Chapter 4

72.5K 1.9K 36
                                    

Chapter 4: With Prince.

Pauline's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung pasukan at dalawang araw na ang lumipas na puro awayan, bangayan, asaran at murahan ang maririnig mo sa Campus Princess at Campus Prince. Nalilito siguro kayo kung bakit ganun noh? Ako nga din eh. Hindi ko rin alam kung bakit ba may clash dito? Pagtinatanong ko kase sila abby laging sagot past is a past.

Tama ba yun at eto ang malupet dalawang araw ang lumipas hindi pa rin tumitigil ang pagtibok ng mabilis ng puso ko sa tuwing magdidikit ang balat namin ni Justine. Hindi ko alam ang ibig sabihin nun, hindi pa kase ako nagpapacheck up. Nandito nga pala kaming walo. Oo Walo, kasama ang mga ungas na prinsipe ek-ek. Hindi namin alam kung bakit kami nandito ngayun sa Principal Office. Tsk!Baka nagsumbong si Ungas (Justine) na nag-aaway na lang kami lagi.

"Okay! Pinatawag ko kayo hindi dahil nag-aaway nanaman kayo." Sabi ng Principal. Nge, pabitin pa eh.

"Okay then?" Tanong ni Cleofe.

"Sinabihan ko na si Mr. Caga na excuse na kayo dahil kayo ang mag-oorganize ng acquaintance party para sa friday." Ngiting sabi nito.

Tsk! Hindi ba nila alam na sa tuwing magkakasama kaming walo, eh puro bangayan ang nangyayari. Ano ba naman yan? Saka ano? Acquaintance party? Ang daming echos ng school na to ha. Masyadong maeffort kala ko naman dahil sa pag-aaway namin kaya kami na Principal. Mabuti nga yun eh, kesa naman makasama namin yung mga to.

"Eh ma'am pano yan? Hindi kami magkakaclose." Angal ni Cassandra.

"Edi wag!" Sabat naman ni Alex.

"Okay lang yan! Kahit isang araw lang!" Sabi naman ni Ma'am Principal. Tsk! No choice eh. Lumabas na kaming walo ng principal office at dumiretso na sa classroom. Pagpasok namin nagsitinginan lahat sa amin.

"Bati na sila." Sabi ni Rhea ata.

"Baka, balita ko sila magoorganize ng acquaintance party sa friday." Sabi naman ni Zab.

Mga babae talaga chismosa, inferness naman ang bilis kumalat ng chismis parang kalalabas lang namin ng principal office ha? Naglakad na lang kami papuntang assign seat namin. Naalala ko nga pala katabi ko si Ungas. Umupo na ako ng mapansin kong nakangiti ng wagas si Justine, mukhang baliw lang.

"Hindi ako baliw." Sabi nya habang nakatingin sa blackboard.

Ha? Mindreader ba sya? Paano niya nalaman.

"Wala naman akong sinasabi ha?" Sabi  ko 'tsaka ako tumingin sa kaniya. Mukha atang masaya 'to ngayon ko lang siya nakita nakangiti eh.

Yung ngiting ganito ^_^ Tss! Mukha siyang retarded.

"Hindi mo pala sinabi na nakangiti ako wagas mukhang baliw lang." Sabi nya 'tsaka ngumiti sa akin.

Huh? Nasabi ko ba talaga yun? Alam ko sa isip ko lang yun eh. Gosh! Nasabi ko yun!

"Tss!" Sabi ko na lang. Ano ba magagawa ko? Nasabi ko na eh.

Nagsimula naman na yung lecture ni Sr. syempre nakikinig ako, ayokong bumagsak sa first period no.

Cassandra's POV

Nagsimula naman na 'yung lecture kay Sr. Mamaya pa naman namin pag-uusapan 'yung tungkol sa pagoorganize ng acquaintance party. Tsk! Bakit kase kami pa? Habang naglelecture si Sr. parang nakakaramdam ako ng hilo. Errr ~ bakit naman kaya? Kumain naman ako ng breakfast.

Huh? Sino yun? Tiningnan ko 'yung sa likod ko, wala nakikinig lang siya. Sino 'yung nangangalabit? Baka naman si Alex lang?

"Ang kulit mo." Bulong nino pa edi ni Alexander Luke Salvador. Tsk!

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon