Chapter 17.1

39K 1.1K 34
                                    

Chapter 17.1: Sorry na. (Part One)

Pauline's POV

"Mga baklaaaaaaaa!" Sigaw ni Cassandra. Ano naman kaya nakain nitong bruhang 'to? Grabe sigaw ba naman, umagang umaga.

"Babae kami. Hindi bakla." Sabi ni Cleofe. Habang binabasa yung libro nya. Tss! Bookworm.

"Anong ingay nanaman yan ha?" Tanong ni Abby.

"Wala naman girls. Hindi kasi ako nakakain ng breakfast eh." Sabi nya. Kaya naman pala .

"Halika na. Samahan ka na namin, mahirap na baka lumala yang sakit mo sa ulo. Kapag talaga hindi nakakain nako! Nakakasira ng ulo." Sabi ko sa kanya.

"Sama mo naman. Halika na nga gutom na alien dito sa tyan ko."

Pumunta na nga kami sa cafeteria. Pagdating namin dun agad naman bumili si Cassandra ng breakfast nya. Buti na nga lang at wala kaming teacher ngayon sa unang subject. Galing ng school na 'to!

"Anong meron sa gym rhea?" Tanong ni Zab. Kaklase namin yang dalawa na yan.

"Ewan ko nga eh. Tsaka bakit may platform?" Sabi naman ni Zab. Okay! Ako na ang dakilang chismosa.

"Anong sinasabi nyo Zab?" Tanong ni Cleofe. Ay hindi lang pala ako! Si Cleofe din pala.

"Ah. Meron kasing platform sa gym tapos may mga lobo. Nakalock pa nga yung gym eh." Sabi naman ni Rhea. Lobo at platform? May program ba? Tsaka kapag may program hindi sa gym ginaganap kundi sa auditorium.

"Para san naman yun?" Tanong ni Abby. Nakakacurious naman yan!

"Hindi nga din namin alam eh. Tsaka kung sa para sa dance com. yun hindi dapat may platform dahil balita namin hindi naman daw lalagyan nun eh." Sabi ni Zab. Mga dakilang chismosa din. Sila ata reyna sa chismisan eh!

"Paano nyo nalaman na may ganun sa gym?" Tanong ko.

"Ha? Eh.... Kasi inutusan kami kanina kaya ayun nakita namin yun." Sabi ni Zab.

"Ah." Sabi naming apat.

"Tahimik mo Cleofe. Nga pala tapos na tutoring nyo ni Jousha diba? Yeah naman. Natapos din." Sabi naman ni Cassandra.

"Buti nga at wala na akong kinder na tuturuan." Sabi naman ni Cleofe.

Pagtapos ni Cassandra kumain. Pumunta na kaming classroom kasama sila Zab at Rhea. Pagdating namin nandun yung mga boys at aba hindi kami pinansin. Tss!

"Excuse me. Uupo na ako." Sabi ni Cassandra. Nakaupo kasi si Jin sa upuan nya.

"Maya ulit tol." Sabi naman ni Jin.

Nagsimula naman ng maglecture si Mam. Sulat doon sulat dito. Si Justine tulog. Tss! Asahan mo yan.

"Okay. Yung pinapagawa ko sa inyo class ha?" Sabi ni Mam. Nagnod naman kami

"Ate Pauline. Dun ulit tayo sa kubo. Pagusapan natin yan." Sabi ni Elaiza

"Sige sige. May alam na ako." Sabi ko naman.

Whoo salamat break time. Nakakagutom ang math at english eh.

"Tara girls. Gutom na ako." Sabi ni Cass. Aba! Kaka-kain lang neto gutom agad?

"Kilan ka pa naging PG?" Tanong ni Cleofe

"Hehehehe." Nag peace sign naman ako sa kaniya. "Pinag didiet kasi kami sa practice." Sabi nya.

"Ayaw mo yun sexy ka?" Sabi naman ni Abby.

"Matagal na akong sexy." Sabi nya. Tss. Liit liit mo nga.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon