Chapter 10 [Date]

8.1K 517 59
                                    

It was my third yawn when I caught Bullet staring at me with his hawklike eyes, gayang-gaya nito ang sa kanyang daddy kahit na maliit pa lamang ito. Nginitian ko siya pero hindi ko inaasahang ngingitian niya rin ako pabalik.

"Dada?"

Ang cute-cute niya, panigurado paglaki nito gwapo rin at maraming magkakandarapa sa kanyang mga babae at feeling babae. Ang mahahabang pilik nito ay natural na makurba at ang labi ay hugis puso. Medyo kumakapal na rin ang buhok nito kaya nagkakaroon ako ng ideya sa magiging hitsura niya paglaki.

"Dada is working, baby. But I can be your dada as well, you like?" hindi yata nito naintindihan ang sinabi ko dahil nakangiti pa rin siya hanggang ngayon.

I don't really believe that I'm good with kids but it doesn't hurt to give it a try. Babies are the most wonderful thing in this world, of course aside from me.

"Momo! Momo!"

Tumingala siya sa akin at itinaas ang kanyang dalawang braso. Ano raw? Sinasabihan niya ba akong... bobo?

"Momoooo!"

Kung kanina'y masaya ang disposisyon niya, ngayon naman ay nagsimulang lumukot ang kanyang mukha at saka umiyak. Agad akong nakaramdam ng habag pagkakita sa nakanguso niyang labi.

"Oh noooo, baby come here... don't cry..." agad kong binitawan ang throw pillow na nakapatong sa aking mga hita at saka siya dinaluhan.

Bullet is sitting on the mat, a while ago he was playing his lego bricks but right now he's being grumpy.

"Bakit umiiyak ang baby? Naku, ang cute cute mo pa naman..." dahil nakataas na rin ang kanyang mga kamay, binuhat ko siya kahit na may kabigatan siya. Karga ko siya sa aking dibdib ngunit hindi siya tumigil sa pagngawa.

"Ssshhh... your second dada is here, baby... don't you want me as your dada?" kinakausap ko siya upang tumahan. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisnging namumula na.

"Momo! Want momo!"

Until now, I couldn't seem to comprehend what he was trying to tell me. Momo?

"How about chupchup baby? You want your chupchup na?" tanong ko saka kinuha ang baby bottle na naglalaman ng gatas at ipinakita sa kanya. He ignored it and cried even more.

This is stressing me out but there's no point in equally getting frustrated. Nakatingin siya sa akin habang umiiyak habang hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

I remembered Blade reminding me to call him if anything happens and I need help, balak ko na sanang gawin 'yon ngunit tumigil ako sa pagdial ng kanyang numero. I put my phone back on the sofa and inhaled deeply. I can do this!

"Momo?" I whispered, trying to decipher something out of that nonword but then I noticed Bullet stopped from crying.

Nagtitigan kaming dalawa, naiwan ang bakas ng luha sa kanyang mga mata.

"M-Momo.." bigkas niya, animo'y naintindihan ang sinabi ko.

"Yeah, momo? What's momo, baby?" I think I sounded crazier asking that to a little human being.

"Dada... Momo!"

Hindi ko naiwasang mapaawang ang aking bibig sa realisasyong unti-unting nagsink-in sa aking utak. I felt like I just got inside his world and now I'm understanding his language.

"Me? Your momo?" gulat pa ring tanong ko sa kanya.

He didn't nod but I know he agrees to it based on the way he showed me an endearing smile. He doesn't want me to be his second dada because he likes me to be his momo. We're on the same page if you understand what that means.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now