Tension has been overrated for the past hour.
Palipat-lipat ang tingin ko sa mag-aama, nagpapanggap na walang kung anumang tensyon ang bumabalot sa hapag. Maging ang pagkain ay hindi ko na napagtutuunan ng pansin dahil sa kanila.
"So kumusta ang pag-aaral mo, iho?" bumaling ako kay Daddy Henry este Tito Henry nang tanungin niya ako.
"He's not studying, dad. He's working already." Si Blade naman ang sumagot para sa akin ngunit 'di man lang siya pinansin ng ama.
"Oh talaga? I heard you're working with animals?" nasakin ang buong atensyon ng daddy nila kaya medyo nakakaramdam ako ng pagkailang.
Tito Henry wears a simple white tee-shirt, sa simpleng kasuotang iyon ay alam kong maganda pa rin ang hubog ng pangangatawan niya kahit na may katandaan na. Balbas sarado ito, ang buhok ay naghalong itim at kulay abo. At banayad pa rin ang pagkakalatag ng mga ugat sa kanyang mga braso at kamay.
Nang mahuli ni Blade na nakatuon ang paningin ko roon ay agad akong nag-iwas ng tingin.
"He's a resident vet, dad." muli ay si Blade na naman ang sumagot.
Nagkatinginan kami ni Allen na mukhang pareho ng aking naiisip.
"So you like working with animals?" tumingin ulit ako kay Tito Henry na bahagyang nakaawang ang labi, naghihintay ng sagot mula sa akin.
"Op—"
"Of course, he should. Kaya nga nagvet 'di ba?" sabat na naman ni Blade na hindi ako hinayaang magsalita sa sarili ko.
"Bakit hindi mo siya hayaang sumagot, Blade? Nahihiya na tuloy itong si Harper." binalingan siya ni Tito upang pangaralan.
Blade's face turned sour but he looked so adorable to me.
"He's shy because you have so many questions.." katwiran pa niya.
Iiling-iling si Tito nang marinig iyon mula sa anak. Nang balingan ulit ako nito ay lumawak ang ngiti niya. Something is really up with his dad. O baka nami-misinterpret ko lang ang mga bagay-bagay?
"Para saan pa't dinala mo rito ang bisita mo kung hindi mo pagsasalitain?"
Tito Henry preaching his over thirty years old son in front of me makes the dinner more awkward as it already is. Pero lumuwag ang tensyon nang manahimik si Blade at itinuon na lamang ang atensyon sa pagkain sa kanyang pinggan.
"Pagpasensyahan mo na itong... anyway, I hope it's not making you uncomfortable.." paumanhin ni Tito sa akin.
Of course, I'm so uncomfortable right now but I think it would be rude to let them know that. Ako ang bisita kaya nararapat lang na ako ang mag-adjust.
"A-Ayos lang po Da—Tito.."
Blade has this critical look on his face when he glanced at me. Lumalim pa ang gabi, hindi ko na namalayan ang oras kaya kinailangan pa akong paalalahanan ni Blade tungkol sa aking curfew.
"How's Bullet?" hinatid ako ni Blade sa labas gaya ng lagi niyang ginagawa.
There is a streetlight nearby and its light became our guide. I was covered by Blade's expansive shadow when he placed himself behind me.
"He's already asleep. You can pay him a visit next time, he's asking for you." aniya.
Narinig ko ang kalansing ng susi sa kanyang kamay, naging hudyat iyon na may balak siyang ihatid ako pauwi.
"Hindi mo na ako kailangang ihatid, Blade. Kaya ko namang umuwing mag-isa, and besides may na-book na akong taxi.." saka ko inilahad ang cellphone screen ko sa kanyang harapan bilang kompirmasyon.

YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...