Chapter 68 [Intimate]

6.3K 398 84
                                    

Time flew so fast.

Tonight is supposed to be the 'occasion' that Blade kept on reminding me every now and then, and this night is also going to be the time that I'm gonna meet everyone that bears the same last name as him.

Nag-angat ako ng ulo at mabilis na pinasadahan ng tingin ang wall clock sa loob ng aking unit. Limang minuto ang nalalabi bago tumuntong ng alas-otso ang orasan at habang pinagmamasdan ang pagpitik ng oras ay hindi ako mapakali sa aking kinauupuan.

"Shit." I hissed silently as I started to feel nauseous.

Isang minuto pa ang lumipas nang marinig ko ang marahang katok sa pintuan. Ilang segundo ko pang kinumbinsi ang aking sarili na pagbuksan ang kung sinomang tao ang nasa likuran ng pintuan bago nagpasyang tumayo at magmartsa patungo roon.

"G-Good e-evening." napapikit ako sa kahihiyan nang mautal-utal pa ang aking dila sa pagsasalita. Upang maisalba ang sarili sa pagkasira ng aking dignidad, pilit kong inangat ang dalawang sulok ng aking mga labi upang ngumiti, medyo sumobra nga lang kaya napakunot ang kanyang noo.

The governor in his grey checkered three-piece suit carefully watched the expression on my face. He looked so stunningly handsome in his luxurious suit while I probably looked like shit. Naagaw ng batang karga-karga niya ang buong atensyon ko kaya lumipat ang tingin ko roon at namangha sa napagtanto.

Don't tell me....

"Ang laki na niya!" wala sa sariling namutawi ang mga salitang 'yon sa bibig ko habang nakatingin sa bukol sa pantalon niya. Mali, hindi pala ako ro'n nakatingin kundi sa batang karga niya, iyon ang tinutukoy kong malaki.

"He's a big boy now." Blade mouthed proudly as he looked at his son who's nibbling on his finger. Animo'y slow motion na nagkatitigan kami ni Bullet at nang lumiwanag ang mukha nito ay parang nalusaw ang lahat ng problema at pangambang gumugulo sa isipan ko kanina.

It is really true that kids could ease your worries.

Nagprisinta akong buhatin si Bullet nang papasukin ko si Blade sa loob ng aking unit. Mas lalo pa akong natuwa nang mapansin ang kasuotan ni Bullet na mini-version ng suot ng daddy niya, naka-suit and tie rin ito ngunit hindi naman masyadong makapal ang tela kaya hindi ito maiinitan. He's probably around five years old now and the way he looks at me with his charming eyes, I know he still remembers me.

"Do you remember me, baby? Hmm?" maingat kong tanong sa kanya habang karga ko siya sa aking dibdib.

Lagpas sa aking baywang ang mga binti niya, makapal na ang buhok nito at ang mga mata ay may pamilyar na emosyon. Just like Blade's hawklike eyes, this little one is getting there as well. Nakasisiguro akong malaking bulas ito paglaki niya, barako at mas borta pa siguro sa ama.

Gumawi ang mga mata ni Bullet kay Blade na parang humihingi ng permisyon kung dapat ba akong kausapin o hindi. Blade briefly nodded that gave signal for Bullet to speak to me. Binalikan niya ako ng tingin at nakangusong umiling.

He does not remember me?

"Ako ang nag-alaga sa'yo nung maliit ka pa, you don't remember me?" I pouted my lip, pretending I got sad that he doesn't reminisce this gorgeous face.

"He's gonna be your second daddy now, baby." the governor interrupted as he adjusts his collar in front of the full body mirror beside the indoor plant.

"He's daddy number two?" naantig ang aking puso nang sa wakas ay marinig ko siyang magsalita. Para akong maluluha dahil sa galak na in-acknowledge niya ang presensya ko.

His daddy gazed over at us while he's still in front of the mirror. "Yes, baby. Daddy likes him so you're gonna like him, too." he left me a wink after telling that to his kid.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now