Chapter 36 [Unmask]

6.5K 407 71
                                    

I joined the unexpected family dinner. Ang mga pagkaing nakahain sa mesa ay enggrande at mukhang masasarap. Normal na damit lang ang suot nina Kuya pero si Mommy ay talagang nag-dress pa.

"Eat." bulong ni Kuya Evan sa akin nang mapansin akong nakatunganga lang sa hapag.

Kumilos ako at nagsalin ng pagkain sa aking pinggan. On my right side is Kuya Evan, mariing pinapanood ang mabagal kong pagkain. I wasn't that hungry since pinakain naman ako ni Blade kanina sa loob ng sasakyan niya.

"So tell me iha, when is the wedding?" tanong ni Mom sa aming panauhin na nasa kaliwa ko. Halos mabulunan si Ate Catalina sa tanong na ibinato ni Mommy sa kanya. Mabilis namang nakapagsalin ng tubig si Kuya Atom at ibinigay sa kanya.

It's been years since Ate Catalina's last visit. Ang huling pagbisita niya noon ay mini-vacation lang at limitado lang ang mga araw na itinagal niya. But now, I've heard that she's gonna stay longer. Maybe because of the engagement? Pagkauwi pa lang kasi niya ay nag-propose na raw agad si Kuya Atom.

"Stop pressuring her, Mom." pagtatanggol ni Kuya sa kanyang girlfriend, I mean fiancee.

"I'm not pressuring her. You proposed and she said yes. So I guess it's just normal to ask about the wedding?" Mom was almost laughing with sarcasm.

Kuya Atom sighed but I noticed Ate Catalina put her hand on his arm to console him. Sabagay, matanda na rin kasi si Kuya Atom kaya siguro'y sabik na si Mommy na makasal na ito. On the other hand, I looked at Kuya Joko who's present tonight. Nasa tamang edad na rin siya pero ewan ko ba at hindi ko pa siya nai-imagine na magse-settle down. Sabagay, fresh from the breakup nga pala ang loko. Inalis ko ang tingin sa kanya nang mapansin niyang nakatingin ako sa gawi niya.

"We'll both clear our schedules, Mom. And we still need to catch up with a lot of things." tugon ni Kuya upang mapanatag si Mommy.

Kalaunan ay tinigilan na rin sila ni Mommy sa mga katanungan tungkol sa kasal. Mom left for a while as she talked to someone on the phone. Kuya Joko and Kuya Atom are talking about something while Kuya Evan was looking at my arm. Nang mapansin ko kung ano ang tinitignan niya roon, agad kong ibinaba ang braso ko.

"What happened to your arm?" bulong niya.

"Nothing." tipid kong tugon.

He looked at me with disdain. He was referring to the red marks on my arm. Hindi naman iyon pulang-pula pero dahil maputla ang balat ko kaya naging halata. May mga oras na nagiging marahas ang paghawak sa akin ni Blade lalo na kapag nagmi-make love kami kaya ganoon.

"So I heard you're teaching now?" bumaling ako kay Ate Catalina.

"Yeah. I teach veterinary medicine." sagot ko para na rin mawala ang atensyon ni Kuya Evan sa akin.

Matamis siyang ngumiti sa akin. I was still young when I last saw her, nag-aaral pa yata ako no'n. Maganda na siya noon pa, ngayon ay mas pumusyaw ang kulay niya at gumanda rin ang hubog ng katawan. And she can even carry herself with or without makeup.

"Cool! You did really pursue that profession, huh? Noon pa lang mahilig ka na sa mga hayop, 'di ba?" tumigil na siya sa pagkain at iginawad sa akin ang buong atensyon.

We talked further about it. Ilang sandali lang ay nakabalik na si Mommy kaya hindi na rin ulit kami nakapag-usap pa nang mas matagal.

Mom opened another topic about Ate Catalina's profession in nutrition. Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan nang maramdaman kong kumirot ang aking ulo. I put down the utensils and closed my eyes for a moment, enduring it.

"Sleepy?" may pag-aalala sa tono ni Kuya Evan. Napansin iyon nina Mommy kaya napatingin din sila sa akin.

"Uhh yeah, I need to get some rest. Excuse me." nagpaalam ako at saka binalikan sa living room ang aking mga gamit. Binitbit ko rin ang paper bag na naglalaman ng pagkaing binili sakin ni Blade.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now