Huling-huli ko ang mata ng mga kalalakihang napapatingin sa aking gawi habang papalabas kami ng school ni Cooper. He's whispering silly ideas to me while I was returning the gaze of the boys.
"Basketball varsity, campus heartthrob, and recently won the school's king of the night. Ano pa bang inaayawan mo kay Carson?" pangungulit sakin ni Cooper.
He's been my bestfriend since we were in grade school, he's also gay and our names sound almost the same that's why we clicked quickly. Pero may isang pagkakaiba sa aming dalawa. Mas maharot siya sakin. Ako kasi, pa-demure lang.
"May girlfriend na 'yung tao, anong gusto mo ahasin ko?" inismiran ko siya para malinawan siya na hindi ako katulad niya.
Nakalabas kami ng school at naghihintay na lamang sa aming kani-kaniyang sundo. Sa aming tapat ay may nakaparadang white range rover ngunit walang tao sa loob kaya malakas ang loob ni Cooper na magsalamin sa bintana nito.
"Kung ang mag-asawa nga naghihiwalay, mag-syota pa kaya? Pwede pang sirain 'yon!" napailing-iling pa ako sa kalokohan niya. He doesn't mean it, he's just really sarcastic about everything.
"Ayoko sa taken na. Doon ako sa single. At ayaw kong manira ng relasyon." wika ko habang nakatanaw sa malayo.
"Siyempre biro lang 'yun! Hindi mo naman sisirain, pasikreto lang ba? Mukha namang pumapatol 'yung si Carson sa mga indecent proposals." dagdag niya pa at kinindatan pa ako ng hinayupak.
"Mga gawain mo eh ano? Huwag mo nga akong igaya sa'yo. I'll preserve my virginity for the man who's gonna love me. Maybe not now, but someday." inakbayan niya ako pagkatapos kong sabihin 'yon at saka pinisil ang aking ilong.
"Naks! Basta ako ang maid of honor sa kasal mo, ah?"
Nagtawanan kaming dalawa. We stayed there for a bit until his driver came. Nagpaalaman kaming dalawa hanggang sa maiwan ako roong mag-isa. It's starting to get dark but the streetlights nearby lit the road.
I was checking my phone when I got startled by the flash of lights coming from the range rover. What's more confusing is no one's inside it so how come...
The headlights dimmed and then it blasted off after a few seconds. Nawala ang atensyon ko roon nang sakto namang dumating ang aking sundo. Pero hindi ito ang SUV namin kundi ang sasakyan ni Daddy.
"Dad?" bumaba sa kalahati ang bintana nito at naaninag ko si Daddy sa driver's seat.
"Come on in! I'm on my way home." he flashed a smile before I pulled the door to get inside. He started the engine and off we go.
"So how's school?" he changed to lower gears when we were on a straight road.
Bihira akong masundo ni Daddy sa school kaya nakapagtatakang umuwi siya ngayon ng maaga.
"Ayos lang, Dad. Sabay kaming nag-aaral ni Cooper kaya pareho ring mataas ang mga grado namin." anak si Cooper ng isa sa mga co-partners ni Dad sa publishing company na aming pag-aari kaya kilala niya ito.
He gave me a curious look. "Really? Is he being a good influence?" natawa ako sa sunod niyang itinanong. I wanted to be honest but I suppose he won't understand it when I explain it to him.
"Yes, dad. We're best of friends since we were kids. So I never had a hard time adjusting. He talks a lot but he's fine." pahayag ko.
"Good."
Natahimik kami ni Dad pagkatapos ng ilang minuto. Maririnig ang marahang saliw ng lumang tugtugin sa radyo nang mapansin ko ang patak ng tubig sa windshield. Nagsimula sa ambon hanggang sa rumahas ang buhos ng ulan.

YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...