Chapter 3 [Courage]

12K 664 142
                                    

Mabilis akong natapos sa pagshower. Hindi naman kasi nadumihan gaano ang aking katawan, tanging iyong kasuotan ko lang ang nalagyan ng putik.

I towel-dried my hair, sinubukan ko pang maghanap ng suklay ngunit wala akong nakita sa mga cabinet niya. Puro papeles ang nahanap ko roon. Dahil wala akong nakita ay hinayaan ko nalang na magulo ang aking buhok.

Sinuot ko ang maluwang na t-shirt ni Blade. Sobrang laki nga, my god. Hindi lang doble, kundi parang triple ang laki nito kumpara sa pigura ng aking katawan. Abot hanggang hita ko ang laylayan ng damit, nagmukha tuloy akong walang salawal.

"Are you done?"

Marahang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang dambuhalang lalaki. Hapit ang damit niya at bahagyang nabasa na ng pawis. Napapatingin ako sa bumabakat niyang utong, nakakabighani ngunit alam kong hindi niya ako patitikimin 'non.

Not now, maybe.

"Tapos na po! Wala ka bang suklay dito?" tanong ko sa kanya, napansin ko namang kumuha siya ng panibagong towel at saka isinampay sa malapad niyang balikat.

He stared at me like my question is nonsensical.

"Ayos na 'yang buhok mo, huwag mo nang suklayin." komento niya, bahagya akong napangiti pero napaisip kung ano ba ang hitsura ng buhok ko ngayon at nagustuhan niya.

"Talaga? Okay. Pero itong t-shirt, sobrang laki nga sa katawan ko." saka ko ipinakita ang suot kong damit na sobrang luwag.

Tinitigan niya ang kasuotan ko at waring may malalim na inisip habang pinagmamasdan ako.

"I told you, it's too huge for you." aniya, he crossed his robust arms and his fingers played with his lips after.

Kunwari akong sumimangot sa harapan niya. Ngunit ang atensyon ko ay inaagaw ng namumutok niyang biceps lalo't nafi-flex ito dahil sa pagkakahalukipkip niya.

"Ayos lang, masasanay rin naman ako sa sukat. The bigger the better.." binigyan ko siya ng matamis na ngiti habang sinasabi ko iyon.

But he's still poker face, though. Like he wanna dismiss me already.

"Stick to your own size, kid. That's better.." tugon naman niya na pinahalatang hindi siya sang-ayon sa aking huling sinabi.

I frowned, hindi ko matanggap na hindi niya makuha ang tunay kong ibig sabihin.

"Teka, magsho-shower ka rin?" tanong ko dahil sa towel na nakasampay sa kanyang balikat na ngayon lang ulit sumagi sa isipan ko.

"Yeah. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo." utos niya at saka humakbang patungo sa shower room.

Bakit hindi niya sinabing magsho-shower siya pagkatapos? Edi sana naghintay ako para nagsabay na kami!

"Hindi mo ako ihahatid?" dagdag kong tanong bago pa niya isarado ang pintuan ng banyo.

Napatingin siya ulit sakin. Hindi nagbago ang emosyon sa kanyang mga mata.

"Alright, fine! Uuwi na ako. Salamat sa tulong mo at dito sa t-shirt mo." labag sa loob kong tugon para lang hindi siya mairita sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng gym at bumalik sa aking sasakyan. Bago ko buhayin ang makina ng sasakyan ay nilanghap ko muna ang amoy ng t-shirt, mabango ito, amoy barako. Kahit paano ay napangiti ako. Pakiramdam ko yakap yakap niya ako.

Kinabukasan, maaga ako sa clinic.

Tinulungan ko ang ilang staff sa paglilinis at pagpapakain sa mga hayop. Binisita ko ang kulungan ng pusang si Percy, she's a scottish fold. Siya ang pinaka-paborito ko sa lahat. Makulit siya at maharot.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now