Chapter 36

33.9K 979 55
                                    

Chapter 36: They're official.

Abby's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas pero ito nga nililigawan ako ni Jin. Wala namang sagabal sa amin. Pero hindi mo na mapipigilan dun yung si Mae Velasquez. Tss!

"Bhie!" Tawag sa akin ni Jin.

Nandito kasi kami sa bahay. Sa susunod na araw na uuwi yung parents ko. Si Ate naman hindi mo nanaman maintindihan.

"Tss! Ito v si Abby. Chucy pa nung una eh." Sabi ni Ate.

"Ano nanaman?" Tanong ko.

"Parang nung nakaraang araw lang galit na galit ka sa kanya. Talaga nga naman oh!" Sabi ni Ate. Pakielamera talaga.

"Haha! Hindi lang talaga ako matiis ni Abby." Sabi naman nitong si Jin.

"Kapal mo talaga." Sabi ko naman.

Pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng maiinom. Sumunod naman si Jin sa akin.

"Oh! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at iinumin na sana yung juice ko kaya lang kinuha ito ni Jin at ininom.

"Aba't!" Suway ko.

"Hahaha. Pasensya. Nauuhaw na kasi ako eh." Sabi niya at ngumiti.

Isang ngiti lang ganon na epekto nito sa akin. Talagang ganon na ba kalalim nararamdaman ko para sa kanya?

"Huy!" Tawag nito.

"Ah?"

"Tulala ka dyan? Haha. Iniisip mo ako noh? Oh! Inumin mo na." Sabi niya at inabot yung baso.

Ininum ko naman ito.

Teka ---

Shit! Nakalimutan kong ininuman pala ito ni Jin. Argh!

"Yie. Ininuman. Hahaha!" Pang-aasar nito.

Namula naman ako. Takte.

"Che. Manahimik ka na nga lang." Sabi ko at iniwan siya sa kusina. Nakakainis eh!

"Ayaw mo pa? Indirect kiss nga yun eh." Sabi niya at lumapit sa akin.

"Edi indirect." Sabi ko.

"Eh. Bakit ininuman mo?" Tanong nya.

"Ah, eh. Nakalimutan ko eh." Sabi ko naman.

"Awtsu!" Sabi nito.

Tss! Ang lakas talaga mang-asar nitong playboy na ito.

"Ito naman. Biro lang!" Sabi niya.

"Hindi magandang biro." Sabi ko sa kanya.

"Wag ka na magalit. Ito naman." Sabi ko at niyakap pa ako sa likod.

Nakakainis naman. Ito nanaman yung puso ko. Parang kabayong nagwawala sa bilis ng tibok.

"Tara. Alis tayo?" Tanong nya.

"San naman tayo pupunta? Aber?" Tanong ko sa kanya at humarap. Humiwalay naman siya sa akin at naglakad papuntang sofa. Nasa taas na kasi yung ate ko.

"Kahit saan. Saan mo ba gusto?" Tanong niya.

"Ahm..."

Saan ba pwedeng pumunta? Mall? Nakakasawa na? Amusement park? Ah? Pwede rin.

"Amusement park/Amusement park?" Sabay naming opinion.

"Hahaha! Sige na nga. Saglit lang. Magbibihis lang ako." Sabi ko.

"Sige. Wag masyado sexy ah?" Sabi niya bago ako umakyat.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon