I'm slowly learning that life is better lived when you don't center it on what's happening around you and center it on what's happening inside you instead. So right now, I won't mind other people's opinions. I'm gonna prioritize myself because that's how it should be.
Life becomes beautiful when you learn to be as good to yourself as you are to others. Gaya ng sabi ko dati, self-love is so underrated. So I need to prioritize myself. Appreciate myself. Choose myself. Love myself.
So that I can also give love to others.
"Are you okay? Is he bugging you?" nag-aalalang tanong ni Diego nang makabalik ako sa kanilang table.
Naroon na ang pagkain ko pero hindi ko napagtuunan ng pansin 'yun dahil pilit na rumerehistro ang mukha ni Blade sa aking isipan. Maging ang pagkurba ng labi niya nang malamang in love na ako sa kanya, I can't seem to erase it on my mind.
"No. Nag-usap lang kami, no need to worry about it Diego." naupo ako sa tabi ni Parker na tahimik akong pinanonood.
"Ba't namumula ka?" his whisper sent me chills. Anong namumula? Sinong namumula? Bakit namumula?
Dahil sa pagpuna ni Parker sa aking mukha ay nakitingin na rin si Diego. Nailang ako lalo at pakiramdam ko'y mas namula ako sa mga mapanghusgang titig nila. Lalo na itong si Parker, he stares at me like I am hiding a horrible crime.
"Akala ko hindi ka makakadalo, Diegs? Kanina ka pa ba?" sinubukan kong ibahin ang usapan at umakto ng normal.
There is still curiosity in their eyes as I pulled the plate of pasta so I could start eating. Kahit gusto kong kumain upang ma-distract sa lahat ng nangyayari ay hindi rin ako nakaramdam ng gutom. I lost my appetite for unknown reason.
"I came around six. Sinundo ko pa kasi si Ate sa airport." aniya, sumisimsim siya sa kanyang wine. Tapos na yata silang kumain nitong si Parker dahil nakatunganga nalang silang dalawa sa akin.
"Dumating na pala ang Ate mo?" pagsabat ni Parker na mukhang interesado sa usapan.
Diego has an older sister, pero ang alam namin ay nagta-trabaho ito sa Cebu. Nalaman pa namin kay Diego na kaya pala ito umuwi ay upang tumulong sa nalalapit na eleksyon. Muling hahabol ang ama ni Diego bilang gobernador at kung mananalo ito ay ito na ang ikahuling termino nito.
"You told me you have something to tell me? What is it?" sabay baling ko kay Parker nang maalala iyong sinabi niya no'ng nakaraan.
"I-I..." kinunutan ko siya ng noo nang mautal siya. Sa aming dalawa parang siya talaga itong may itinatagong sikreto.
Diego looked at him earnestly.
Nawala ang focus ko sa kanya nang matanaw ko ang papalapit na si Kuya Joko sa kinaroroonan namin. May shift siya mamaya pero siguro ay makikisali muna siguro sa inuman nila Kuya.
"Kuya!" tinawag ko siya dahil balak niya sanang lumiko sa ibang daan nang makita ang mga kasama ko.
Kuya Joko wears a simple black tank top, pero dahil doon ay malayang nakikita ang mga tattoo sa kanyang magkabilang braso. Habang humahakbang siya palapit ay napansin kong nasamid si Parker sa iniinom niyang juice.
Tuluyang nakarating sa table namin si Kuya at tinanong pa kung anong kailangan ko. Malikot ang ulo niya at gumagala ang paningin sa mga tao sa paligid. Pero napansin kong parang ayaw niya akong tignan.
"Hindi mo kasama si Ate Naomi?" tanong ko, napansin ko kasing hindi niya kasama ang girlfriend niya. At ang imposible naman kung hindi man lang niya ito inimbitahan. Unless...
Muling nabulunan si Parker sa iniinom niyang juice. Sinamaan ko siya ng tingin, ano bang meron sa inumin niya at hindi niya malunok ng maayos? Pero pagbalik ko ng tingin kay Kuya ay napansin ko ang tingin niya sa kaibigan ko pero isang segundo lang nagtagal iyon at lumipat din sa akin ang mga mata.
YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...