continuation of Blade's POV...
That's when I started to take him off my mind. Mahirap mang gawin pero kailangan. Not just for him or for me, but for not to complicate things more. I fucked up. I should stay away from him—since being a father to a child I didn't ask for changed everything. I needed to change my perspective. I needed to compromise. I needed to prioritize my new responsibilities now.
I have to be a Dad. Damn, I'm a fucking daddy.
"Congratulations on winning the election!" tinanggap ko ang mainit na yakap ng former mayor nang ideklara ang resulta ng naging eleksyon kung saan ako ang hinirang na panalo.
Hindi ko in-expect na ako ang mananalo dahil unang-una, malakas ang hatak sa tao ng aking mga naging katunggali. Pangalawa, wala akong masyadong karanasan sa paglilingkod sa bayan. Pinanghawakan ko na lamang ang salita ng mga tumulong sa aking pangangampanya, na maaaring mas gusto ng madla ang baguhan sa larangang ito kumpara sa ibang tumakbo na may posisyon na noon pa man.
"The honorable Mayor Blade Collins Torralba, bagay na bagay!" panunukso ni Roxy, ang campaign manager na tumulong sa akin upang maluklok sa posisyong ito. Ginantihan ko siya ng ngiti at pinasalamatan.
More years have passed by like a wind.
Madalas na nahahati ang aking oras sa munisipyo at sa pag-aalaga sa aking supling. Tandang-tanda ko pa noong matagpuan ko ito sa labas ng aming pintuan. Unang sulyap ko rito, may lukso ng dugo akong naramdaman—kaya hindi pa man lumalabas ang resulta ng paternity test ay alam ko nang sakin siya nanggaling.
He has my eyes and my nose—the perfect little version of me.
Before his existence, I was bulletproof. Iyong tipong walang makakatinag sa akin. Walang sinomang makakapanakit. But the day he was born, I was no longer bulletproof. He's gonna be my weakness now. Hindi man ako nakapaghanda kung paano maging magulang, ibinuhos ko sa kanya ang pagmamahal na kailanman ay hindi ko nakamtan sa ibang tao.
"You're gonna be called Bullet." mahina kong bigkas, isang gabi habang hinehele ko siya upang patulugin. I named him that because he's gonna be like a bullet going straight through anyone's heart—everybody's downfall. I will raise him a fighter, unlike me who's a complete loser.
Being a parent was the best diversion so I could forget all the mistakes I've done in the past years. Mas mature na akong mag-isip ngayon—impluwensyang na-adapt ko sa pagiging alkalde. I was proud of my achievements because it feels like it is the only thing in my life that has value. Because remove the title and my son, I am nobody.
I have no identity outside the office and being a parent at home. My life is revolving now on those things alone, it kept me preoccupied but lonesome. Minsan pa, sumasagi sa isip ko ang mga pangamba, kung kaya ko bang palakihin si Bullet nang walang ina. Kakayanin ko ba itong mag-isa? But thinking how other people did, itinatak ko sa aking kaisipan na kung nakaya nilang maging single parent ay kakayanin ko rin.
"You can do it, dude. Tsaka hindi ka naman nag-iisa, andiyan naman ang mga kapatid mo tsaka si Tito." pagpapalakas ni Atom sa aking loob—isang gabing nagkayayaan ng inuman sa kanilang bahay.
May punto naman siya. Kahit walang katuwang sa buhay ay nariyan naman ang pamilya ko, handang tumulong anumang oras, hindi ko man hingiin. Tama ang kasabihang anumang mangyari, pamilya ang iyong magiging takbuhan.
"I know." bulong ko ngunit panandalian akong nakaramdam ng takot nang sumagi sa aking isip ang bagay na hindi ko maamin kay Atom at kung paano akong nagkaanak sa babaeng kasintahan niya ngayon.
Hanggang ngayon ay wala siyang kaalam-alam tungkol doon. I know I did a terrible mistake and it might seem selfish of me to keep the truth from him but things aren't really that easy. I wish I could tell him. Siguro nga'y duwag ako kung umabot ng ilang taon na hindi ko nasabi sa kanya ang katotohanan.

YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...