Chapter 60 [Drown]

8.4K 535 242
                                    

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko habang hila-hila ko ang manggas ng kanyang t-shirt. Pumipiglas siya pero mahigpit ang kapit ko at wala akong pakialam kung mawarak ang damit niya, ang mahalaga ay mahila ko lang siya patungo sa tagong parte ng supermarket.

Tahimik lang siya ngunit nang tangka kong bitawan ang kalunos-lunos na manggas ng damit niya ay bigla niyang hinablot ang braso ko dahilan para mapaigtad ako sa gulat.

"Bitawan mo nga ako! Ang gaspang naman ng kamay mo!" pagpupumiglas ko ngunit napatigil ako nang aking masaksihan ang pagdilim ng kanyang mga mata pagkarinig sa huli kong sinabi. "What? Totoo namang magaspang 'yan, ahh?!" katwiran ko, pinapangunahan siya dala ng aking takot.

Mas lalong nanlisik ang kanyang mga mata kaya nagpasya akong manahimik na muna dahil kung hindi ko ititikom ang aking bibig ay baka mabangasan pa ako nito nang wala sa oras. Barako nga pala 'tong kinakabangga ko kaya dapat na mag-ingat. At kung sakaling bubugbugin niya ako, paniguradong wala akong laban. Magmimistulang David and Goliath kaming dalawa kapag nangyari 'yon.

"Ano bang problema mo sa mga kamay ko?" seryosong tanong niya, hindi yata narinig ang komento ko kanina tungkol doon. Binitiwan din naman niya ako kinalaunan kaya huminahon ako. Saglit niyang sinuri ang kamay niya na animo'y naghahanap ng dumi roon.

"Magaspang nga kase! Tapos hawak ka pa nang hawak!" pag-iinarte ko kahit na ang gusto ko lang naman talagang mangyari ay lubayan niya ako.

At saka ayaw kong hinahawakan niya ako dahil hindi maganda ang epekto nito sakin. Ang paraan pa naman nang paghawak niya ay may rahas kaya para akong nagdedeliryo kapag magdidikit ang mga balat namin. Parang may kuryenteng dumadaloy sa mga ugat niya kaya napapaigtad ako sa bawat hawak niya.

Imbes na mairita ay napangisi pa siya pagkatapos. Nagulumihanan ako. Anong nakakangisi sa sinabi ko? Aba gago 'to ah? Ginagago ba ako nito?

"What's so funny?!" prangka kong tanong dahil pakiramdam ko ay may kung anong kabalahuraan ang tumatakbo sa isip niya. The way his lips were twisted trying to hide his smirk annoyed me to the highest level.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay kinilabutan ako. Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko. I don't know. It's just the way he looked at me was frightening, like there's a storm coming any minute. He licked his lower lip before spilling what's on his mind.

"This hand that you're insulting..." he muttered and raised his right hand showing it to me. "Is the same hand that entered your..." then his eyes scanned my whole body until he stopped where my butt is.

I squinted my eyes at him. It took me a whole goddamn minute before I realized his meaning. I scoffed sarcastically, slightly offended by what he tried to imply. And then suddenly, graphic images of our hot encounter flashed back on my mind, most especially the fisting part.

Goddamn it!

I lost the last thread of my patience so to avenge my dignity, I grabbed the cupped noodles on the shelf beside me and fired at him. Pinagbabato ko sa kanya ang lahat ng cupped noodles na aking nahablot, maging ang iba pang canned goods sa sumunod na shelf.

"Fuck! Aww! Harper, stop it! Aray ko puta!" he hissed in pain. Sinubukan pa niyang magtago sa likod ng grocery cart pero hindi ako tumigil at pinaghahagis pa rin ang mga grocery items na nadadampot ko.

Humalakhak pa ako sa tuwa nang masapul ko siya sa ulo. Puro mura ang naririnig ko sa kanya pero dahil sa saglit kong pagtigil ay ginamit niya ang oportunidad na iyon upang atakihin ako. Sinunggaban niya ako sa aking likuran kaya halos mapatili ako sa takot.

"Hindi ka titigil, huh?" bulong niya sa gilid ng aking tainga saka ako kiniliti nang walang humpay.

"Blade! Let me... Let me hahahaha! Fuck you! Let me go you motherf— hahahaha!" para akong bulateng binudburan ng asin sa kakatawa. Napapakapit tuloy ako sa magkabilang braso niya pero kada kikilitiin niya ako ay nanghihina ang mga tuhod ko.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now