It was early in the morning when I opened the clinic. I removed the sailing jacket that covered my body and put the wet umbrella in the bin beside the entrance door. Hindi maganda ang panahon ngayon dahil sa bagyo kaya naman mas hassle ang pagpasok. Pinagpagan ko ang jacket at pinatuyo ito sa loob ng aking opisina.
I have my own personal bathroom inside the office, a low shelf for several medical books and magazines, two sets of sofa and a small coffee table that I use for lunch aside from meetings.
I was about to go to my desk when I felt a familiar sensation. Saglit akong napahinto sa paglalakad at pumikit ng ilang segundo, iniinda hanggang sa marinig ko ang tunog ng aking cellphone. It was a good distraction when I read Carson's text message.
Carson:
Good morning! Can we have breakfast together?
Napangiti ako habang binabasa ang mensaheng nilalaman nito. It's been three months since the ribbon cutting and still, Carson and I are on the dating stage. May plano na akong sagutin siya dahil gusto ko siyang bigyan ng chance maging ang aking sarili na magmahal muli. For the past few months we've been dating, Carson has proved himself worthy of a chance. And I haven't seen any flaws yet. He's the perfect ideal man everyone wishes to have. So what else is stopping me from making him my boyfriend?
I typed in my reply.
Me:
I'm in the office na, Cars. And I'll probably eat my breakfast here.
This has been my everyday routine. Maaga akong umaalis ng condo at dito na ako sa clinic nag-aalmusal. Every weekends naman ako umuuwi sa bahay, dinadala ko roon si Baby Olli para makasama nina Kuya. Ngunit simula nang malaman nila ang kondisyon nito ay napapadalas na rin ang pagbisita nila sa aking condo unit.
I finger-combed my damp hair to dry it fast. Nanuot ang lamig sa aking balat dahil kahit na malamig na ang klima ay bukas pa rin ang aircon sa opisina ko. Wala pang isang minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply kay Carson.
Carson:
I'm on my way there. Let's eat breakfast together :)
Nalaglag nalang ang panga ko pagkabasa sa mensaheng iyon. Agad agad, he's on his way?
Nagtipa ako ng irereply sa kanya pero napakamot nalang ako ng ulo dahil ilang beses kong binura ang mga salitang natitipa.
Me:
Uhmm sure, why not?!
I erased it. It sounded so desperate and needy.
Me:
Should I order? Magdadala ka ba ng pagkain?
This one is dumb. Of course, he will bring foods because he's the one who insisted in the first place.
Me:
Magkakainan tayo? Sure!
This one is ridiculous. I just sounded like the old me. Eh tapos na ako sa ganoong phase. Carson is a nice and decent person, kaya hindi dapat ako balahurang magsalita pagdating sa kanya.
Me:
Okay! I'll wait for you :)
In the end, iyon ang napili kong isend sa kanya.
Napasandal nalang ako sa aking swivel chair habang nagbubuntong hininga. Thinking that despite the storm going on outside, he insists on coming over just so we could have breakfast together. Nung mga nakaraan kasi ay hindi kami nagsasabay gawa ng trabaho niya. Ngayong lumuluwag na ang schedule niya, madalas na niya akong yayain. Kung hindi lunch o dinner date, breakfast date naman. At sagot niya lahat ang gastos, kahit na ipilit kong mag-share sa bills.
YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...