Chapter 63 [Miss]

6.9K 471 120
                                    

It has been fifteen minutes since he started the engine and drove off from the club's parking lot. Fifteen minutes of complete silence while he's maneuvering the steering wheel with his strong robust arms with a hard expression on his face. He certainly looks pissed and here I am on his shotgun seat, trying to keep my composure and cautiously not making any sudden move that might stir up his attention.

Kanina pa siyang hindi umiimik. Nanatili sa iisang linya ang kanyang mga labi, ang kanyang noo'y nakakunot at ang mga kilay ay nais nang magsalubong. Wala akong ibang magawa kundi ang magpakawala ng malalim na buntong hininga habang palihim siyang inoobserbahan.

A vein popped out on his forearm when he pulled the gearstick and changed into lower gears, slowing down the speed of the car. Napansin kong wala nang masyadong sasakyan ang sumasabay sa amin kung kaya't maluwag na maluwag ang daan.

I wanted to talk to him so bad, and explain to him about the dildos but he shut me off when I first tried to open my mouth. Nahabag ako pero kalaunan ay napagtanto kong wala naman akong utang na eksplenasyon sa kanya. I don't owe him anything. Even if those toys are not mine, still I'm not responsible for what he thinks about me because he's responsible for his own thinking.

"Blade, are we really not gonna talk about what happened?" I tried for the second time, binabaan ko ang tono ng aking boses upang hindi ito magtunog na parang galit.

Habang tumatagal ang katahimikan ay mas lalo lang lumalala ang mga kaisipan ko. Hindi ko tuloy malaman kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon, kung maganda at inosente pa rin ba ako sa paningin niya o hindi na. Ang tanging alam ko lang ngayon ay hindi siya nasiyahan sa kanyang nasaksihan kanina.

"About what?" my heart almost jumped out of my chest when I heard him speak, finally. Tamad na niya ngayong minamaniobra ang manibela gamit lamang ang isang kamay habang ang isang braso ay ipinahinga niya sa nakabukas na bintana.

Naramdaman ko ang marahang pag-ihip ng hangin sa aking mukha na kasing lamig din ng kanyang pakikitungo sa akin.

"A-About what's inside this paperbag." kabado kong tugon at saglit na pinasadahan ng tingin ang paperbag na nasa ibabaw ng aking mga hita.

The car temporarily haulted when we saw a red light. Wala pa ring ibang sasakyan maliban sa amin at wala ring tao sa labas ngunit kahit na ganoon ay malugod pa rin siyang sumusunod sa mga patakaran.

"You mean your toys..." he murmured in a mocking way. Napangiwi pa siya pagkatapos banggitin iyon, animo'y may pait siyang nalasahan sa kanyang bibig.

"It's not toys." paglalaban ko dahil hindi niya naiintindihan.

At dahil nakatigil ang sasakyan ay nagkaroon siya ng pagkakataon na dapuan ako ng tingin. Ngunit halos magsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang makitang nanlilisik iyon. Ano bang ikinagagalit nitong gobernador na ito? Ngayon lang ba siya nakakita ng dildo?

"So what do you call it, huh?" panunuya niya, may mapanganib na tono sa kanyang boses na parang babala na dapat sumagot ako nang maayos kung hindi ay malilintikan ako. Kahit sa paraan niya ng pagtitig ay nakukuha ko ang kanyang ibig sabihin. I don't know how I can do that but that's not what matters right now.

"First of all, these are not mine. And second, I don't play with it." matapang at kompiyansado kong sagot dahil iyon naman ang katotohanan. It's the truth and if he doesn't accept it then it's not my problem anymore.

He shook his head slowly. "I don't understand why you had to get back inside the club just to get that if it's not yours. Nothing makes sense." pahayag niya.

"Because like what I told you, this is not mine. This is a birthday gift for Cooper. And th-" he cut off my statement and hissed at me angrily.

"And who the hell is Cooper?" he asked. Nalaglag ang panga ko dahil sa kabobohan niya.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now