I feel better the next day.
Sinimulan ko ang araw nang may ngiti sa aking labi. I have never felt so good like this. It was like I gained back my independence, my freedom, my individuali—
Daddy Blade calling....
Or that's what I thought.
Dinecline ko ang ikalimang tawag niya ngayong araw na ito. He's been flooding me with texts saying 'talk to me' or 'why are you ignoring me?' or 'let's have some steamy sex', siyempre biro lang 'yung panghuli dahil malabo nang mangyari 'yon. Ilang missed calls na rin ang na-achieve niya sa araw na lumipas.
If we were able to at least finish our always-interrupted-and-unfinished-session before he ditched me, if he had the decency to do that, edi sana hindi siya naghahabol ngayon. He wasn't able to experience my flexibility yet or how good I am at giving pleasure, kaya sorry nalang siya.
It's his loss, not mine.
"His loss and not yours? Nagsasalita kang mag-isa riyan?" nagtatakang lumingon sa akin si Kuya Evan.
Natutop ko ang bibig ko. Nasabi ko pala ang huling pangungusap na iyon, akalain pa nito nasisiraan na ako ng bait.
"Wala, kuya. Stop eavesdropping." nakatanggap siya ng irap sa akin.
Magkatabi kami sa sofa sa living room, abala siya kanina sa harap ng personal laptop niya pero ngayon ay nalaman kong nakikinig pala siya sakin.
"I'm not eavesdropping, paanong hindi ko maririnig eh katabi lang kita? At nagsasalita ka pang mag-isa riyan." katwiran niya na sinimangutan ako.
I know that Kuya has an idea about my secret relationship with Blade, and right now I'm thinking if I could share something to him privately. Sigurado matutuwa pa siya kapag nalaman niyang pinutol na ni Blade ang relasyon namin, baka magpa-party pa siya!
But on the other side, I'm scared na ilaglag na naman niya ako sa buong angkan namin once na malaman niya, ang OA ng angkan, pamilya lang pala.
"I-I was... I was talking about B-Blade, kuya." pinakiramdaman ko muna siya kung magpapakita ba siya ng violent reaction pero mukhang wala naman. Tahimik lang siyang nagtitipa sa kanyang macbook.
I'm trying to overcome my hesitance because I'm not used to talk to Kuya Evan about serious things. And he's not the type to give me advices regarding my 'fling' life. Madalas ay nega siya sa lahat ng gawin ko.
"W-Wala na kami." dagdag ko, still waiting for some reaction from him but it didn't come.
"Kuya, wala na kami. We're over." pag-ulit ko dahil baka hindi lang niya narinig.
I rolled my eyes and bent my head down on the sofa. Naiirita na ako dahil kung kailan nag-eexpect akong magreact siya ay hindi naman niya ginagawa ngayon.
"It's all over! Wala nang kami, kuya! Are you listening?!" pagalit kong tanong.
He removed his eyeglasses and looked at me. Tumutubo na ang stubbles sa mukha niya kaya nagmumukha siyang mas katakot-takot.
"What?" emotionless niyang tanong, hindi nagpakita ng anumang interes sa sinasabi ko.
Napangiwi ako.
"I was telling you that Blade and I are over! Hindi mo ba narinig?!" I crossed my arms and silently prayed for an extra patience for my stupid brother.
"Inamo, narinig ko! Naging kayo pala?" he mocked that made me lose the last thread of my patience.
I gritted my teeth in total annoyance. Napaka-imposible ba para sa kanya na magustuhan ako ni yorme?!

YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...