigay nang oras para sa debut ko. Napaka-swerte ko sa kanila.

"Let's welcome the debutant." Sabi nung Emcee na si Sr. Caga! Natawa naman ako. Lahat pala nang tao dito involved e. Ako lang talaga walang alam!

Halos naman sila nagpalakpakan, ang saya-saya sa pakiramdam. Umakyat naman ako sa stage kasama ang escort kong si Alex.

"Happy Birthday Maw." Bulong niya. Ngumiti naman ako sa kanya. Inalalayan naman akong umupo sa isang magandang couch na kulay Pink.

"Saan ka pupunta?" Bulong ko.

"Sa baba Maw." Sabi niya.

"Dito ka lang Maw. Kinakabahan ako." Bulong ko.

Wala naman siyang nagawa kundi sumunod sa akin kaya naman na-upo siya sa may likod ko habang hawak ang kamay ko.

"Now. Let's start our party for Cassandra." Sabi ni Sr. Caga!

Nagsimula na nga sila, prayers and such. Hanggang sa umabot na nga ito sa 18 candles. Una naman lumapit ay si Pauline.

"Hello Cassy! Eto lang gusto kong sabihin sayo. Na ang ganda-ganda mo ngayon! Sabi mo dati na mas bobonggahan mo ang debut mo kesa sa akin diba? Pero inisip ko na. Yung debut ko. Binigyan niyo ng effort yun nila Abby! It's time to my payback! Sana maging success ka na sa lahat. Mahal na mahal ka namin Cassy." Sabi niya at pinahipan sa akin ang kandila at niyakap ako.

"Nakakainis ka." Sabi ko at nagpunas nang luha.

"Wag kang nga umiyak! Sayang yung make-up! Haha. Dati kayo lang nagsasabi niyan. Ngayon! Ako naman." Sabi niya at niyakap ako ulit.

Sumunod naman na umakyat sa stage ay si Abigail. Yung ate ko! Sa lahat ng nakasama ko.

"Cassy! Kahit si Pauline talaga ang bunso sa ating apat. Feeling namin ikaw pa din! Haha. Sorry na! Pero alam mo? Ang sarap mo kasing i-baby! De joke. Pero eto lang sana wish ko sayo. Sana maging masaya kayo ni Alex yung Mamaw mo. Sana lahat nang gusto mo matupad mo. Kahit minsan nag-aaway tayo? Sana intindihin mo na lang ako? Kasi nagiging ate lang ako sayo." Sabi niya at niyakap ako. Naiyak naman ako! Si Abigail lang kasi ang kayang umintindi sa akin. Habang si Cleo naman ang kaya akong damayan. Yan yung mga panahon na wala pa si Pauline.

"Happy birthday Cassy." Bati niya. Hinipan ko naman ang kandila. Inalalayan naman ako ni Alex na maka-upo ulit.

Umakyat naman si Cleo. Yung bestfriend ko talaga sa apat.

"Happy birthday Cass! Mahal na mahal kita. Kahit minsan talaga di tayo nagkaka intindihan? Alam mo naman e. May pagka-isip bata ka kasi talaga. Ayaw ko lang na nagmumukha kang masama sa iba. Naaalala mo yung si Elaiza ang nilapitan mo? Nagselos ako nun. Dahil di ka nakikinig sa akin pero sa ibang tao oo. Pero alam mo ba? Narealize ko na di lang pala dapat ako maging kaibigan mo! Kasi. Hindi araw-araw ako lang yung makakaintindi sayo. Alam ko na may tinatago ka ding maturity pero ayaw mo lang ilabas. Pero I know! Ilalabas mo lang naman yan kapag gusto mong tumulong diba? Pakabait na bata bunso-bunsuan! Hehe. Love you." Sabi ni niya at bineso ako. Niyakap ko naman siya.

Natapos ang 18 candles at sobra akong naiyak sa mga sinabi nila. Kasi naman e! Ganon pala nila ako kamahal. Sobra-sobra! Akala ko para lang akong invicible. Hindi nag-eexist!

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon