Chapter 26 [Destiny]

6.7K 463 60
                                    

After lunch ay hindi na kami muling nagpansinan ni Savannah. I don't hold any grudge against her cause I understand where she's coming from. At isa pa, kaibigan ko siya kaya kailangan ko siyang intindihin.

"Kanina pa tahimik si Sav, may nangyari ba? Ayaw niya akong kausapin, eh.." maingat na bulong ni Parker sa akin nang lumabas ako ng faculty room.

Naglakad ako patungo sa main library, tatlo ang libraries sa buong school ngunit sa main ang tungo ko dahil may mga libro akong kailangang hiramin doon.

"May idea ako pero ayaw kong mag-assume. Did you... Did you already tell her about..." kinapa niya ang mga salita.

"Yes." tipid kong tugon pero naroon na lahat ng kailangan niyang marinig.

I heard him sighed. Umakyat ako ng hagdan habang nakasunod pa rin siya sa akin. Ang ilang estudyanteng nakakakilala sa akin ay bumabati kapag nakakasalubong ko. Ang ibang hindi ako kilala ay napapalingon pa rin naman, siguro dahil nalang sa ang ganda ko.

I talked to the lady librarian when I got to the main. Ibinigay ko sa kanya ang listahan ng mga librong aking nire-request.

"Upo ka muna, sir.." ginawi niya ako sa isang bakanteng table.

Nakabuntot pa rin na parang aso si Parker sa akin nang ilagay ko ang gamit ko sa table. Compared to the other libraries, dito sa main ay mas marami ang tao. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ito nagmumukhang crowded dahil malawak ang espasyo at maraming tables na maaaring pwestuhan.

"Is she mad? What's her reaction?" inulan niya ako ng mga tanong kahit kauupo ko pa lamang.

Ayaw ko na sanang ungkatin pa ang nangyaring pag-uusap namin ni Sav kaninang lunch ngunit mukhang 'di matatahimik ang kaluluwa nitong si Parker kapag hindi ako nagkwento. And besides, I also need to hear some opinion about it and Parker is the best person for that.

"Hindi ko alam. But she's thinking that my feelings are one-sided nang sabihin kong nililigawan ako ni mayor." wala sa sarili kong tugon, hindi nagdalawang isip at parang hindi na mabigat pag-usapan.

"Nililigawan ka ni mayor?!"

When he realized that his voice was a bit loud, he composed himself and uttered a 'sorry' to the people from the other tables. Ako nalang ang nahihiya para sa kanya.

"Oo, hindi ko pa ba nabanggit sa'yo?"

He leaned forward and clicked my nose. "Gaga, hindi pa. Wala kang shini-share, madamot kang bakla ka."

Umikot ang mga mata ko sa kanya ng 360 degrees. Lakasan pa ulit niya ang boses niya at makakatikim na talaga siya ng flying kick sakin.

"Eh, basta! I told her everything. Hindi naman talaga kami nagsimula ng seryoso pero kasalanan ba namin kung humigit na roon ang nararamdaman namin para sa isa't isa? Kailan pa naging mali ang pagmamahal?" pangangatwiran ko saka humalukipkip.

I sounded just like an infatuated hormonal teenager.

Kumunot ang noo niya, parang may nahihinuha sa aking pananalita. Kailan pa ba naging mali ang magmahal?

"Maaaring maging mali 'yun kapag may natatapakan kayong tao. Well, in Savannah's case we can't blame her if that's what she feels. You really cannot put the blame on feelings alone because feelings are inevitable." nagsimula akong mamangha sa mga salitang ginamit niya.

I'm not used to him speaking words of wisdom but it is actually helpful in times like this. Sa mga pagkakataong nagdo-doubt ako, siya ang madalas na nakakatulong sa akin. He's good at giving advices. The only downside is that he can't apply it to himself. Ika nga nila, kung sino pa ang magaling magpayo ay siya naman ang hindi marunong sumunod sa mga ito.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now