Chapter 59 [Call]

7.2K 516 154
                                    

That same day, I had a flu.

Pinili kong sa bahay muna manatili habang nagpapagaling ako upang hindi ako makahawa kung sa condo ako uuwi. Baby Olli's condition is sensitive and I don't wanna harm him with my sickness. Dalawang araw din akong hindi nakapasok kaya iniwan ko muna sa aking bestfriend na si Cooper ang pangangalaga ng clinic habang wala ako.

"You have to eat more, Harper. Kailangan mong bumawi ng lakas." pangangaral ni Kuya Atom habang nasa hapag kami at nag-aalmusal.

Compared to the last two days, I'm feeling much better now. Hindi na sumasakit ang aking ulo at bumaba na rin ang aking lagnat. Kaunting pahinga nalang ang kailangan ko ayon na rin sa aming family doctor para makabalik na ulit ako sa trabaho.

Served in front of me are omelets, sausages, sweet potatoes, chorizo wraps, and some french toasts. I didn't protest. Sinunod ko na lamang ang utos ni Kuya Atom kaya dinagdagan ko ang pagkain sa aking pinggan. I don't have much appetite today but I know that I need to eat to earn back my strength so I picked up some more.

"Drink your meds after..." dagdag habilin pa niya habang napapatingin ako sa gawi ni Kuya Joko na nakapagtatakang tahimik lang na sumusubo.

I pursed my lips while looking down on my plate. Tinusok-tusok ko ng tinidor ang french toast sa aking pinggan, pilit na nilalabanan ang sarili dahil talagang wala pa akong ganang kumain.

"Why aren't you preparing for a party, kuya?" dinaan ko nalang sa pagtatanong ang aking atensyon upang sakaling hindi niya mapansin na hindi ko ginagalaw ang aking pagkain.

He lifted an eyebrow at me after putting his glass of parfait down. His beard has grown so much that it made him look rougher and older.

"Ano ako, bata? I don't need a party. Just a simple celebration is fine." tugon niya saka tamad na nagkibit ng kanyang balikat dahilan para dumapo ang tingin ko roon. Kuya Atom still has a great physique despite his age. Nakasando lang siya ngayon kaya naman kitang-kita ang hubog ng kanyang mga braso.

Mom and Dad were both fair skinned so it was natural for us to also have the same complexion. Kuya Evan, Kuya Joko and I have light complexions meanwhile Kuya Atom has a darker skin. Siya lang ang naiba samin. Sa aming apat, mas bilad siya sa araw at gawa na rin ng kanyang trabaho kaya naging tan ang kulay ng kanyang balat. Just like Blade's skin.

Today is Kuya Atom's birthday. When Mom was still alive, every birthday needs to be celebrated grandiosely and although how much we hate it, we didn't have any choice back then since Mommy was so fond of parties and celebrations.

"Simple celebration? So you're still gonna celebrate?" tanong ko, dahil naiisipan kong ipagluto siya o kaya'y ipag-bake tutal ay narito lang naman ako sa bahay.

"Yeah. With old friends." kaswal niyang tugon.

Alright. Then I will bake him some muffins. Na-miss ko na rin kasi ang magbake at dahil wala naman akong ibang gagawin ngayon, ipagluluto ko na rin siya ng baked mac at lasagna, ilan sa mga pagkaing itinuro sa akin ni Mommy noong nabubuhay pa siya.

"You can invite your boyfriend." halos nabulunan ako sa sunod niyang sinabi. Mapang-asar na tingin ang ipinukol sa akin ni Kuya Joko kaya inismiran ko siya.

"I don't have one." bigkas ko matapos tunggain ang isang baso ng lemon juice. Sa kaba ko ay naubos ko iyon sa isang tunggaan lang.

"Then who was the guy from the ribbon cutting?" Kuya Atom's whole attention was on me, making me feel stupidly anxious.

"T-That's Carson. We're close friends.." pahina nang pahina ang boses ko dahil alam kong istrikto si Kuya Atom pagdating sa pagbo-boyfriend ko lalo't ang huling boyfriend ko ay matalik niya ring kaibigan at hindi naging maganda ang kinahantungan nito.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now