Chapter 30.1

28.8K 960 17
                                    

Chapter 30.1: A date. (Part I)

Cleofe's POV

It's saturday! Ang bilis ng araw noh? Akala mo debut pa din ni Pauline. Iba na talaga ang panahon ngayon. First saturday ng august ngayon. Yeah! August na.

*Beep*

|Open|

From: Cassandra .

Ang boring naman walang magawa!

Text na nga lang -.-

Gm #Pagibig na kaya?

|END|

Psh. Itong babaeng ito talaga ang daming arte. Hahaha! Bumangon naman ako sa pagkakahiga. Makakain na nga lang.

Bumaba na ako sa kainan. Pagkakababa ko nakita ko si Jousha. Anong ginagawa nito dito?

"Oh! Jhezz. Hinahanap ka." Sabi ni Yaya at nagpunta na sa likod ng bahay.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko at pinuntahan siya sa may pintuan.

"Masama bang dumalaw?" Sabi niya.

"Dumalaw? O Manligaw?" Sabi ko naman. Nag-aalangan pa akong sabihin yung manligaw. Nakakahiya kaya. Haha. Charot!

"Psh! Kumain ka na ba?" Iba nya ng usapan.

"Di pa. Tss! Ikaw ba?" Tanong ko at naglakad na papuntang kusina. Sumunod naman siya sa akin!

"Oh. Bakit nandito ka din?" Tanong ko.

"Kakain din para may kasabay ka. Ayoko naman na mag-isa kang kumain." Sabi nya. Psh! Okay. Ako na kinikilig. Pasensya! Malandi eh.

"Hmp. Makiki-kain ka lang eh." Bulong ko.

"Hoy narinig ko 'yan ah. Ikaw ah? Ikaw na nga sinasamahan eh." Sabi nya at lumapit sa akin.

"Ano ba! Ang baho mo." Sabi ko. Lumapit ba naman sa akin. As in malapit ah? Yung dikit ang katawan nya. Pero joke ko lang yung mabaho sya. Ang bango kaya nya! Amoy penshoppe.

"Anong mabaho? Ha? Amuyin mo pa ako eh.. Oh-Oh-Oh" Sabi nya at pinapaamoy yung kili-kili nya. Ba naman 'to!

"Ano ba? Akala mo ang bango mo? Hindi ah.. Alis-alis!" Sigaw ko habang tinutulak sya palayo.

"Sabihin mo munang mabango ako." Sabi nya habang nakataas pa din ang kamay.

"Hindi ka mabango. Mabaho ka!" Sigaw ko. Pinaaamoy naman nya kili-kili nya sa akin. Ano ba! Mamamatay na ako sa kilig hindi sa amoy.

"Jhezz!" Tawag ni Manang. Parehas naman kaming napatayo ng diretso ni Jousha.

"Di ka pa kumain. Lalamigin na 'yan oh! Ikaw naman Cureil sabayan mo na si Jhezz." Sabi ni Yaya.

"Ah-uh. S-sige po. Salamat po." Sabi ni Jousha at kumuha ng pinggan at kutsara sa kitchen counter.

"Oh siya. May gagawin pa ako." Sabi ni Manang.

"S-sige po." Sabi ko at umalis na si Yaya. Shocks! Nakakahiya!

"Kumain kana dyan." Sabi nya.

Pumunta na nga ako sa dining at umupo na din. Nasa harap ko si Jousha. Habang kumakain. Tahimik lang at walang umiimik. Hmp! Tinotopak nanaman siguro ito.

Hanggang sa matapos kaming kumain dalawa. Hindi nya pa din ako pinapansin. Hala! Ayos 'to ah? Nasa pamamahay ko pero hindi man lang ako magawang kausapin? Ayos 'to ah!

"Hoy!" Tawag ko sa kanya pero nanatili syang tahimik at naupo sa couch namin. Lakas talaga ng topak.

"Tch! Nice talking." Sabi ko at umupo sa sofa. Malayo sa couch. Hindi ko siya pinansin at nanuod na lang ng tv.

"Huy!" Tawag nito. Hindi ko siya pinansin. Tapos ngayon siya tatawag sa akin? Kanina hindi ako pinapansin. Lakas talaga ng topak nito. Daig pa february pinanganak eh.

"Cj." Tawag ulit nya. Bahala siya dyan. Ang arte! Kanina tinatawag ayaw ako kausapin.

"Hays. Nagtampo naman ang Cj ko." Sabi nya at nilapitan ako sa couch. Ewan ko pero dapat magagalit ako pero di ko magawa. Parang nga napapalihim akong napapangiti sa ginagawa nya.

"Cj ko. Sorry na. Hindi naman kasi ako mabaho eh." Sabi nya. Hindi pa din ba tapos yang mabaho thingy na yan.

"Hays. Cleofe!" Sabi nya ng may pagbabanta. Bahala ka dyan!

"Nako! Ewan." Sabi nya at tatayo na sana sa sofa.

"Suko ka agad? Wala pang isang oras?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi sa ganon. Para kasing akong tanga na nagsasalita dito mag-isa." Sabi nya.

"Akala ko ba may alam ka? Ang mga babae kapag inamo mo yan. Magkakaayos din kayo agad. Psh!" Sabi ko sa kanya.

"Sorry naman na." Sabi nya at niyakap-yakap pa ako. Chansing!

"Psh. Chansing ah?" Sabi ko.

"Tara nga!" Sabi nya at hinatak ako.

"Oh! Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.

"Mag-ayos ka dali. Akyat." Sabi nya at pinag tutulakan ako sa taas.

"Teka. Teka.. Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.

"Mamaya ko sasabihin basta mag-ayos ka." Sabi niya.

Wala naman akong magawa kaya nagbihis na lang ako. Dahil nga hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagsuot na lang ako ng simpleng dress na above the knee.

Pagkababa ko nakita ko naman si Jousha na bagot na.

"Bat ang tagal mo?" Sabi nya.

"Sorry, okay? Sorry?" Sabi ko.

"Psh. Halika na nga." Sabi nya at hinatak na ako palabas ng bahay.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.

"A date!"

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon