Chapter 62 [War]

6.9K 472 128
                                    

I took the shot glass and drank it. Agad na gumuhit ang alak sa aking lalamunan kung kaya't napapikit ako ng ilang segundo. Mariin akong nakatulala sa basong ininuman ko nang mapagtantong ikalimang shot ko na iyon.

"Anong meron at naglalasing ka ngayon?" napalingon ako nang marinig ang boses ni Cooper sa aking gilid.

We were both sitting on a stool in front of the bar somewhere in Taguig. Kaarawan ngayon ng bestfriend kong si Cooper kaya naman wala akong takas nang ayain niya ako rito sa isa sa mga pamosong bar upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

"I'm not. It's just cocktail." katwiran ko nang muling tawagin ang bartender upang salinan ng panibago ang aking baso.

Masakit sa tainga ang lakas ng tugtog sa dancefloor, idagdag pa ang hiyawan ng mga taong lango na sa alak ngunit nakikipag-indakan pa rin sa saliw ng elektronikong tugtugin. Aside from us, kasama rin namin ang aking mga staff na kanyang inimbita dahil motto niya ang 'the more the merrier'. All of them are having fun while I was sitting alone a while ago, not until Cooper joined me.

"Kahit na. Nag-away ba kayo nung boyfriend mo?" pilit niyang tanong, sinasabayan ako sa pag-inom ngunit kasisimula pa lamang niya dahil abala siya kanina sa pakikipaglandian sa mga afam na nasusungkit niya.

"Boyfriend? As if!" pagak akong tumawa at saka tinungga ang alak sa aking baso. Ngayong wala pa nga akong boyfriend, stressed na ako. Paano pa kaya kapag meron na ulit?

"What's stopping you from making Carson your boyfriend?" kuryoso niyang tanong. Ilang beses na niya akong natanong niyan pero hindi ko lagi masagot. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot. Carson is the perfect ideal boyfriend, what's stopping me? What's wrong with me?

"Coop, do you become friends with your exes?" instead of giving him an answer, I threw him an out-of-the-blue question. Tumigil na muna ako sa pag-inom at binalingan siya ng tingin, interesasong mapakinggan ang opinyon niya.

"I don't think so. I haven't tried it. Bakit mo natanong? May ex ka bang gusto mong kaibiganin?" he raised an eyebrow at me, teasing me with a silly grin on his face.

"No. Nothing. J-Just.. forget it!" I rolled my eyes and called the bartender again for another shot.

I might drunk now since I have these whirling thoughts inside my head. Kung ipagpapatuloy ko ito, baka ma-weirdohan na sakin itong bestfriend ko.

"Wait, how many boyfriends did you have? Because I have four. And all of them were assholes." muli ay napabaling ako ng tingin sa aking kaibigan.

I didn't know about that part. He was my bestfriend when we were still in medschool and until now, but it seemed that there are so many things about each of us that we didn't know about, gaya nalang nito. Hindi ko alam na nakarami na pala siya ng ex-boyfriends samantalang ako ay isa pa lamang at hanggang ngayon ay pinasasakit pa rin nito ang ulo ko. How come I looked more stressed than him?

"Just one." I answered, shrugging my shoulders as memories from the past flashed on my mind. I only have one pigheaded ex, and that is the governor of this city and Olli's big brother so no matter how I want to bury and forget him, I don't know how and where to start.

"Are you serious? So si gov lang pala ang nakatuhog sa perlas ng silanganan mo?" I rolled my eyes at him again but thinking about his last question, that threw me offguard. Well, he's not the only one that I had sex with. "At kung tanging siya lang ang ex mo, ibig sabihin siya ang tinutukoy mo na gusto mong kaibiganin?"

"I never said that." iiling-iling kong bigkas.

"But you're thinking about it?" dagdag na tanong niya. Bakit naging interrogation na itong pag-uusap namin?

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now