Chapter 52.3

20K 684 38
                                    

Chapter 52.3: Valentines Day!
[JiGail's Moments]

Abigail's POV

Nandito ako ngayon sa Playground kasama si Bhie. Umaga pa lang ang aga kumatok sa bahay! Akala ko nga dito na kami magdadate. No way! Sila Cassandra at Cleofe bongga. Samantalang ako sa playground? Ayos din.

"Bhieeeeee!" Tawag ni Jin.

Naka-upo kasi ako ngayon sa bench habang siya nandoon sa Slide. Nakikipaglaro sa mga bata! Hindi ko nga alam na may gentong side pala si Jin.

"Bhieeee. Pahawak muna ng Cellphone ko oh! Hihi. Dyan ka lang ah" Sabay abot niya nang Cellphone niya.

"O-ok lang." Sabi ko.

"Sorry Bhie ah? Dapat ikaw kasama ko dyan ngayon naka-upo. Kasi naman e. Yung mga bata." Sabi niya.

"Hahaha. Ok lang po." Sabi ko at kinurot siya.

"Sayo muna yan ah." Sabi niya at tinuro ang Cellphone.

Nang makabalik si Jin sa mga bata ay pinapanood ko lang siya.

Calling: Anne...

Teka. Sino naman 'tong Anne na 'to? Geez. Di ko naman kilala 'to ah? Ba't tumatawag kay Jin? Pinindot ko naman yung End Call.

Calling: Mariel...

Huh? Sino naman 'to? Kanina yung Anne ngayon Mariel. Psh! Ilang babae merong tatawag kay Jin ngayon? Pipindutin ko na sana yung End Call nang kunin ni Jin 'to. Aba't!

"Hello Mariel. Sorry ngayon ko lang nasagot? Huh? Tumawag si Anne? Sorry na kay Abby yung phone ko e. Haha!"

Aba't tumatawa pa yung Loko? Argh!

"Sige, sige! Kita na lang tayo mamaya ah. Text mo ko kapag maayos na." Sabi niya at binaba na ang cellphone.

"Bhie-"

"Uuwi na ako. Bwisit! Makipagtawanan ka na sa harap ko pa." Sabi ko at nilayasan siya.

Pasalamat na lang talaga ako at walking distance lang ang pagitan ng bahay ko sa Playground. Bwisit siya! Kaya niya ba ako niyaya sa Playground para dun idate? Argh. Ano yun? Pang-playground lang ang beauty ko? Sarap sapakin.

Calling: Bhie kong pogi

Pinindot ko naman ang End Call at pinatay na ang cellphone ko. Ugh! Bahala ka sa buhay mo. Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong naman ako ni Ate Ariane. Talagang di ako hinabol nung Loko? Bahala talaga siya.

"Tinitingin mo?" Tanong ko kay Ate at umakyat na sa hagdan.

"Wala. Tss! Valentines na valentines di mapinta yang mukha mo." Sabi niya at nanuod na ng Tv.

"Maghanap ka ng kadate mo." Sabi ko at umakyat na.

"WAG NA! SAKIT LANG SA ULO YAN!" Sigaw niya. Sumilip naman ako sa railing nang hagdan namin.

"SABIHIN MO, WALANG NANLILIGAW SAYO!" Sigaw ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

Pumasok naman na ako sa kwarto ko. Bwisit talaga siya! Siguro kung nakabukas ang cellphone ko ang dami niya ng missed call. Well, paki ko? Doon siya sa Mariel o Anne niya.

Nakita ko naman naka dungaw si Ate sa pintuan ko.

"Oy! Yung Jin mo tumatawag sa akin? Hinahanap ka. Tss."

Bahala siya dyan! Ba't di niya ako puntahan dito? Ba't kailangan tumawag pa siya kay Ate? Ugh.

"OY! ABIGAIL! ANO BA?" Sigaw ni Ate at binuksan yung pinto at hawak-hawak ang Cellphone.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon